Not your BABE

9 0 0
                                    

10 years na tayo. Okay naman. Masaya tayo hanggang ngayon. Mas matibay kesa dati. Going to forever. Or so i thought.
3 weeks na rin nung nagbreak tayo. Masakit pa din. Syempre. Pero di ako naiiyak. Seryoso. Hindi ko alam, parang kulang yung pag-iyak. Parang wala yun maitutulong sakin. Parang di nun mababawasan yung bigat o kung ano man tong nararamdaman ko ngayon.
Okay naman tayo diba. Masaya pa tayo. Ang dameng plano. Magkikita sa ganitong araw. Pupunta sa ganitong lugar. Pero naudlot kase nga isang beses nadulas ka. Tanda mo ba? Tinawag mo kong ""babe"". Na sa loob ng 10 years, hindi naten naging tawagan kase ayaw naten non pareho.
Nagulat ako non. Gustong gusto ko itanong sayo, ""Sino si Babe?"" or ""Gago ka, hindi babe tawagan naten."" Pero di ko ginawa. Pinigil ko sarili ko kase naisip ko, lulusutan mo lang naman din at pipiliin ko lang na paniwalaan kung ano man explanation mo. But not that time.
Restday mo. Nagtext ka saken sabe mo maghapon ka matutulog, wag na muna tayo magkita. Pumayag ako kase mas gusto ko naman yung magpahinga ka e. Alam ko kasing nakakapagod talaga magtrabaho. Pero hindi ko din alam kung bakit ko naisip na umalis ng bahay at pumunta sa inyo.
Hindi mismo sa bahay nyo. Sa bahay ako ng tropa mo ako tumuloy, si Janeth, diba sa harapan lang yon ng bahay nyo. Yung may tindahan. Nagstay ako sa kanila, buti nalang medyo close kame. Nagtataka nga sya bakit sa kanila ako tumambay. Sinabe ko gusto ko lang na malapit ako sayo pero di kita iistorbihin kase nagpapahinga ka. Naniwala naman sya. Di ko alam kung ano yung hinihintay ko. Halos maghahapon na rin non. Binabalak ko ng umuwe kase baka kalokohan lang naman yung tumatakbo sa isip ko. Hanggang sa nakita kitang lumabas ng gate nyo. Naka porma ka. Tumingin ako sa cellphone ko, walang text na galing sayo na aalis ka o may pupuntahan ka.
Hindi mo alam nandon ako at nakita kita. Hindi mo alam na sinundan kita.
Sumakay ka sa tricycle, dun din ako sumakay sa tricycle na sinakyan mo mismo. Sakto kase busy ka non sa cellphone mo kaya di mo ko napansin. Tinignan ko yung phone ko, baka kase nagtext ka pero wala. Wala ka pa ring text saken. Sa backride ako, nasa loob ka. Nung bababa na binilisan ko ang pagbaba at nagderecho agad sa mga stalls don sa terminal para di mo ko makita. Swerte. Hindi mo nga ako nakita. Kaso pagsakay mo ng jeep, dalawa nalang ang kulang. Hindi na ko pwede sumakay don kasi makikita mo ko kaya sa sumunod nalang na jeep ako sumakay. Hindi ko alam kung pano pa kita masusundan non pero sumakay pa din ako. Medyo matagal pa ko naghintay mapuno yung jeep na sinasakyan ko. Malayo ka na sigurado. Alam ko hindi na kita mahahabol pero hindi pa din ako bumaba ng jeep hanggang sa umalis na yon sa terminal. Pero akalain mo nga naman, nagtraffic banda sa Lianas. At sakto din, yung jeep na nasakyan ko e panay sa overtake. Hanggang naabutan pa rin namen yung jeep na sinasakyan mo. Magkatabi na yung jeep na sinasakyan naten. Pero di mo ko nakita kasi nakatalikod ka. At oo, alam kong likod mo yon. Kilala kita kahit nakatalikod ka.
Hanggang nakarating sa Crossing, pagkababa mo, nasundan pa din kita. Sumakay ka ng jeep pa-Batangas. Dun din ako sumakay sa jeep mismo na sinakyan mo. Sa harapan ka umupo. Ako doon banda malapit sa bukana. Hindi mo ko napansin kase kumukuha ka ng pambayad mo.
Saktong pamasahe ang binayad ko non para hindi mo ko makita kapag nagsalita ako at sinabe sa driver kung saan ako bababa. Narinig ko kasi na nagtanong ka sa driver kung magkano hanggang sto.tomas kaya ganun na din yung binayad ko. Baka kasi marinig mo yung boses ko, at makilala mo. Baka malaman mo na nandon ako. Medyo nagfeeling ako don. Nung nakisuyo kase ako ng pamasahe sa katabi ko, medyo napalakas ang boses ko. Sapat na para marinig mo, pero hindi mo napansin. May tinatawagan ka kase nung oras na yon. Sinilip ko ulit yung phone ko baka kase nakasilent, baka ako yung tinatawagan mo, di ko lang namamalayan pero hindi. Hindi ako yung tinatawagan mo.
Nung oras na yon, gustong gusto ko na magpakita sayo. Gusto kitang itext ng ""san ka pupunta?"" or ""Gago akala ko ba tulog ka?"" Pero di ko ginawa. Pinigil ko sarili ko kase alam kong lulusutan mo lang. Kapag sinabe mong wala kang load, o kaya lowbatt ka o baka naman wala kang signal, e maniniwala na naman ako. Kaya hindi ako nagpakita sayo.
Hanggang sa pumara ka, hindi muna ako bumaba. Pinaabante ko ng konti bago ako bumaba, yung sapat lang na nakikita pa rin kita. Nakita ko pumasok ka sa fastfood resto. Habang naglalakad ako papunta don, kinakabahan na ko. Hindi ko alam kung natatae ako o nasusuka basta iba yung pakiramdam. Hanggang nasa harap na ko ng fastfood resto na pinasukan mo. Iniisip ko kung anong gagawin ko kapag nakita mo ko kase hindi ko alam kung san ka pumwesto. Bahala na sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ko, sayo unang tumama yung tingin ko. Nakatalikod ka. May katabi kang babae. Hindi ko alam kung ako ang swerte kase hindi mo pa din ako nakikita, o ikaw kase hindi pa kita sinusugod hanggang ngayon. Sa itsura nyo, masyado kayong close, na maiisip ng makakakita, e mukha kayong couple.
Hinang hina na ko non. Kaya umupo na ko sa gilid, medyo malayo sa inyo pero kung lilingunin mo, makikita mo ako. Ni hindi ka lumingon. Masyado kang nakatingin sa kasama mo na parang may sarili kayong mundo. Kumakain na kayo't lahat, nandun pa din ako. Di ko alam kung baket. Baket nandon pa ko. Baket hindi ko kayo sinusugod. Baket wala akong magawa. Hindi ko rin magawang umiyak. Tuyo na yung mata ko sa kakatitig sa inyo. Sa pagsandal nya sa balikat mo. Sa paghawak mo sa bewang nya. Minsan pa sinasabunutan ka nya ng pabiro. Hinahampas ng mahina. Nagselfie pa nga kayo sa phone nya e. Sobrang dikit kayo. Hanggang sa natapos na kayo kumain. Tumayo na kayo. Lumabas. Naiwan ako sa loob. Pero tanaw ko pa din kayo sa labas. Wala na kong balak sumunod. Di ko alam kung ayaw ko na ba kase pagod na ko. O ayaw ko na kase sobrang sakit na. Parang pareho. Nasa harap lang kayo ng resto, naghihintay ng sasakyan habang nagtatawanan. Hanggang may jeep na dumating, pinara mo, humalik sya sa pisngi mo bago sya sumakay tapos nababye.
""tangina."" Yan nalang naibulong ko sa sarili ko e. Di ako palamura alam mo yan, pero tangina kase talaga. Malapet lang ako sa inyo kung tutuusin, pwede tayo magkita. Kahit ako na pupunta sayo kung gusto mo. Kung niyaya mo ko. Kung sinabe mong gusto mo magkita tayo. Pero hindi e. Sabe mo magpapahinga ka maghapon pero tangina nakarating ka pa ng Batangas para kumain sa fastfood? Pero bute sana kung kumain ka lang e. Kaso may kasama ka pa. Tangina.
Pagkasakay nung babae, tumawid ka. Uuwi ka na siguro. Nakita ko kinuha mo yung phone mo, iisipin ko pa ba na itetext mo ko? Syempre hindi na yun yung inisip ko ngayon. Hanggang sa nagvibrate yung phone ko. Nakita ko, text galing sayo.
""Honey <3 : Hi hon, kakagising ko lang. :) Sarap ng tulog ko. :*""
Pumatak na luha ko non. Kase grabe na. Sinungaling ka. ߘ⠎ireplyan kita ng ""Ayoko na. Break na tayo."" tapos pinatay ko yung phone ko. Di ako umuwi ng 2 weeks sa bahay sabe ko kay mama dun muna ko kila tita mag-i-stay. Pumayag naman sya. Di mo alam kung san yon kaya hindi mo ko napuntahan. Di ako nagFB para talaga lumayo sayo. Hanggang kahapon, nagulat nalang ako nasa pintuan ka na nila tita. Wala na kong nagawa kundi kausapin ka.
Umiiyak ka. Nagagalit ka saken. Tinatanong mo ko kung ano bang nangyare. Ano bang nagawa mo baket bigla akong nakipagbreak. Di ako sumasagot. Pinakinggan lang kita sa mga sinasabe mo. Ni wala akong naabsorb sa drama mo. Umiiyak ka pero wala akong pakielam sa luha mo. Hindi ko yan pupunasan. Punasan mo yan mag-isa mo. Hanggang nanahimik ka na kase naghihintay ka ng sagot ko sa tanong mong, ""Ano bang problema hon? Sasayangin ba natin yung 10 years?""
At mula sa simula nitong kwento na to, yun yung sinabi ko sayo. Pagkatapos tumigil ka sa pag-iyak. Hindi ka na makatingin sakin ngayon. Hindi ka na makapagsalita.
Binalik ko yung iphone na binili mo saken kase ayokong dumating yung araw na isumbat mo saken yan. Alam ko hindi ka ganun, pero para lang sigurado. Alam ko rin kase dati hindi ka manloloko pero niloko mo pa din ako. Alam ko din dati hindi ka sinungaling pero nagsinungaling ka pa rin saken. Hindi na kita sasabihan ng kung ano-ano, kase kulang pa yon at hindi na nun mababago yung mga nangyare. Imbis na sumbatan kita, magpapasalamat na lang ako sayo, hindi ko alam kung bakit pero salamat pa din. Siguro salamat sa sampung taon kahit hindi ko alam kung ilang taon yung sakin don.

Babaeng napipi ng pag-ibig
College of Science and Computer Studies
(CSCS) 2010
(c) to De La Salle University- Dasmariñas Secret Files

==============
One of my Favorite Confession. Kudos to the owner

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon