Bakit
Bakit?
Bakit mo pa hinawakan ang kamay ko kung bibitawan mo lang din ako,Bakit mo pa ako kailangang sabihan ng mahal kita kung sa dulo naman ay susuko ka,
Bakit paba natin ginawa yung masasayang ala-ala kung ang kapalit naman nito ay pang matagalang pagdurusa,
Bakit mo pa ako niyakap kung darating din naman yung araw na pipiglas ka,
Bakit mo pa ako kinailangang halikan kung dadating naman sa puntong kailangan mong Magpaalam,
Bakit? Eto ang mga tanong na walang kasagutan simula nung sinabi mo saking kailangan mokong iwan,
Yung mga bakit na sanay hindi nalang nangyari, dahil masakit isipin ang mga bakit nayan lalo na't hindi mo din alam kung bakit kailangang magpaalam.
Bakit nga ba kailangang magpaalam?
Bakit pa kasi nauso yung salitang PAGLISAN?Mahirap makalimot, mahirap yung bawat araw bawat gabi na wala ka, hindi ko nakikita yung maamo mong mukha.
Bakit!?
Hindi mo naba ako mahal?
kase kung Oo ang sagot mo mahal Hindi ang tugon ko sayo,Kailangang tanggapin ang mga bagay na wala na,
Sana patuloy mo nalang hinawakan ang mga kamay ko,
Dahil ang mga BAKIT na ito ay baon baon ko hanggang sa masabi kong MALAYA na ako sayo.

BINABASA MO ANG
Spoken Word (Poetry)
PoetryD talaga ko marunong gumawa ng story kaya eto nalang naisip kong gawin hope you guys like it💖