"Natakot ba kita?" ONE-SHOT

5 0 0
                                    

"Trav, nandito pala si Ira. Pakibaba nalang siya." Napalingon ako kay mama na nasa labas ng kwarto ko.

"Saglit lang ho ma." At napatingin na ako uli sa inencode ko sa aking pc. Maiintindihan naman yun ng girlfriend ko kaya hindi muna ako bumaba at ipinagpatuloy muna ang ginagawa ko.

Ako nga pala si Travis Santa Cruz at si Ira Legazpi ang girlfriend ko.

Matagal na kaming dalawa halos mga 5 years na siguro. Highschool nung nagtapat siya sa akin na matagal na niya akong gusto, hindi na rin naman ako nagpaligoy-ligoy dahil maganda naman talaga siya at napakaunderstanding to the point na minsan eh natatake for granted ko ang kaibatan niya pero hindi naman siya nagagalit kaya ayos lang.

Hindi ko namalayan ang oras dahil bukas na nga ang deadline nitong iniencode ko at nakasalalay ang pag-graduate ko rito kaya naghihikahos ako na matapos ito.

Nung nakaramdam ako ng gutom saka lang ako bumaba at nadatnan ang girlfriend ko na nakatulog na sa sala namin.

Umupo ako at pinahiga siya sa kandungan ko at malayang hinimas ang kanyang buhok. Hindi ko alam kung paano kami nagtagal ng ganito pero nagpapasalamat parin ako dahil iniintindi niya parin ako.

Naalimpungatan siya at mabilis na umupo sa tabi ko. "Pasensiya na kung nakatulog ako , trav ha." Pagpapaliwanag nito sa akin at humalik sa pisngi ko.

"I miss you." Ngumiti siya at agad naman akong napangiti.

"I miss you too."hinawakan ko ang kanyang kamay at ipinagsiklop yun sa akin.

"Ah kaya pala ako nandito kasi may sasabihi--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nung tumunog ang cellphone ko. Nag-excuse muna ako rito at sinagot ang tawag.

"Bro, nabalitaan mo na ba?" Pagbungad sakin ng kaibigan ko.

"Alex, ang ayaw ko sa lahat eh yung nagpapaligoy-ligoy." Alam kong napapakamot na ito ngayon ng batok.

"Eh kasi namove yung deadline na dapat bukas ng hapon eh naging bukas na ng umaga. Ngayon ko lang talaga nalaman bro kaya nagmamadali na nga rin ako. Rush na to bro ." Mabilis na nanglaki ang mata ko at nagpasalamat dito matapos patayin ang tawag.

Nakalimutan ko na nasa baba ang girlfriend ko at pinagpatuloy na ang naudlot na gawain na malapit narin matalos konting tiis nalang.

Nagulat ako nung tumunog iyung cellphone ko kaya hindi ko na ito muna pinansin. Baka hindi naman importante o hindi naman siguro mas importante sa ginagawa ko ngayon.

Hindi ko namalayan na umaga na pala dahil na rin sa pagkakafocus ko sa ginawa ko at sa wakas natapos ko na rin ito. Makakagraduate na rin ako with flying colors.

Umidlip muna ako para makabawi naman ng tulog at hindi ako mahirapan sa reporting mamaya.






"Uy pare, mabuti naman at naging maayos yung kinalabasan nitong reporting natin. Akala ko talaga hindi ako makakagraduate dahil masyado na kong narush." Natawa naman ako rito.

"Salamat nga pala, lex, dahil na abisuhan mo ko kung hindi eh baka next year pa ko makagraduate." Sinundan naman iyun ng mga tawanan ng iba pa naming mga kaklase na kita-kita ang pag-aliwalas ng mukha dahil sa wakas eh tapos na ang pinaghirapan namin.

"So kailan ang celebration niyo ni girlfriend." Panunukso nito kaya natigilan ako at napatingin sa cellphone ko na hindi ko ata nahawakan kagabi.

"Saglit, pre."

Lumabas ako at ilang beses tinawagan ang numero ni Ira pero hindi naman na ito sumasagot.

Napasabunot ako sa buhok ko at nagmamadaling pumunta sa classroom niya na hindi naman malayo sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Natakot Ba Kita?" ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon