First Sight.

200 2 3
                                    

A/N: Hahaha. Since di ko pa alam isusulat ko sa isang story ko, eto muna. Inspired ako eh Ü Thanks kay anu dun! sa dedicate ko. Mamats!

---------------------------------------------------------------------------------------------

Ano ba pumapasok sa isipan niyo 'pag torpe? 

* Di marunong man-ligaw.

* Nagiging pipe 'pag kaharap ang gusto.

*Hindi maka-kilos ng normal 'pag andyan na yung gusto.

Mahirap kaya maging torpe? Kasi sabi nila 'pag torpe ka daw, talo ka. Anong talo dun? Siguro kasi di nagiging sila ng babaeng gusto niya. Eh pano kung yung babae, hindi rin makapagda-moves? Kasi nahihiya din. Eh di ang sagot ay NGA-NGA? Pano na yun? Ang dami kong tanong noh? Ang hirap naman kasi eh. Naramdaman niyo na ba yung peeling na gusto mo siya hawakan, kausapin, tawagin, makipag-daldalan, landiin (ay joke lang). Pero hindi mo magawa? Ilang beses ko na naramdaman 'to. Hindi ko alam kung gusto ko 'to o ayaw ko. Pero bahala na nga. Bwiset kasi eh. Bat ba ko nag-aral dito? Nag-umpisa kasi nung third year high school.

[Let's go back where love first found us]

 "Ma, walang pogi oh" haha. sabi ko sa mama ko. Uwa. First day ko sa third year life ^___^ Ayiie. Kinakabahan ako. May mga kaibigan naman ako. Pero iba pa rin kapag mas madami yung di mo kilala sa kilala mo di ba?

 " Haha. Oo nga. Yung isa dun parang college na oh" ayan ah. alam niyo na kung san ako nag-mana? Gets niyo na? Pero mukha talagang college yung ka-section ko. Anubayan =__= 

"Ay makalait si mama oh? haha. Hala ma! bye na. Huhu. "  para akong grade one na iiwwan ng nanay XD Kasi naman eh. Ang hirap kaya.

" Oh sige. Bye na! Text ka na lang ah " hala. kinakabahan na ko.

"Owkay! ;D" Wala na kong magagawa. Umalis na si ina kong mahal. Uwaa.. Forever alone nako. Ay meron pala akong kilala.

Pumunta na ko sa mga kaibigan kong mahal. Hahaha. Ew. Mga tatlo silang mga baliw. Since elementary magkaka-klase na kami.

Si Angie, one of the rebel. Matalino pero loko-loko minsan. Umakyat siya sa stage with awards. May sports din siya. May peslak din naman. I mean, may karisma. Di naman kami close. Pero kilala ko siya.

Si Eioj, Kyut kasi maliit siya. kaibigan ko daw siya nung grade two pero di ko matandaan. May amnesia ata ako. =__=  

Si May, eto? di talaga kami close neto eh. K-pop lover siya. ako? Nga-nga. hayyy. Di ko siya close eh. 

Ayan silang apat. May description na. Bahala na mukha. Di na importante yun. XD Pero eto na. Pinapasok na kami. Star Section daw kami. Ano pangalan ng section namin? SECTION RICE. haha. Imba. ampupu lang ng name :p Pero eto na talaga! malapit na ko sa pinto. Tinawag ako ni Angie. 

"Gail, dito oh" sigaw niya with mactching kaway-kaway XD Ay. Si angie pala. Di naman yung sigaw na sigaw ah? Yung tama lang.

Pumunta nako sa pwesto nila. Andun na rin yung iba kong kilala. Bali nasa medyo dulo. Ganito po,

"di-ko-kilala" -> "Si May" -> "Angie" -> "Nemo" -> "ako" -> "Si eioj " :D

Ayan. Hehe. Biglang pumasok si Guro. Mukhang may asawa na, mahaba buhok at straight, pati mas matangkad ako. Di ho ako matangkad na six footer. Maliit lang talaga siya, Syempre babae! Ang tahimik namin sa room. Parang mga anghel lang ah. Pero syempre kabisado ko na rin yan. Umpisa na lang mga yan. Kami naman? Since magkaka-kilala na kami, medyo may pagka-ingay. Medyo lang naman. Pero natahimik kami sa mga kwento namin. Si mam nag-salita.

"Good Morning Class!" sabi niya with smiling face. Haha. Peeling bata naman si Mam XP

"I'm Mrs. Nile" huh? anudaw? lol. anu, parang ganito. "nayl" gets u? 

"So,  gagawin na natin ang seating arrangement niyo. But before that, I'm your AP teacher. Hindi rin ako mabait ha? Wag kayo mag-expect. Ngayon, let's do some seating arrangement. Pumila muna kayo sa labas in alphabetical order" baliw ata 'to si Mam eh -___-'  First Day nga di ba? eh di ibig sabihin di namin kilala. different section here ma'am!!!! XD Sa sinabi ni Ma'am Nile or nag-reklamo.

"hala. di tayo magka-tabi" 

"pusang gala! di nga kami magkakakilala eh" 

"Yehey!!!! Magka-sunod tayo! wohoooo!" 

Sila na. Ang natatanging malapit na surname lang saken kasi si Angie na hindi ko close XD Bakit kasi letter T yung apelyido ko.  Kilala niyo na ba ko? Hindi pa noh? Oh sige, Ako si Gail Torres. Ahehe. Yun lang *bow* Hahaha. Ayan na. Onte-onte nang nauubos ang lahi ng I-Rice. Chos lang syempre. Malapit na samin. Pero bago yun. Natawa ako. Kasi andaming surname na nakakatawa. Si Mr.Basilio, si sisa kaya? tas may Aguinaldo, Andres. Nuxx talaga. Daming bayani dito sa room XD

"Ms. Torres, seat there." ay? ampupu. kita ng titser. Myghadd. Pano na ko? huhu.

Naupo na ko. Waley naman akong magagawa eh. May katabi ako. Babae. Nag-aaway nga sila ng katabi niya eh XD Friends siguro talaga sila. Habang ako? Nga-nga. Ikot-ikot mata. Nagsasalita si Ma'am ng biglang napatigil ako. May di matangkad na lalaki dun sa harapan. May killer smile siya. Angkyut :3 Habang nagde-daydream ako. . Biglang lumingon. Uwaaaaaaaaa. Wag ka mag-panic Gail. Okay. Ayan. Huhu. Muntikan na ko dun ah. Bahala na nga si peterpan mylabs kung ano isipin nun. 

"hi!" sabi ko with smiling face sa katabi ko.

"Hello!" sabi niya din with a big smile. ay. tinalo smile ko? haha. " ano ba? ang kulet mo. kanina ka pa eh." nagulat ako kasi di naman kami close. Panong kanina?

"huh? ano ginawa ko?"  sabi ko na may sad face naman. kasi pers day may kaaway nako? huhu.

"hindi. eto kasi oh. kanina pa ko kinukulet."  sabi niya sa katabi niya. Haha. kaya pala. akala ko naman. Kulot yung katabi niya. di naman talagang kulot. yung straight tas kulot sa baba.

"Hello. Arlene pala." nagpakilala yung katabi niya. angkulet niya. pag tumatawa, pumipikit XD

"Hi. Gail po"  ay napapo ako? XD chos lang. "magka-klase na kayu dati pa?" tanung ko sa kanila. kasi sobrang close ata sila.

"eh? hindi eh. Ngayun lang din" napa-nganga ako. kasi kung mag usap sila, magbespren XD 

"ah. kulet XD sobrang close niyo mag-away eh" sabi ko sa kanila.

sumunod ang mga kwentuhan namin at nag-break din sa wakas! ohmay :) Gutom na ko XD

 [Break] 

" Gusto mo? "  

may nag-aalok ng pagkain niya samin.  Baka nahulog na yung pagkain na yan. Pinamimigay eh. Joke XD umiling na lang ako with my pretty smile. Chos. Tapos ngumiti di siya. Para siyang nerd na babae. As if naman noh -__- naka-salamin eh. Bala na nga. May baon kami. Kaya kumain muna kami ng sabay sabay. Nang matapos na, nagkayayaan na lumibot sa campus. Palabas na kami ng masalisi ako ng tingin doon kay Mr.Smile. Uwaaa. Bakit ba ko tumitingin dun? Humaygad. Nung tumingin ako sa kanya, di naman siya naka-tingin. HAHA. safe ako dun. Makalabas na nga. 

Naka-ikot kami ng campus at ng maka-punta kami sa canteen, ganito ah mga reaksyon namin...

KAMI =   0__________________________________0 

Huwaw lang kasi. Ang impyerno ng peg ng canteen, dami kasing freshmen . Entrance pa lang, summer na summer na XD Dami pang tao. So nag-decide na kami na wag na lang bumili at bumalik na lang ng room. Haha. Pinagod lang namin sarili namin. Medyo mainit din kasi kaya binilisan namin. Mabilis din natapos yung araw namin. Puro daldalan lang. Ganun. Kaya nauwi na rin kami.  *u* haha. 

Pagka-uwi ko, nagbukas na ko ng peysbuk ko. Syempre understood na nakapag-bihis na ko diba po? XD Pero may tatlong friend request. Tinignan ko. isa kamag-anak ko. Yung isa, katabi ko. Yung isa, di ko kilala. Pero familiar. Kaya tinignan ko yung profile. At napa-laki ang mata ko.

Mr. Torpe ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon