One

2.4K 58 14
                                    

One

"Hey Aria! Ang agang pagkalugi naman niyan," pansin ni Alex kay Aria. " Ano ba ang nakain mo at parang hindi ka natunawan d'yan? Kanina ka pa buntong hininga nang buntong hininga eh. Nakakairita na," dagdag n'ya pang reklamo. Hindi n'ya na kinayang balewalain ang pagbubuntong hininga nito. Nakakabad vibes eh.

Gusto n'ya pa namang magrelax dahil katatapos lang ng exam nila . Maaga ang kanilang uwian kaya nagkayayaan muna silang magkakaibigan na tumambay sa school garden para magrelax. Nakakastress ang mga tanong sa exam nila at gusto n'ya munang lumanghap ng sariwang hangin bago umuwi. Pero itong bestfriend nilang si Aria parang nalugi ang peg.



"Sus naman Best , tingnan mo muna kasi kung saan nakatingin iyang best friend natin, para maliwanagan ka," nakangusong singgit ni Sam . Sinundan n'ya ng tingin ang tinuturo ni Sam sa pamamagitan ng nguso at ayun napabuntong hininga rin s'ya.



"Kung hindi mo kaya Aria , huwag mo na lang pag-aksayahan ng oras o tapunan ng kahit kaliit-liitang pansin ang pakikipaglandian ng kakambal kong lumalandi sa mga sisiw n'ya," nakatirik ang mga matang payo ni Alex kay Aria. Here we go again. Sure na sure n'ya na malulungkot na naman ang napakamasayahin n'yang best friend.



"Hindi ko mapigilan eh," malungkot na wika ni Aria . " Ewan ko ba, basta't nararamdaman kong nasa paligid lang ang demonyito mong kakambal , pilit s'yang hinahanap ng aking mga mata." Dagdag pa nito tapos nagfacepalm then tingin uli kina Xander at sa estudyanteng may mahabang buhok na kayakap nito. Hindi naman maganda ,ano kayang nagustuhan n'ya sa babaing iyan? Tanong na kanina pa naglalaro sa isipan ni Aria.


Napailing si Alex sa narinig. Ang masokista naman nitong si Aria. Kahit nasasaktan na tuwing may nakikitang may kalandian si Xander ay todo tingin parin s'ya. Ito namang malandi n'yang kakambal parang nananadya pa. Matagal n'ya nang napapansin mula pa noong matuto itong maglandi ay parang sinasadya nito talagang ipakita sa kanila o more on kay Aria ang pakikipaglandian nito sa kung sinu-sinong estudyante. Hellooo! Fourth year palang sila pero hindi na mabilang ni Alex ang mga sisiw na nakalandian ng kan'yang kakambal na demonyito. Hindi n'ya alam kung anong gustong patunayan nitong si Xander o sadyang mapagbigay lang ito sa mga babaeng lumalandi sa kan'ya. Imposibleng nagmana naman ito sa kanilang ama . Napakafaithful ng kanilang Daddy sa kanilang Mommy. Ni hindi nga magawang tumingin sa ibang babae ng kanilang ama.



"Aray!" daing ni Aria na nagpabaling ng tingin ni Alex sa dalawang matalik na kaibigan simula pa noong mga bata sila. "Bakit bigla ka na lang nananabunot?" nakasimangot na reklamo ni Aria kay Sam habang nakahawak sa nasaktang ulo.



"Gusto mo naman ang nasasaktan di ba? O ayan sinaktan na kita . Pwede na ba tayong pumunta sa KFC ? Nagugutom na ako eh. Tama na iyang pagpapahirap sa puso mo. Ang bata mo pa para makaramdam ng heartbreak. Magmove on ka na Best Aria . Ilang years mo na bang crush iyang kumag na iyan ha?" nakairap na litan'ya ni Sam .

" Mahigit three years na rin at hindi itong simpleng crush lang . Parang mahal ko na s'ya," nakatungong sagot ni Aria. Laglag ang magkabilang balikat at hugot ng malalim na paghinga.



"Dyusme! Mahal? Anong alam mo sa pagmamahal? Ang bata pa natin para dyan. Nasasabi mo lang ngayon iyan kasi iyan na ang isiniksik mo sa kokote mo! Pero pagnagcollege na tayo at sa ibang university ka na nag-aral, makakakilala ng mga super poging boys,mawawala rin iyang sinasabi mong pagmamahal. Makikita mo matatawa ka na lang kapag binalikan mo sa iyong isipan ang mga araw na nagpapakagaga ka d'yan kay demonyitong Xander." Pagtatalak ni Sam.


"Oo nga Aria , kalimutan mo na iyang nararamdaman mo sa kakambal ko. Ako na mismong kapatid n'ya ang nagsasabi sa iyo," payo naman ni Alex. Nahihirapan narin naman kasi s'ya sa kalagayan ng matalik na kaibigan. Kahit wala s'yang karanasan sa larangan ng pag-ibig ay alam na alam naman niyang nasasaktan na si Aria sa pagbabalewalang pinaparamdam dito ni Xander. At alam n'ya rin na maraming nababaliw dahil sa pag-ibig . Ayaw n'yang mabaliw si Aria dahil kay Xander.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best friend's Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon