Ailee's POV:
Pinunasan ko ang luha ko. Napahinto ako ng makita ko kung saan ako dinala ng mga paa ko. Bahagya kong natawa.
Pati ba katawan ko suko na rin? Mismong paa ko na ang nagdala sa akin sa tulay na to.
Lumapit ako sa grills ng tulay at hinawakan ito. Napatingin ako sa baba kung saan napakalalim ng tubig.
Siguradong malulunod agad ako kung tatalon ako dito. Natatakot ako pero wala na namang saysay pa kung mabubuhay ako.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Kung sakaling marinig ko na may halaga pa rin ako sa kanya, hindi ko na to gagawin pa.
*Rrrrrnnnggg..*
Sinagot nya sa pangatlong ring ng phone.
"Ma!" Bungad ko sa kanya.
"Ailee! Ano ba gabing gabi na tumatawag ka pa?"
"Ma! Kailangan kita....." Nagsimulang tumulo muli ang mga luha ko.
"Ma, sino ba yan? Gutom na ko eh." Rinig kong sigaw mula sa kabilang linya
"Ailee, Marami pa kong gagawin, mamaya na tayo mag usap."
"Kailangan kita..." Ulit ko.
"Kailangan ko ng nanay, kahit ngayon lang."
"Ma, ano ba? Nagugutom na ko sabi eh." Muling rinig ko.
"Saglit lang anak.." Sabi niya rito.
Napangiti ako. Anak? Napakatagal na simula nung marinig ko salitang yun. Sana marinig ko ulit ang salitang anak at ako na ang tinutukoy nya. Pero mukhang malabo na ata yun, dahil tuluyan nya na akong kinalimutan bilang anak nya.
"Ma please, miss na miss na kita." Pakiusap ko sa kanya.
"Ailee, ibaba ko na to. Saka na tayo mag usap." Napabuntong hininga ako at pinunusan muna ang nga luha ko bago muling nagsalita.
"Bakit? Bakit ma? Bakit ang daya mo? Anak mo rin ako! Kailangan din kita, Ma, simula nung iwan mo ko hindi ko hiniling na magstay ka sa tabi ko, pero ma ngayon ko lang hiniling to. Kailangan kita ma, kailangan ko nang nanay na yayakap at dadalo sa mga problema ko. Pero hindi mo man lang yun magawa? Bakit? Ha?" Sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya nasabi ko ang mga bagay nato. Ang hirap na kasi. Ang hirap ng mag isa.
"Ibaba ko na to. Wala kong oras sa mga drama mo."
*toot!toot!toot!*
Itinapon ko ang cellphone ko sa sobrang inis. Nanlumo ko sa sinabi niya. Para kong baliw na umiiyak habang nakangiti. Akala ko pagkatapos ko sabihin ang lahat ng yun, kahit paano pupuntahan nya ko. Pero hindi. Nagkamali ako.
"Ahhhhh!!! Bakit? Bakit kailangan ako pa? Gusto ko nang mawala!!!! I want to end this freaking life!!"
Pinusan ko ang mga luha ko at muling tumingin sa grills ng tulay. Ito na lang ang tanging paraan para matapos na to.
Marahang lumapit ako rito at umaapak.
Pagkatapos nito, hindi ko na kailangan umiyak, hindi ko na kailangang maghirap at lalong hindi ko na kailangang magmakaawa sa mga taong binabalewala ako.
Pumikit ako at hinayaang tuluyang malaglag ang katawan ko sa tubig nang maramdaman kong may humila sa akin. Napadilat ako at nakita ko ang isang lalaking galit na galit na nakatingin sa akin.
"Anong balak mo? Magpakamatay? Sa tingin mo pagkatapos nito masosolusyunan ang problema mo."
Matigas nitong sabi sa akin. Pamilyar sa akin ang mukha nya pero hindi ko matandaan kung sino sya.
"Wag mo kong pakialaman." Sabi ko at ipagpapatuloy ko sana ang gagawin ko ng bigla nya nanaman akong hilahin palayo rito.
"Ano ba? Bitawan mo ko." Pagpupumiglas ko. He smiled sarcastically.
"Wala kang karapang tapusin ang buhay na pinahiram lang sayo. Hindi mo ba naisip kung anong magiging epekto ng gagawin mo sa ibang tao?" Hinila ko palayo ang braso kong hawak hawak nya.
"Ano bang alam mo? Wala naman
diba? Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko. Hindi mo alam kung pano maltratuhin ng asawa ng kapatid mo at hindi mo alam kung pano pagtabuyan ng sarili mong ina."Sumbat ko sa kanya. He just laughed. May nakakatawa ba sa sinasabi ko?
"Tama ka. Hindi ko alam, pero hindi lang ikaw ang nakakaranas ng gantong problema. Kaya wag mong sabihin sa akin na sumusuko ka na. Oo mahirap, Pero hindi solusyon to para mawakasan mo ang problema mo. Maraming taong gustong mabuhay, nang hindi nabibigyan ng pagkakataon tapos ikaw? ito? Sasayangin mo?"
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Anong akala nya sa sarili nya bayani? Napasabunot ako sa sarili ko at tumkngin sa kanya na tila pa hindi ako makapaniwala.
"Sino ka ba? Bakit mo ba ko pinapakielaman? Bakit mo ba ko pinipigilan sa gusto kong gawin?" Umiwas sya ng tingin sa akin.
"Hindi na mahalaga kung sino ako." I laughed sarcastically.
"Ibang klase"
Medyong nagdilim ang paningin ko at tila ba nahilo ako.
Tumalikod na ko at iniwan sya. Tutal hindi ko narin magagawa kung anong dapat kong gawin dahil sa bwisit na lalaking yun, mas maganda pa sigurong umalis na ako.
Napahinto ako ng muli ako maramdam ng hilo. Agad akong napakapit sa poste ng ilaw na nakatayo sa tulay. Hindi ko mapigilang ang lalong pagsakit nito hanggang sa bumagsak ako at nawalan nang malay.
"Ailee"
Narinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko bago ako mawalan ng malay.
Paano nya nalaman ang pangalan ko? Paano?

BINABASA MO ANG
A Story Behind The Past
Teen FictionSometimes we experience na yung tipong sunod sunod na yung problema na dumadating sayo. It comes out na naburn out ka na, you want to quit but in some point kailangan mo pa palang lumaban... Tara na at basahin ang kwentong ito!! Hope you like it