A/N: Kyut ni anoh noh???? hahaha.
=======================================
Gail's POV
Nakita ko yung lalaking tinitignan ko kanina, inadd ako. Mygulay? pano niya nalaman? Except sa naka-name plate ako. Hahaha. Pero bat niya naman ako ia-add? Kinikilig ako uwaaa. Nash name niya, last name niya, Guevarra. Gail Guevarra XD Peeling ko naman di ba? Ang kyut kyut niya. Ang panget panget ko =__= same pala kami ng month ng birthday. April :') Kilig alert na talaga. Yung dp niya rin angkyut. Naka jacket na naka bag. Nung matapos tapos na ko mag halungkat. Inantok na ko. Inayos ko muna yung bag at uniform ko. Kumain na din muna ako. Tapos onteng nood tv. Saka natulog.
"Kung ina-akala mo, ang pag-ibig ko'y mag-babago. Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming pasko. Kahit na --"
Oh ang sweet naman nun. Alarm ko nga pala. Syempre kailangan maganda ung kanta para maganda din yung gising ng prinsesa. Chos lang :p Bumangon na ko. Naligo muna ako bago kumain. Habang naliligo ako, may music. Oo, may music. Soundproof cr namin. Joke lang yun syempre. Di kami mayaman nuh. Sakto lang. Sumasabay ako sa kanta.
" All i hear is raindrops. Falling on the rooftop. Oh baby baby -- " napatigil ako kasi may kumatok.
" Nak, bilisan mo nag-text na si Nemo. Maaga daw kayo." sabi ni mama. Tae to si Nemo oh. Ang aga-aga pa. Early bird award ang peg? Potchi lang.
" Sige po ma. " hala. di pako kumakain.
Si Nemo? Classmate ko siya nung first year pero ngayun, wala naaa. Nag iba sya ng section ang bumalik lang sa section namin ay si May. . Pero magka-sabay kami.
Mga 10 minutes natapos na ko sa pag-ligo, pag-bihis, pero ang pagkain? Homaaaaaaaaaaaayy. Tag- gutom ngayon. Kainis kasi 'to si Nemo eh. Aga-aga pa eh. Baka mamaya late naman siya pag-dating ko dun sa meeting place. Oh. Wait lang, baka ano isipin niyo. We're just friends. Pang showbiz lang. Since elementary magka-ibigan na mga mama namin so, naging friends na kami. Kaya ganun. Kahit ayaw ko sa ugali nung mokong na yun, nasanay na rin ako XD Hayyy. Gugutom ako. Di ko rin alam gagawin ko sa buhok ko =__= Nabuhay pa ko diba? Freshmen, di pa rin marunong mag-ayos. Di kasi straight buhok ko. Ampupu lang. Nag-tampo kasi siya nung pinagupitan ko ng pangit na gupit. Teka, bakit ba buhok pinagu-usapan dito? Maka-alis na nga dito sa bahay.
" Ma, alis na po ako! Wala akong baon ah " sabi ko kay mama na nagla-laptop. Ayus lang eh noh? Minsan nakaka-inis pero okay na din kesa nanenermon.
" Oh sige. Bumili ka na lang ng pagkain sa school. Ingat ah? " sabi ng aking minamahal na ina.
"Okayyy! Byeeeee." yun na lang nasabi ko kay mama habang bumababa ng hagdan at palabas ng bahay.
Nagkita kami ni Nemo. Medyo maaga siya. Impernes yun. Haha. Nag-tricyclena lang kami kesa mag-jeep. Ang layo pa kasi ng sakayan ng jeep kaya nag-antay na lang kami ng tricycle. Hindi naman mahirap since daanan naman yun ng mga tricycle. Mga 5 minutes, naka-rating na kami sa school. Tinanong ko si Nemo kung bakit maaga kami pero ang sagot ay "wala lang" sarap patayin eh noh? Di ako pina-kain tapos wala lang pala. Nakarating na kami sa room at nakita ko na ang mga kaibigan kong baliw. Pero habang tumitingin ako sa kanila di ko napigilang tumingin dun sa harapan para tignan si Nash. Buti na lang busy kakadal-dal.
Biglang dumating yung guro namin. Tapos blah blah blah. Ganito ganyan. Andaming demo. Hindi naman kami baby eh.
"Gail! May kyut ka na bang nakita? Share mo ah ;)" ayyy. haha. Sabi ni Cath. Siya yung kahapon na nakikipag-gerahan sa katabi niya.
"Kyut naman hanap neto. Makinig ka nga kay Ma'am Nile!" mahinang sigaw ni Arlene. Para talaga tong aso't pusa.
"Meron na Cath! Pero I don't share, sorry. Hahaha" pang-aasar ko kay Cath. Ayoko ko kasi may ibang nagkaka-gusto sa crush ko. Sakin lang siya dapat. Haha. Pero niloloko ko lang si Cath. Tignan ko lang reaksyon niya.
"weee. dun ka na nga! Damot damut! Hahaha. Joke lang! Sino ba kasi yan? Panget siguro noh? Pangit lang kasi taste mo! Sabihin mo na! Si MR yan nuh?" hala. haha. dinamay pa si MR. Si mr? Siya yung mukhang college.
"HAHAHAHA! AMPANGET NAMAN!" Hala si Arlene! Nagwawala XD bigla namin siyang pinalo kasi baka marinig kami ni Ma'am. Good thing nasa likod kami. Mga "T" girls kami eh >:D
"Grabehan maka-lait? Huy. Hindi ah. Secret muna. Baka pangit ugali eh." Tapos puro kwentuhan at tawanan kami. Sobrang close na kumbaga.
Nagpakilala kami at ang mga teacher. Hindi ko massyadong napansin mga kaibigan kong iba. Natutuwa kasi ako dahil nakaka-buo ako ng friends dito :) May mga seating arrangement kami sa bawat subject. Kakapagod. Papalit-palit. Anubayan. Tapos mga nakalipas ang ilang oras nag break na rin sa wakas.
May nabangga ako. Dami ko kasing dala. Yung mga bag kasi nila Cath, iniwan nila sa sahig kaya inaayos ko.
" Uy, sorry ah?" sabi niya. mahina pero dinig ko.
" Di. Okayy lan--" naputol kasi siya pala. Si nash. Ohlalala. Pano na to? Natameme ako. Pero keri lang! AJA!
" Di, okay lang. Sige." tapos ngumiti lang sa kanya. Nag-nod siya. May first convo na kami!! hahaha.
Lumabas siya ng room. Di ko alam kung bakit. Tapos pagka-tingin ko, yung paa ko. Papunta nako sa direksyon niya. Hala. Naging stalker ako neto? Hala. Balik-balik Gaiiiilllllllllllllllllll! Buti na lang tumakbo nako bago pa niya ko makita pero bakit siya pumunta sa seniors? Hindi kaya . . MAY FRATERNITY SIYA? O____________O haha. Grabe naman kung ganun. Ayoko na sa kanya. Uwaaa. Wait lang! Bakit ko ba siya sinasabihan ng mga ganun? Hindi ko pa naman siya kilala eh. Anobayan. Ang gulo. Biglang.
*brrrrrrggggghhhhhh
Tiyan ko ho yun mga kababayan! Grabe umatungol. Maka-kain nga muna. Pero sino ba talaga siya? Yung kyut na nakita ko na dp sa fb na mukhang anghel siya ba yun? O gangster din siya? Bhala na nga. Sundan ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Torpe ?
Teen FictionMahirap bang maging torpe? Ano kaya pakiramdam? Mahirap ba talaga? Bakit kaya may torpe? Ano bang mas maganda? Yung Vocal o yung Torpe na lalake? Daming tanong no? Tara na't basahin na lang ang kwento ni Mr. Torpe.