Badjao 2.1

817 19 33
                                    

Lumipas na ang ilang araw pero wala pa rin akong ginawa kundi magkulong sa kwarto at patayin ang sarili dahil sa nararamdaman ko. Masakit pala. Sana hindi ko na lang ginawa ang pag-amin na 'yon. Nakamamatay ang sakit.

Panibagong araw pero parehas pa rin ang ginagawa ko. Nakahiga, nakaupo, umiiyak at hindi kumakain. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa sarili ko at alam kong nahihirapan na rin ang pamilya ko dahil sa ginagawa ko.

Napahiga ako dahil narinig ko ang pagkatok mula sa labas ng kwarto ko.

"Anak, kain ka muna. Wala pa ring laman yang tiyan mo simula---" "Ma, ayaw ko. Bababa naman ako pag gusto ko na kumain. Please. " hindi ko pinatapos ang sinabi ni Mama dahil ayaw kong matandaan na naman ang nangyari nang isang araw. Nakakasawa na. Paulit-ulit na lang.

Hindi ko na narinig si Mama at nanatili lang na nakahiga sa kama ko.

Pagkauwi ko no'n ay sinalubong agad ako ni Mama ng isang yakap. Hindi ko alam kung may alam na ba agad si Mama o sadyang dahil sa mother's instinct lang talaga.

Kinuha ko ang phone ko at nakatanggap ng mensahe mula sa mga kaibigan ko. Nag-aalala lang din naman sila sa akin.

Inopen ko ang message mula sa group chat ng tatlo kong kaibigan. Sila Chy, Shanne at Crystal. Puno ito ng pag-aalala kung kumain na ba raw ako, kung okay lang ba ako, kung ano ba ang ginagawa ko at kung gusto ko ba raw gumala kasama sila.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
IV OF SPADES - One Shots Where stories live. Discover now