Blushed? No way!

8 1 0
                                    

UNEDITED po eto.

Tinamad po kasing mag-edit. ^_^

Enjoy nalang po sa pagbabasa! 

Votes and Comment po!  ♥ ♥ ♥

___________________

Ewan ko ba nakakainis!!!!

Sobra. Ang Hangin niya Supeeerrr baka nga matangay ako sa kagwapuhan niya aaah, este sa kayabangan niya. Nakaka-OMG talaga. Harharhar!

Kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko. Napasukan na ng masamang hangin ang utak ko. Tsk! Makaalis na nga lang.

San na nga yung babaeng yun? Hay, ako nalang tuloy mag-isa. Ang boring, makapunta na nga lang ng Canteen, breaktime naman saka gutom na rin ako.

Sa wakas nakarating narin ako, sa laki ba naman nitong school namin mas gugustuhin mong magkaroon nalang ng escalator ang bawat kanto nitong University dahil talagang nakakapagod maglakad. Sobra na yun sa mga exercise na pinagsasabi nila. Kung galing ka sa Canteen at pupunta ka na nang room mo eh wag kang magtaka kung gutom ka na naman nun syempre maglakad ka ba naman nang pagkalayu-layo hindi ka ba gugutumin.

Anyway, nandito na nga ako ngayon sa Canteen maraming tao, maraming bumabati syempre Student Organization President ako. Meron din naman na kung makatingin parang pinapatay na ako sa paningin nila. Ahhh! Ewan ko ba sa mga estudyante dito imbes na mag-aral, mga kaartehan lang alam. 

Napukaw ang pagmomoment ko ng makita ko ang Carbonara na nasa Menu namin. Wow! Fave ko yun total gutom narin ako kaya kakain talaga ako. 

"Miss, Carbonara nga po at Iced tea narin po." takam na takam na talaga akong kainin yung Carbonara.

"Ayy, Sorry Miss meron na kasing nakauna sayo eh!" sabi nung tindera.

"Huh?! Sino po bang nakabili? Wala naman po atang nag-order sa inyo ah bukod sakin?" waaaaa! Sinong nakabili nun? Sino? Sino? Sabihin nyo nga sa----. 

"Ako. BAKIT?" Ano ba naman to? Pati ba naman sa pagkain. WAAAAAAA! Last na nga daw yun eh. Tapos. Tapos. Tapos. WAAAAAAAAAAAAAAA!

"Eh di sayo na! Ayyy. Sandwich na nga lang po at Iced Tea." binigay naman agad sakin ni ate ang mga order ko. Talagang dumaan pa nga ako sa mayabang na yun akala mo kung sinong gwapo. Naglakad ako para maghanap ng bakanteng upuan. Timing naman at may nakita ako. At sa kasamaang palad nga naman sabay pa kaming napaupo ni Mr. Kapal slash Yabang.

Wala narin akong nagawa kasi gutom na nga rin ako. Bahala siyang kumain mag-isa niya. Ang hirap kumain kung may asungot na nakatingin sayo. Kanina pa yan ha? Pigilan niyo nga sa katititig. Nakakaasiwa eh! 

"Huwag ka ngang tingin nang tingin! Hindi ako makakain ng maayos eh." sabi ko sabay irap sa kanya. NAKAKAINIS TALAGA!

"Masama bang tumingin syempre nasa harap kita malamang ikaw lang ang nakikita ko." sabay ngiting pang aso. NAKS! Makangiti tong si yabang akala mo naman. HMP!

"Whatever!" at yun nga umalis narin ako sa harap niya. Masisira lang ang araw ko sa kanya. Ay! Hindi pala. Sirang-Sira nga pala ang araw ko. Thanks to him!

********

Hay! Salamat at last Subject nalang namin to. Makakauwi narin ako. BV dito sa school. BV as in Bad VIbes lalo na at katabi ko pa tung lalaking to na ubod ng yabang. Grabe! TODA MAX na talaga!

Maya-maya ay nagring narin ang bell sign na uwian na talaga! Oh Yeah! Dali-dali akong nagligpit ng gamit ko.

"Cai, mauuna na ako sayo ha? May emergency kasi eh! Sige Babye na!" at dali-dali na ngang tumakbo palabas si Dee.

Wala narin akong nagawa iniwan na nga ako eh.  Nang matapos narin akong magligpit lumabas na ako ng room konti nalang din yun naglalakad.

"Hi!" eto na naman po tayo. Kailan ba ako tatantanan nitong lalaking to. 

"Ano na naman?" walang kabuhay-buhay kong sabi.

"Ouch naman Miss, ang hard mo naman." 

"Bakit nga? Ano bang kailangan mo? Gusto ko nang umuwi." Eh sa gusto ko na talagang umuwi eh. Pinapatagal lang ako ng lalaking tu.

"Ahh..Eh! Kasi.." Nauutal niyang sabi.

"Ano nga?" Naiinis na talaga ako.

"Ahh. Eh.. Ih. Ahh wala ang Cute mo kasi." tapos sabay takbo.

Huh? Ano daw? Cute daw ako. Ano na naman bang nakain nun? 

At saka bakit feeling ko namumula ako? Eh? Talaga? Nag-blush ako? NO WAY!

Buti nalang pala at tumakbo siya. Nagkataon pang makikita niya akong nagbablush.

AAAAAAHH!! Nakakainis ka talagang HENDRICH ka!

Ano bang ginagawa mo sakin!!! WAAAAAAAAAAAAAA!!! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bound to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon