Bakit kaya nitong mga nakaraang araw, palagi na kitang naiisip? 'Pag wala ka, hinahanap na kita. Pag andyan ka naman, kunwari deadma.
Bakit kaya napapangiti na 'ko pag naririnig 'ko ang pangalan mo? 'Di naman tayo magkapangalan pero kung minsan pa nga napapalingon na 'ko.
Bakit kaya gumagawa na 'ko ng paraan para makausap ka lang? Pwede 'ko naman itanong sa iba, pero sayo pa 'ko pupunta.
Bakit kaya 'pag kinakausap mo 'ko, nauutal na 'ko? 'Wag ka kasing ngingiti! 'Pag ngumingiti ka, nakakalimutan 'ko na 'yung sasabihin 'ko.
Bakit kaya gusto 'ko ng naririnig 'yung boses mo? Mas maganda 'pang pakinggan kaysa paborito 'kong kanta.
Bakit kaya kinakabahan na 'ko 'pag nakikita kita? 'Pag tumalon ba 'yung puso 'ko papunta sa'yo, sasaluhin mo ba?
Bakit nakikita pa lang kita, sumasaya na 'ko? Palaging nakatawa at nagiging energetic sa lahat ng bagay.
Bakit kaya nakakaisip na 'ko ng mga paraan para mapasaya ka? Eh kasi naman, para 'kong nailigtas ang buong sangkatauhan 'pag nakikita 'kong ngumingiti ka.
Bakit kaya interesado na 'kong malaman ang lahat ng tungkol sa'yo? Lahat ng ayaw at gusto mo at lahat ng nangyayari sa mundong ginagalawan mo.
Bakit kaya parang gusto na kitang angkinin? Kailan ka ba papalayasin sa inyo at nang maiuwi na kita sa'min?
Bakit kaya ayaw 'ko 'pang umamin? Bakit itinatanggi 'ko pa 'to sa sarili 'ko? Naduduwag ba 'ko? Humahanap ng tamang tiyempo? Katangahan ba 'to? O this time, bago ako gumawa ng hakbang, nag-iisip na 'ko?
Kumplikado. 'Yan ang sitwasyong gusto 'kong pasukin. Walang kasiguraduhan 'yung resulta. Sa mata ng mundo, mali na ipagpatuloy 'ko. Pero gusto 'ko din malaman, para sa'yo, ano sa tingin mo?
Ewan ko ba. Nagtritrip yata ang mundo. Kung kailan handa na ako uli, sa'yo naman ang direksyon ng biyahe 'ko.
Maling tao. 'Yan ang iisipin nila. SIGURADO, madaming diskusyunan. Maraming tututol. Maraming babatikos. Maraming pupuna. Pero mahalaga sa'kin ang sasabihin mo. Ikaw ba? Gusto mo bang ipaglaban kita?
Bakit kaya ang dami ko nang naisulat? Dala ba 'to ng pagod o 'di kaya ng puyat? Nasobrahan ba 'ko sa kape? O nakulangan sa tubig? O baka ito na naman ako't tinamanan ng tinatawag nilang...
'Pag sigurado na 'ko sa sagot, sa'yo 'ko na itatanong. Pero sa ngayon ang magagawa 'ko na lang ay magparamdam sa'yo, magtanong, at magtaka kung bakit nga kaya sa dinami dami ng tao sa mundo, eh ikaw pa.
BINABASA MO ANG
Bakit Kaya?
RomanceJust a short writing about my thoughts. About thinking of someone consistently.