Chapter 26

13.1K 285 19
                                    


"Susulat ka ha?"

Binatukan ko si Patrick nang sabihin niya 'yon sa 'kin, nandito kasi kami ngayon sa airport dahil ito na ang araw para umalis ako papuntang Paris and settle there.

Malungkot ako dahil simula nung sinabi ko kay Ethan na titira na ako sa Paris for good hindi na siya nag pakita sa 'kin kinabukasan. I don't blame him and I'm not mad at him dahil nabigla siya sa sinabi ko. Wala nga siya rito at hindi ko alam kung mag papakita ba siya o hindi. Hindi na ako aasa dahil malapit na rin naman ang oras para pumasok ako.

"Just call us if you need something, or you need someone to talk to." Sabi ni Rian kaya ngumiti ako at niyakap siya. "I'm sorry to tell you this but I think Ethan is not coming to see you off, sinabi na namin sakanya pero sarado ang utak kaya hahayaan na muna namin siya." Ngumiti ako sa sinabi niya at saka ko hinawakan ang mga maleta ko.

"There's no goodbye, I'll see you all very soon, always remember that I love you guys so much!" Sabi ko sakanila at pumasok na sa loob ng airport dahil nag iintay na sa 'kin doon ang parents ko at... parents niya. They will see me off kaya napangiti akong yumakap sakanila.

"Mag iingat ka roon ha?" Bilin sa 'kin ni Tita Dennise. "Babalik ka okay?" Tumango ako at saka ko siya niyakap ulit.

I looked at his father. "Hindi kita sinisisi sa lahat ha? Baka sabihin mo na naman na sisisihin kita." Sabi niya at niyakap ako. Nalaman pala niya ang sinabi ko kay Ethan noon. "Take care,"

Lumipat naman ako sa parents ko na umiiyak hindi kasi sila kasama dahil sila ang mag mamanage ng branch rito at ako naman sa Paris. Sana kayanin ko dahil ako lang mag isa roon at wala akong kasama. Well, Lance and Ross are there so maybe pwede na 'yon idadagdag ko pa si Fressia as my secretary.

"Ma'am let's go," sabi ni Fressia kaya nag paalam na ako sakanila at saka kami pumasok ng airport.

I was waiting for him pero hindi talaga siya dumating kaya hindi na talaga ako umasa. Hanggang sa makapasok kami sa boarding gate walang sumigaw ng pangalan ko.

I guess this is a goodbye for us? Ang hirap naman ilet go ng lalaking 'yon! Bakit ba kasi hindi siya nag pakita sa 'kin?! Naiinis na ako ah!

Pag pasok namin ni Fressia ng eroplano sumandal agad ako sa bintana at tinignan ang labas, I'm forcing myself not to cry but I can't help it. Siya na nga lang ang taong gusto ko makita bago ako umalis tapos hindi pa siya nag pakita. Nakakainis siya! Ang sarap niyang sakalin.

Nag habilin nga ako sakanila na batukan si Ethan para sa 'kin at sana gawin talaga nila 'yon.

I fell asleep because I felt tired at nang magising ako naka land na kami, pag labas namin ng eroplano limousine agad ang sumalubong sa 'ming dalawa ni Fressia at nakita ko pa si Ross na lumabas at kumaway sa 'min, napairap na lang ako at saka kami sumakay ni Fressia.

"What the hell is this? Bakit may pa ganito pa?!" Tanong ko pag sakay ko sa passenger seat.

"A ride for the CEO," sabi niya at tinaas taas pa ang kilay kaya napairap ako habang may ngiti sa labi. "Anyway are we heading to your house? Or sa hotel?" Tanong niya.

"My house mag papahinga na muna kami ni Fressia," sabi ko sakanya tumango naman siya at hindi na nag salita.

I hope you're doing fine, and please don't ever cheat on me again! 'Yon talaga ang hinihiling ko dahil mapapatay ko silang dalawa ng babae niya pag nagkataon!

We're now in front of my house and It's gorgeous, it was the house I'm expecting kaya tumingin ako kay Ross na naka tingin sa 'kin habang nakangiti. "Thanks for making this magical for me!" Sabi ko.

One Month Relationship With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon