chapter 2

336 3 1
                                    

CHAPTER TWO “ 2 “

Nagising ako dahil sa pagkakauntog ng ulo ko sa ulo ni gabby at nagbubusinang alarm ng cellphone ko ewan ko ba pero 22 na kami pero gustong gusto parin nyang tumatabi sakin sa pagtulog, marahil ay nasanay na kami sa ganung gawain,

kinuha ko ang cellphone ko na nasa kanang bahagi ng kama pinatay ko ang alarm,

tumayo  ako at nagayos ng sarili, “tumayo ka na jan malelate na tayo” sabi ko habang iniyuyugyog ang balikat ng mala mantikang natutulog kong bestfriend, haaay.!! Walang pinagbago ganun parin.

nag desisyun akong magtungo na sa CR para maghilamos,

“HHHMMM, ang bango nyan aaah.! Favorite q pala salamat yaya you’re the best yaya in the whole wide metro manila!!”sabay tawa ng malakas, nangaasar na sabi ni gabb sakin habang niluluto ko ang paborito nyang pancake with strawberry caramel sauce sa kusina.

nakatira kaming magkasama ngayon sa isang dorm na malapit din sa school na pinapasukan namin BSHRM ang parehong kursong kinuha naming ni gabb pero pagdating sa pagluluto ako ang parating nagsisilbi sakanya ang silbi lang nya KUMAIN.

“ayos napo senyorito halina po kayo at kumain” nakangiti kong tugon sa pang aasar nya.

gwapo itong si gabb mestizo,chinito , ndi naman katangusan ang ilong  pero sapat lng katamtaman lng din ang tangkad nya halos magkasing tangkad nga lang kami mga 5’6 siguro., siguro kung hindi sya nagsasalita ng tagalog marahil ay marami na ang nagkamaling mapagkamalang sya ay isang koreano nagtataka nga lang ako dahil sa loob ng 22 years ay wala pa itong ipinakilala samin na girlfriend nya o nililigawan manlang, kahit nga crush wala syang nbabanggit sakin, pag nagtatanong ako kung kelan nya balak magkarelasyon ay parating tugon nya sakin “matalino ako,gwapo,(sabay kindat) mestiso at may killer smile (ngumiti sya at ipinakita ang lahat ng ipin), hindi ko gustong masayang lang ang lahat ng ito sa taong hindi ko naman kaano ano, hahayaan ko muna yang mga babaeng yan na putaktihin ka balang araw makikita nila.” hindi naman sa pagmamayabang pero may punto si gabb lamang nga ako ng konti sakanya nangunguna ako sa klase,Moreno, hustong pangangatawan lng,hindi rin katangusan ang ilong bilugang mga mata pero hindi naman malaki, I got the murderers smile yung kanya kasi killer lng eh, sakin murderer na. hahaha.. at higit sa lahat ang pambato kong dalawang naglalalimang BILOY sa magkabilang pisngi, ito ang lamang ko sakanya wala sya nito.

Sya ang nakatoka sa paghuhugas ng plato pero dahil nga kagigising lang nya at wala pang nagagawa inutusan ko nalang syang maligo na at maghanda sa pagpasok,

“hala sige senorito maligo na ho kayo at ako nalang ang maghuhugas ng plato”

palibhasay ang bagal bagal nitong kumilos daig pa ang babae,matagal maligo, ang tagal sa salamin, pati ang brief na isusuot nya ang tagal pagdesisyunan. “win.! Anu maganda yung skyblue na brief o pula?” tanong nya sakin habang ipinapakita ang dalawang pangloob na magkaibang kulay.

“yung pula.! nag skyblue kana kahapon eh. Bilisan mo patapos na ako maghugas ng plato hindi ka pa nagsisimulang maligo.!” Pasigaw kong tugon. “eh kung gusto mo hintayin na kitang matapos para sabay na tayong maligo eh.” Pangaasar nyang ulit habang nasa banyo na sya at nagbubuhos ng tubig,

“baliw,! Bilisan mo na dyan” dahil nga siguro malalaki na kami at kapwa binatilyo na nahiya na akong gawin ang mga bagay na ginagawa namin dati, kagaya ng maligo ng sabay, matulog magkatabi ng brief o boxer lng ang suot, nagging sensitibo ako sa mga ganitong bagay nung high school na kami,

“anu pang hinihiya mo eh nakita ko naman na lahat yan” pang aasar nya habang tumatawa ng malakas na parang nangaasar habang naliligo.

 Mahilig syang mang-asar pero kahit minsan hindi ako napikon sakanya. Minsan nga eh sya nalang ang natatahimik pag ako ang nangasar o nagbiro sakanya,pag tahimik na sya panigurado pikon na sya. Kaya kahit sya ang nagsimula ako nalang parati ang nagpapakumbaba, pinalaki kasi kami ng mga magulang namin na magpakumbaba at wag nagtatanim ng sama ng loob lalo na sa pagitan naming dalawa ni gabb, kaya siguro yun ang sekreto ng matagal naming samahan,  masasabi kong sa mahabang panahon na nakasama ko sya wala kaming alitan o pinag awayan ng malalim dahil siguro kabisado na namin ang isat isa.

“penge pabango, peram ganito, peram ganyan” yan ang parati naming gulo kapag nagaayos na papasok ng school, ayos lang nmn sakin at sakanya halos hindi na nga naming matukoy kung sino saming dalawa ang may ari ng isang damit dahil sa sobrang open namin ultimo lagayan namin ng damit ay iisa lang.

Stallion Riding Club BoymeetsBoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon