『 Migs 』
"yah taehyunggggggg!!!!" napalingon ako sa labas ng makita ko sila ni jungkook
yung totoo bakla batong bestfriend ko?
hindi kaya?...
may relasyon sila?
aniya.. hindi eh
"ang akala ko hindi kana makakalabas ng clinic"
"para namang ang lubha lubha ng sakit ko"
bumalik na yung sigla niya
pero ibang iba yung taehyung na nakita ko kanina
hirap na hirap siyang huminga habang nakahawak sa dibdib niya
hindi ko alam pero bakit feeling ko wala talaga siyang sakit? na nantitrip lang siya kanina
makatotohanang joke?
pero ano bang pakelam ko?
aish stop it migs.
sa pangalawang pagkakataon iniwan nanaman ako ni jungkook -.-
yung totoo araw araw naba ako maglalakad?
'ang akala moba porket sikat kalang sa school ay ikaw na ang nakakaangat?'
'para kalang namang si joohyun mga walang binatbat!'
"pwede ba tigilan nyo na ko, wala akong ginagawang masama sa inyo, sige ibibigay ko nalang ang wallet ko tigilan nyolang ako"
'nagtatapang tapangan kana taehyung?'
napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang pangalang yon
saka ako tumingala sa pader sa kanan ko
nakita ko si taehyung na mukhang ok lang naman at pinaliligiran siya ng 4 na lalaki
hala anong gagawin nila?!
nagulat ako nung biglang hablutin nung isang lalaki yung bag ni taehyung at hinalukay ito
'teka bat ito lang ang laman ng wallet mo? wala naba kayong negosyo at bumaba ata ang binabaon mo ngayon'
"pasenya na pinambili ko ng gamot yung pera ko kanina"
tang- hindi ko alam na napakaduwag netong ulol nato!!!!!
'kasalanan ko paba yon?!!'
susuntukin na sana siya nung lalaki pero sumigaw ako
"HOOOOYYYYY!!!!!"