CHAPTER ONE “ 1 “
Nagmamaneho ako sa kahabaan ng edsa gamit gamit ang pinakabago kong biling sasakyan. Tuwang tuwa akong nagmamaneho dahil simula bata palang ako pinangarap ko na talagang magkaroon ng sariling sasakyan.
kahit mainit,mausok at maingay pinatay ko ang aircon ng aking sasakyan at ibinaba ang aking bintana hindi alintana ang anumang usok at amoy na aking nalalanghap.
kahit sinong madaanan ko ay nginingitian ko “to share my happiness” ika nga.
Sa hindi kalayuan nakuha ang atensyon ko ng isang napakalaking billboard.
hindi ko alam kung Masaya lang ba talaga ako o nagkaroon nako ng saltik sa sobrang kasiyahan pero pati billboard nginingitian ko na O dahil ba ito sa lalakeng nakikita kong isang signature suit ang ineendorse,? isang matipuno,chinito,morenong binatilyo na labis pang nakapagpahaba ng ngiti sa aking mga labi
“aah.. That’s Nathaniel, Nathaniel Cervantes Faustino!” sabi ng bestfriend kong si Gabby Dellacruz Ramos na simula pagkabata ay kadikit ko na at kasa kasama san man ako magpunta. Sabay kaming lumaki ni gabby magkaklase kami since kinder garten until mag college kami, para na kaming magkapatid marahil nga ay dahil sa mag babarkada rin ang mga magulang naming kaya nagkagaanan narin kami ng loob, nagkaroon ako ng muwang sa mundo nanjan na sya sa tabi ko, sabi ng mga magulang namin nasa loob palang daw kami ng tiyan ng mga nanay namin pinagkasundo na kaming ipakasal sa isat isa kaya buntis palang sila ginusto na nilang tumira at magsama sa iisang bahay,eh. Malas nila pareho kaming lalake,hahaha. ang bahay kung saan kami nagsama sama bilang isang malaki Masaya at magandang pamilya ay isang malaking three story house,may malawak na garden,pool area,bar and 6 rooms, nagtataka kayo kung bakit 6 rooms?hindi naman siguro kami hiwahiwalay natutulog, Syempre yung iba para sa mga bisita, eh.kasalanan ba ng mga magulang namin na naging friendly sila na halos everyweek e parang may birthday sa bahay, kaya lumaki kami ni gabby ng masayahin at positibong tao,
“He’s one of those mayayabang na bachelor ng stallion riding club!” Dugtong pa ni gabby. Na walang interes at may pagka inis sa lalakeng binaggit ,kanina ko pa iniisip na pamilyar sa mga mata ko ang lalakeng iyon,para kasing kilala ko sya at nakita ko na somewhere hindi ko lang matandaan,
Tinitigan ko pa sya ng maigi habang papalapit kami ng papalapit sa billboard.
ang ganda ng mga mata nya parang sa kanta “BLUE SPANISH EYES”, ang mga labi nyang nahiya naman ang mga rosas dahil sa sobrang pula, ang matipuno nyang pangangatawan na halatang nag gy-gym ito araw – araw at malamang health conscious din ito, ang mga makakapal nyang kilay na lalo pang dumagdag sa appeal nya, ang matangos nyang ilong na pwede mong gamiting pang slice ng fruits sa fruit ninja dahil sa sobrang talas, at ang pinaka nagustuhan ko sa nakikita ko ay isang malalim na dimples sa kaliwang pisngi nya na talaga namang nagpangiti pa sa-akin ng tuluyan, “Hoy,! Mr.Gerwin Santos Israel.! Eyes on the road!”
pagbalik ng aking atensyon sa kalsada ay hindi ko napansin na naka red light pala ang street lights at nasa gitna kami ng intersection na mabagal ang takbo na mabilis pa ata ang tao maglakad, dahil siguro mas ninais kong titigan si Mr.NATHANIEL FAUSTINO, sa kanan namin ay may narinig kaming malakas na malakas na busina na labis na kumuha ng aming atensyon isang malaking delivery truck na sa tansya ko ay nawalan ng preno at kaya sya bumubusina ay para ipaalam sa lahat ng madadaanan nya na”tumabi kayo wala akong preno.!”
SHIT! Tumigil ang sasakyan ko, pinilit ko itong istart ng paulit pero nabigo ako,
napapikit nalang kami pareho ni gab habang pinakikinggan ang malakas na busina na papalapit ng papalapit saming sasakyan.
hindi kaba ang nararamdaman ko kundi galit at pagka inis sa lalakeng may dahilan kung bakit kami mabubungo at mamamatay o kung suswertihin maoospital lang,
si “NATHANIEL CERVANTES FAUSTINO”

BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club BoymeetsBoy
Romance"sabi ko mahal kita, hindi ko sinabing mahalin mo rin ako." words na lalabas sa labi ng isang taong labis na nagmamahal sa isang taong wala naman syang kasiguruhan kung mahal ba sya o hindi.. isang one sided love.. >>>> isang love na walang nakakaa...