First Day of School

20 1 0
                                    

"AKACHI !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

umagang-umaga sigaw na ng maganda kong nanay ang naririnig ko.

"OO NA! MALILIGO NA!"

Yeah, First day of School kaya ganito kami.

At hanggang sa matapos ang Class Year.

Bakit ba kasi ang tagal kong nakatulog kagabi, ayan napasarap tuloy ang tulog ko.

Sarap pa nga matulog eh!

Pagkatapos kong maligo, magbihis at mag-ayos. Deretso na ako sa kusina para tingnan ang niluto ng Mama Ady ko.

"Kumain ka na at baka malate ka pa. First of School tapos malalate ka pa. Ikaw talagang bata ka."

Sarap talaga magluto ng mama ko. Hindi talaga kami nagsasawa sa mga luto niya.

Napansin kong wala pala ang Papa at kuya.

"Ma, si kuya po at si Papa?" kami lang kasi ni Mama ngayon ang kumakain.

"Maagang umalis ang Papa mo. Papunta siyang States para sa isang meeting with the Major Investors. At ang kuya mo naman naunang umalis dahil may bibilhin pa daw siya."

ehh? May bibilhin o baka susunduin pa niya yung crush niya. Kuya talaga daming alam.

Dami-dami ng chix tapos dinadagdagan pa.

Mga lalaki talaga hindi makuntento sa isa.

Tsk!

"Ma, alis na po ako. Bye Ma! Ingat po."

sabi ko sabay halik kay mama. Love ko kaya Mama ko. Kahit na nga minsan pinapagalitan ako niyan pero love ko parin. Syempre Love ko rin sila ni Papa at ni kuya.

--

Pagkababa ko ng kotse nagpaalam na ako kay Manong Dante, ang family driver namin.

'Southwest State University'

One of the Finest and Famous School.

Most of the students who enrolled here are really rich.

Arrogant, Bastards, Spoiled-Brat, and most of them are full of SH*T!

Ano pa bang iisipin ko sa First Day of School?

Introduce yourself.

New Students.

New Faces.

At mga Chakang Maarte.

Hay! Ang daldal ko talaga.

By the way, I'm Akachi Cai Gonzales,

14 years old, a Sophomore Student, a Student Government Leader, a Top Student, and the only daughter of the CEO of Gonzales Group of Corporations, who owned many establishments here and outside of the Philippines.

Kahit alam ko na mayaman kami pero lahat ng ginagawa ko ay para sa mama at papa ko. Hindi ko kailangang gagamitin ang apelyido namin para lang magpahambog o kung sa anong masamang paraan. Lahat ng nakukuha ko ay galing sa sariling pagsisikap ko na rin.

"AKACHI CAAAAIIIIIII…………"

ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niyang isigaw ang buong pangalan ko.

"Hoy, babae kailangan pa bang isigaw?"

sabi ko habang tinitingnan siyang humahangos.

"Ikaw ha! Ang arte porket gumaganda na."

Siya nga pala si Lyianne Dee Montes.

Sophomore rin tulad ko. Isa sa mga malalapit na kaibigan ko. Mabait, mayaman, matalino at maganda rin.

Sabay narin kaming pumasok sa Classroom namin. Marami-rami narin ang mga studyanteng nasa loob. Wala naman ibang ginawa kundi ang magdaldalan at mag-ingay.

Wala nang itatahimik 'tong araw na to.

Haaaaaaaay!

"Ay! Kachi alam mo bang merong Transferree ngayon? Ang sabi pa ng source ko, New Hottie ng Campus na siya ngayun. Kinilig na 'ko"

pagmay gwapo nga naman dito sa Southwest State University, isa na sa mga chismosa itong si Lyianne. Hay naku!

At New Hottie? Pwew!

Halos lahat ng gwapo dito puro naman kalokohan at kayabangan lang naman ang alam.  Liliparin ka talaga sa kayabangan.

 

Natapos nalang ang araw sa walang kwentang klase. Binigyan lang kami ng mga pointers. Deretso na rin akong umuwi.

Sana naman bukas may lectures na.

Sarap na mag-aral.

Studious Girl. ^^,)

Bound to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon