Nakaupo sa may hangganan,
Pangpang ang pagitan mula sa karagatan
Ang layo ng tinginHanggang saan makararating?
Rumaragasang alon,
tila nanghahamon.
Nagngangalit na agos ng tubig.
ramdam ang galit sa bawat hagupitNakaupong pinagmamasdan ang iyong kalawakan,
Walang dulo walang hangganan.Bawat oras na lumilipas
bawat lagaslas at paghampas, kasabay ng hanging dumarapi sa pisngi.
Kasabay ng mga hinuha, katanungang walang katapusan.
Nakaupo ka lang at pinagmamasdan.
Nakaupo ka lang at dinaramdam.
Nakaupo ka lang at tintunghayan,
matapos ang takipsilim at balutin ng kadiliman ang kapaligiran.
BINABASA MO ANG
POEMS I'VE WROTE FOR YOU
CasualePoems that was written throughout the times I am missing that one. Because sometimes it ain't easy saying what your heart is longing to tell to that someone. Someone who means a lot to you. Someone who eats a lot of your time just thinking his/her...