2

3 1 0
                                    

Few months later

Naglalakad ako ngayon sa corridor, wala lang, trip ko lang. May ginagawa kasi sila Alyssa na project, medyo close na kaming lahat kaya nagiging maganda ang pagsasamahan namin.

*vibrate*

From: Kuya pogi

Jana salamat sa gift nagustuhan ko, ILAbyou!

Tumawa lang ako kasi ang sweet ni Kuya, birthday niya kasi kahapon. Ang ganda daw nang gift ko kaya ayun. Natuwa.

Tumawa parin ako, parang baliw lang 'no.

Maglakad na sana ako habang mag-reply sa text ni kuya habang nakangiti nang may biglang bumangga sakin.

Alam 'Kong sinadyan niya 'to. Ang luwag kaya nang space.

Masakit yung ah! Binangga pa naman yung balikat ko, kalalaking tao.

Tumingin ako nang masama Kay angelo habang siya naman poker face na nakatingin sakin.

"Ano ba! Ang sakit ah!" Sabi ko halatang naiinis na ako.

Nabigla nalang ako sa sinabi niya na nagpapalakas nang tibok nang puso ko.

I miss he's voice

"Mas masakit panga 'yong sakin." Naka poker face parin.

Bakit? Hindi ba masakit sakin? Aalis na sana ako bago pa lumabas 'tong traydor na luha. Nang

Hinigit niya ako sa isang sulok kung saan walang istudyante, aalisin ko sana yung kamay ko pero ang lakas niya.

Nang nandito na kami sa isang classroom na hindi na ginagamit , at ang dilim.

"Ano ba kailangan mo?" Sigaw ko.
Pumapatak na talaga 'tong luha ko.

"Reason." Kalmado niyang sabi.

"Reason?"

"Reason why you broke up with me?" Giit na sabi niya, halatang pinipigilan niyang magalit.

"Hindi na kailang tapo-- " Hindi ko na magawang matapos ang salita ko nang sumigaw siya.

"THAT BULLS*T JANA!!!" Napapikit nalang ako nang sumigaw siya.

"ALAM MO BANG ANG SAKIT PARIN! HINDI KO ALAM 'KONG BAKIT MO AKO HINIWALAYAN! 'NONG MGA ORAS NA 'YON , GUSTO 'KONG MALAMAN 'KONG BAKIT? BAKIT? ANO BANG DAHILAN 'KONG BAKIT KA NAKIPAG HIWALAY! ANG SAKIT PARIN DITO " tinuro niya ang dibdib niya, halatang nasasaktan. "BAKIT PARANG WALA LANG SAYO LAHAT? ANG DAMI 'KONG TANONG PERO HINDI KO MAHANAP! ANG SAKIT PARIN JANA!! ANONG BANG PAGKUKULANG KO? ANO ? RASON! KAILANGAN KO YAN! so please tell me ." nakita 'Kong umiiyak na talaga siya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganyan.

Ilang minuto , hindi parin kami umimik.

Huminga ako nang malalim.

"Gusto mo talagang malaman?" Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sakin.

"Kasi NAGBAGO ka." Giit 'Kong sabi. Siya naman parang nagtataka. Sasabihin ko na talaga.
Pumikit muna ako at huminga nang malalim.

" 'Nong time na mahirap ka pa, tanggap kita. Hindi ka nag kulang nang naging tayo. Ikaw yung maa-laga, mapagmahal at wala na akong mahihiling pa sayo. Alam 'kong nagpupursigi 'kang magka-pera para maging masaya naman tayo sa date natin. Mas lalo akong napa-mahal sayo dahil sa mga ginagawa mo sa akin. Kahit may kunting tampohan , ikaw 'tong nage-effort para magkabati tayo. Masaya ako kahit ganon lang tayo. Pero isang araw nabigla nalang ako nang binalita mo sa akin na may relatives ka na kumuha sa inyo nang kapatid mo, sabi mo pa mayaman yung relatives mo, masaya ako kasi hindi ka na mahihirapan pero nagkamali ako." Ngumiti ako nang mapait. " NAGBAGO ka, hindi na ikaw yung lalaking minahal ko, nabulag ka sa pera , wala ka ng time sakin. 'Nong monthsary natin nakalimutan mo nga, nakita na lang kitang nagbibili at ang saya mo pa kasi mabibili mo na lahat kasama yung bagong friends mo. Masaya naman ako e. Pero ang sakit lang na nagbago ka na , pinalampas ko nalang 'yon kasi masaya ka naman, pero hindi e, kulang kasi 'nong nag date tayo parang ipina-mukha mo sakin na 'may pera na ako'  kasi para parang pa-cool ka lang. Tapos sabi mo 'pili ka , kahit ano diyan bibilhin ko para sayo' sabi mo pero para sakin parang naiinsulto ako, kaya ko namang bilhin yun. Hindi ako masaya , gusto ko yung dating ikaw, yung halatang mahal mo talaga ako. Pero hindi e. Nagbago ka. then one time, parang napapagod na ako sa relasyon natin kesyo busy ka , pag ako kasama mo, sa cellphone kalang makatingin. Manhid ka ata kasi nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo. Gusto ko kasi sa akin 'yong attention mo. AKIN LANG !! pero nang paulit-ulit mo nang ginagawa kaya I get tired ! Thats why I broke up with you." Umiiyak na talaga ako habang siya naman tulala.

"Now you know my reason, meron karing pagkukulang sakin. " agad-agad akong umalis at pumunta sa rooftop para umiyak.

Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko kaya ang sakit. Parang sasabog na 'to.

**

Pagkatapos 'Kong umiyak ay naglakad na ako patungo sa classroom halatang namumugto na ang mga mata ko dahil sa kaka-iyak, at para akong zombie na lumalakad sa sobrang hina.

Nang pag-pasok ko sa classroom ay nagtataka ako nang bigla akong bigyan nang rosas tig-isa. Tinanggap ko nalang kahit nagtataka parin ako. Nakita ko sila Alyssa na ngumingiti kaya nagtataka na talaga ako.

Nang matapos nila akong bigyan nang Rosas ay nagtataka na ako kulang na bigyan yung mukha ko nang question mark , ngumuso sila sa black board at na nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

I'm sorry girlfie !
Can you gave me a chance.
I will do everything , just don't break me up!

Naghiyawan naman yung mga classmates ko nang nakita ko siya sa harap ko at naglalakad patungo sa direksyon ko na may dalang bulaklak.

Biglang bumilis ang tibok nang puso ko at parang sasabog na sa sobrang bilis, hindi ko namalayan na ngumiti na pala ako.

"Girlfie I'm sorry for everything.
Please just give me another chance. I regret what I've done to you. Babawi ako sa lahat nang pagkukulang ko. " lumuhod siya saking harapan ako tinaas yung mga bulaklak.

"Can you be may girlfie...again?" Natatawa ako sa muhka niya dahil mukha talaga siyang kinakabahan.

Tumango lang ako... At bigla nalang  niya akong ki-niss sa noo at yumakap nang mahigpit.

"YEEEEESSS!!!! Kami naaaa ulit!!!!"
Nang kumalas na siya, tinignan ko yung mga classmates ko at NGA-NGA siguro sila sa inasta ni Angelo.

Sino ba namang hindi. Ang gwapo kaya niya kapag ngumingiti.

"At ngayon wala kanang kawala sakin. Akin ka lang!"

"Ang corny mo!" Sabay sapak ko sa braso niya.

"I love you girlfie." He whispered

"I love you too boyfie."I whispered

"Classs back to you seat!" Sabi 'nong teacher.

"Date tayo mamaya!" Tumango lang ako at umupo habang ngumingiti.

"Congrats." Bulong na sabi ni Alyssa.

Ngumiti lang ako .

Ang saya ko!

Hindi din pala masamang pagbigyan nang chance ang taong mahal mo.

Ang saya ko talaga !

Sana tuloy-tuloy na ang relasyon namin.

At sana magiging masaya na ako. Kami!

******

Finishhhh





ReasonWhere stories live. Discover now