PROLOGUE

3 0 0
                                    

1960: Esla De Verano

Sinasamyo ni Paola ang lantang rosas na bigay ng kanyang sinisinta. Iniipit niya kasi ito sa mga pahina ng kanyang diary na lagi niyang sinusulatan ng mga magagandang naganap sa kanya buong araw. Parang kailan lang mga bata pa sila naghahabulan, nangunguha ng mga tutubi sa malawak na hardin ng Lola Guada niya.  Doon nagsimula ang wagas nila na sumpaan na balang araw kapag nagkaisip na sila, ay sila ang magkakatuluyan.

Nanulay ang matamis na ngiti sa mapupulang labi ni Paola sa alalang pilit umuukilkil sa kanyang isipan. Sa malamig na panghapong hangin ay nakarinig si Paola ng mabining Sitsit. Biglang nanindig ang mumunting balahibo sa kanyang braso pagkarinig ng sitsit na batid niya kung kanino nanggaling kahit hindi paman niya nakikita ang nagmamay-ari ng  mabining sitsit na iyon.

Simpleng aktuwasyon na labis na nakapagpadulot ng labis na kaluwalhatian sa puso niya. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon upang unti-unting mamalas ang isang napakakisig na nilalang na nakatungtong sa mga sanga ng punong mangga.

Para itong kabalyero sa tikas at tindig. Waring demigod na kapag nakita mo ay wala kang ibang gagawin kundi hangaan ito at sambahin. May karakter ang presensiya nito kapag titignan ka ay para kang nahihipnotismong titigan ito pabalik.

Nilapitan niya ito sa Bintanang Capiz na katapat lang ng punong hitik sa bunga ng mangga. "Kumusta ka,  Arlando!" Biglang gumuhit ang matamis na ngiti ng binata dahilan ng pagtalon ng kanyang puso. Parang gustong lumabas niyon sa kanyang dibdib.

Biglang kumunot ang noo nito na dahilan ng pagkatabingi ng perpektong mga kilay nito. Moreno ang balat nito na kakulay ng tsokolate dahilan sa palagiang pagbibilad sa sikat ng araw. Pero hindi iyon nakabawas sa kamachuhan nito.  Mas nakadadag pa nga sa atraksiyon ang pagiging sunog sa araw nito.

Isa itong Sacada sa malawak na tubuhan na pagmamay-ari ng mga makapangyarihang sugar barons sa kanilang pulo, ang mga Mendez. Isang Alkaldeng Mendez ang kasalukuyang alkalde ngayon ng kanilang Bayan. Nakatirik sa itoktok ng bundok ang Casa ng angkan ng mga nito. Ang Casa Esperanza na waring nagmamayabang sa angking kayamanan ng mga Mendez.

"Napag-isipan mo na ba ang iminungkahi ko sa'yo binibini?" Nagbalik sa kaharap ang diwa ng marikit na dilag.  "Oo,  Buong magdamag akong hindi pinatulog sa iminungkahi mo", Lumunok pa muna ang binata bago nagtanong.  "Ano ang desisyon mo?" Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. "Igagalang ko kung ano man ang desisyon mo. Pero sana tama ang nababasa ko sa mga mata mo na waring sumasayaw na parang umiindayog sa saliw ng awiting Cariñoza," muling turan nito.  

Nagtitigan pa muna sila bago sumagot niya ito sinagot. "Tama ang nababasa mo, Arlando. Sasama ako sayo. Sawa na ako sa laging pagmamanipula ng madrasta kung ina sa akin. Simula ng mawala yung aking ama sa kwebang pinagmiminahan niya.  Si Tiya Trinidad na ang parang Diyos na sinusunod sa pamamahay na ito. Para tuloy naisip ko na unti-unti niya akong inaalipin," mahabang salaysay ng dalaga. 

Sabay linga sa pinto ng bigla iyong umuga sa pagpokpok mg kung sino sinabayan ng nakakatulig na sigaw ng kanyang madrastang ina. "Buksan mo nga itong kwarto mo.  Naghihintay si Rodito sa iyo sa labas. Ito ng pagkakataon mo bruha ka. Buksan mo to!!!" Bigla ang pagbangon ng pagkabahala sa mukha ni Paola pagkarinig sa pangalawang asawa ng ama niyang sumisigaw sa labas ng kwarto na animoy leon na handang sumibasib kapag di niya pinagbuksan ng pinto.

Tinignan si Arlando sabay sabing,  "Magkita nalang tayo sa gilid ng batis sa Bernis ng umaga dahil wala ang tiyang pupunta sa kabilang baryo. Sa dati paring tagpuan. Sa unang pagtilaok ng Manok, ay nanduon na ako." Nagmamadaling nanaog sa puno ang binata pagkatapos tumango sa kanya. "Aasahan ko yan,  Paola.  Hihintayin kita.  Hindi ako aalis hangga't hindi ka dumadating." Sabi nito bago nawala sa kanyang paningin. Tinabunan na ng mga tanim na nagsisilbing bakod sa bahay nila.

Bigla na namang binayo ng Tiya Trinidad niya ang pintoan. Siniguro pa muna niya na wala na talagang bakas ng binata ng buksan niya ang pinto sa kanya pa nanggigigil na Tiya Trinidad niya. "Ano ba Paulina,  ang tagal mong magbukas ng pinto. At ano ba yang dala mo?" Itinapon nito sa kung saan ang tangan niyang Diary at sa nanglalaking mata ay pinasadahan siya ng mapanuring mata ang kanyang kabuo-an.

"At ano ba yang suot mo, magbihis ka nga at harapin mo ang binatang Mendez na kay tagal mong tinikis nitong nakaraang araw." Aligagang binukasan niya ang Tokador at naglabas ng Magandang Baro at Saya. "Lagyan mo ng Payneta ang Ulo mo. Para magmukha kang presintable." Nilingon niya ang Tiya Trinidad niya ng abutin nito ang mga damit niya at pilit isuot iyon sa kanya.

"Pero tiya,  hindi ko kagustuhan na humarap sa kanya. Hindi ko siya iniibig!" Palahaw niya sa kanyang madrastang ina na kahit kailan hindi na mawaring tawaging ina. Isang malakas na hampas gamit ang Pamaypay ang pinakawalan ng tiya niya sa kanyang pisngi dahilan ng mabilisang pagdurugo at mapupula niyon. "Tonta,  wag mo akong sagot-sagutin epokrita ka.  Baka hindi lang yan ang aabutin mo sa akin." Pakaladkad na hinila siya nito sa may puno ng hagdan pagkatapos niyang magbihis.

"May naghihintay ng karwahe sa labas,  isasama ka na niya sa kanila para ipakilala sa mga magulang niya!" Nanlaki ang kanyang mga mata.  "Po,  Bakit saan niya ako dadalhin tiya!?" Ngumisi ng malademonyo ang Tiya Trinidad niya. "Dahil sa paghahanap ng ama mo sa kweba ay nangutang ako ng malaking halaga sa mga Mendez para may pambayad ako sa mga tauhan para hanapin ang ama mo.  Nakasanla rin itong Farm sa kanila kaya wala ka ng magagawa pa at sumama kana nalang ng tahimik Paulina." Tukoy nito sa totoo niyang pangalan na may diin.

"Hindi tiya,  wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko.  Wala kang karapatang gawin ito sa akin. Kapag nalaman ito ni Lola Gua..." Hindi na siya pinatapos nito isang nakakatulig na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi "Huh,  Lola Guada!???  Wala na siya rito. Ipinasama ko na siya sa Maynila sa Kapatid ng ama mo kanina. Wala ka ng kakampi Paulina. Kaya sundin mo ng ipinag-uutos ko para may makain pa tayo. Para din naman ito sa kabutihan mo ahhh. Magbubuhay reyna ka sa piling ng isang Mendez kapag nagustuhan ka ng mga magulang niya" Bigla ang kanyang pag-atras sa matinding kaba at takot sa isiniwalat ng kanyang Ina-inahan.

Nakaharap pa rin siya rito habang unti-unting umaatras sa may pasimano ng hagdan na buka ang bibig sa pagkagulat. Hindi...  Hindi maari..... Paano si Arnaldo,  paano ang mahal niya.  Tinawag niya sa isip ang pangalan ng iniibig niya sabay daloy ng preskong luha sa pisngi niya. Tinabig niya ang kamay ng Tiya Trinidad niya ng akmang hahawakan siya nito. "Hindi tiya.... Hindi ako sasama.... hindi Ako.... Sasa... " Isang maling hakbang ang kanyang ginawa dahilan ng matinis na pagsigaw ng kanyang Tiya Trining. Nawalan siya ng makapitan. Bigla ang pagbulusok niya pababa ng hangdan. Nahulog siya. Naramdaman niya ang paglagutok ng mga buto niya sa likod hudyat na nakalanding na siya sa ibaba. Dinig pa niya ang sigaw ni Rodito bago siya nawalan ng ulirat. Nagdilim ang lahat sa kanya ng tumama ang ulo niya sa sahig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ISLA DE VERANO SERIES: BOOK 1: KARUGTONG NG LANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon