To The Guy Who Just Passed By

5 0 0
                                    

               

by Aryayaxx


 I am writing you this kase eto nanaman ako, naging hopeless romantic. Do you remeber that day? Friday non, kasagsagan ng uwian ng mga estudyante, estudyante din ako pero wala kaming pasok every friday at taga probinsya ako, di kalayuan. Pumunta kaming Manila para samahan magpa enroll ang kaibigan ko. Kaso nawala ako nun, hindi ko rin sila macontact dahil low batt ako. Nagbalak na sana ako umuwi na lang kaso hindi ko alam kung paano, isa na ata yun sa worst days ko. Oo, madami haha. Pero hindi ko inaakala na hindi pala. Nasa gilid ako ng kalsada noon at nagsasalita magisa.

Tinatanong mo kung anong problema. Nagulat ako syempre at may pagka-kapal din ng mukha mo kasi kumakausap ko ng stranger.. pero hindi, mabait ka lang talaga.

"Ahm, hindi ko kasi alam paano uuwi at kung saan sasakay" nagusap tayo non tungkol sa direksyon pauwi. Kaso hindi ko alam kung saan saan yung sinasabi mo kaya naman sinamahan mo na ako. Swerte ko nga naman. Naihatid pa.

Habang naglalakad ay di maiwasan na magkwentuhan. Ahead ka pala sa akin ng 2 taon. Graduating ka na at problemado sa thesis. Nag rant ka about sa prof mo, classmates o habang ako, nakikinig lang tapos nagd-daydream na. Joke lang. Ngayon lang kaya ako nalapitan ng gwapo. Buti na lang at hindi ka masamang tao.

Madilim na at labasan na ng mga nagt- trabaho, nagsisimula na ring mag-traffic. Buti na lang after ng paghihintay e mayroon ng van na pwedeng masakyan. Akala ko nun hindi mo na ako sasamahan kaso sumakay ka ng van. Sabay ngiti. Baka kasi maligaw pa ulit ako sa labas, minsan lang naman ako makarating ng Maynila. Nahalata mo ata, kaya sinimulan mong magkwento tungkol sa mga nadadaanan ng van.

Alas otso na non ng gabi ng makarating tayong MOA. Sabi mo, nagugutom ka na. Kaya niyaya mo akong kumain. Syempre nakakahiyang tanggihan ka. Hinatid mo na nga ako e, kaya kumain tayo. Nagkwentuhan ulit tayo. Tinanong mo kung anong course ko at kung anu-ano pa. Sinabi ko din sayo na gutso ko magtrabaho dito sa Maynila, Popoy at basha lang ang peg. Engineer ka Architect ako. Sinabi mo baka tayo ang para sa isa't isa. Tumawa lang ako. Ang imposible. Tingnan mo nga ngayon hindi ko alam kung saang lupalop ka.

May nakita ako nong grupo ng mga koreana, ang gaganda nila kaya nagpakuha ako ng litrato. Nahiya ka pa nga non, bakit pa daw ako nakikipagpa-picture e normal na koreana lang naman. Sabi ko, wag ka na lang kumontra. Nung pagkatingin ko sa picture sumama ang mukha ko, ang itim ko kasing tingnan at dahil doon tawa ka ng tawa. Dalawang litrato yon. isang matino kahit papano, at isang epic candid! Nakakainis! Pagkatapos noon, hinatid mo na ako sa pilahan ng van. 9 na ng gabi. Kaylangan mo ng umuwi. At lalo na ako. Yun na lang naman ang sasakyan ko. Bago ka umalis, nanakit ka pa dahil sa pagkurot mo sa pisngi ko. Nagpaalam na tayo non sa isa't isa. Paalam na talaga. E nakalimutan nating humingi ng contact sa isa't isa. Ewan ko lang sayo, pero ako nakalimutan ko.

Ang tagal na non, noong unang mga buwan hinanap talaga kita kaso para bang sinasabi sa akin na ang magic lang ng nangyaring yon ay hanggang 9 PM lang. Sayang. Pero kung iisipin mo, ang cute lang ng nangyari. Ilang taon na nung nangyaring yun? 4 years? Hindi na ako naliligaw sa Maynila pero hindi pa rin kita nakikita. Siguro may mga bagay talagang hanggang doon lang, pinaranas lang sayo ng sandali.

  Kaya titigilan ko na. Salamat sa pagiging inspirasyon ko sa loob ng 4 na taon.


Part 2: To Mono Girl.

To be published soon. Thank you for reading! :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To The Guy Who Just Passed ByWhere stories live. Discover now