Lahat ng tao nagkakagusto sa isa pang tao. natural lang yun.
May mga stages yan.Yung una crush lang paghanga lang
simpleng paghanga, tulad ng paghanga ko kay, Percy Jaydyz Deleña.Isa sya sa mga kilala sa school namin.
Mabait sya, kahit sabi ng iba hindi.
Hindi sya manloloko, kahit tingin ng iba oo.
Basta ang alam ko, crush ko sya at hanggang dun lang.Since elementary crush ko na sya.
Pero dahil isa lang naman akong "nerd" dito sa school namin, walang nakakapansin sakin, depende pa yun kasi pag binubully ako, pinag uusapan ako.
Pero dahil bestfriend ko si Krisheen Gomez. Masaya na ako. Kilala si krisheen sa ibat ibang bagay, si kresheen ang famous kong bestfriend.
"Percy...." bulong ko sa sarili ko habang nanonood kay percy na lumalangoy.
"Pst! Zanaya Roland?? Kinakausap kita ano na?" sabi sakin ni krisheen habang hawak nya ang magkabilaang balikat ko.
"H-ha? ano ba yun?" sabi ko habang nag kakamot.
"Tinatanong kita, sabi ko ok lang ba sayo na samahan moko" sabi nya sakin.
"Samahan saan ba? Sorry na?" paumanhin ko dahil hindi ako nakinig sa kanya.
"Yung kuya ni percy si Clark, may party sa kanila" yan nanaman si krisheen sa pangaaya nya.
"Pakinggan moko...." humarap sya sakin at itinaas nya ang kilay nya.
"Hindi ako sumasama sa ganyan, sayang sa time at mas ok na aiong nag babasa ng-" nagsalita agad sya"libro nanaman ba zanaya?" sabi nya sakin. habang umiwas ng tingin.
"Krisheen, sorry pero wala akong time sa ganyan..." Ngumiti ako.
"Pag kakantyawan lang nila ako, alam mo naman kung pano ako manamit. mqpapahiya ka dahil sakin.." dag dag ko dahil totoo naman eh.
"Soooo? anong pake nila? Ikaw ang ikaw kaya wala silang mababago, maganda ka naman kasi" sabi nya sakin. ok "maganda"? patawa araw araw ba naman nyang sabihin yan..
" Maganda nanaman, krisheen." sabi ko sa kanya at tinuro ko ang aking sarili at tumawa
"Oo, you're pretty zanaya.. makikita rin nila yun, they all need to take a closer look." sabi nya.
"Pwedeng mag cr? mabilis lang?" paalam ko pero sumama parin sya dahil mag ccr din daw sya.
bago umalis tinanaw ko si percy habang naka upo at kausap...
kausap si Felicity Payne .
Nililigawan ni percy si felicity.Kilala si felicity dahil isa syang kilala sa larangan ng pag sasayaw, magaling sya,Maganda katawan, mayaman at higit sa lahat maganda.
Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit nagkagusto di percy sa kanya.Pero. si felicity? hindi ko alam peri sya talaga lagi nya akong pinag titripan at pinapahiya sa lahat ng tao.
hindi ko alam kung bakit.
tumingin ako sa salamin, tinignan ko yung sarili ko.
Ang layo ko para sa salitang Maganda"Tapos ka na zanaya? tara na!" hinatak nya ako papunta sa dorm bamin. sabado ngayon at mag papahinga na ako!!
nagbasa na ako ng libro na hiniram ko sa library kahapon.
"Zanayaaaa!!" sigaw ni krisheen.
"Bakit?" tanong ko "Hindj ka talaga sasama?" taning nya sakin.
"Hindi" nagbasa ulit ako. nagulat ako ng may nangbato ng unan sa mukha ko
"Zanayaaa!! sama ka!! wala akong kasama!!" humihiyaw si krisheen habang gumugulong sa higaan nya.
"Ok, ok pero ngayon lang yan." sabi ko, nakapunta naman na ako sa mga party pero hindi ako nag tatagal dahil lahat ng tao pibag tatawanan ako.
"Ako bahala sayo! promise OMG!! kelangan maganda ka!" sabi nya sakin.
"Krisheen tanggapin mo na mukha ko wala nang mababago dyan." sabi ko habang turo ang mukha ko.
tinitigan lang ako ni krisheen ng matagal at nagtaka naman ako.
"K-krisheen?" sabi ko.
"Ok! pumunta tayo ng mall aayusan kita" sabi nya
"Hindi, sasama ako peri walang aayusin sa mukha ko." sabi ko.
"Trust me, birthdag ko na next week! kahit yan nalang regalo mo, please?" sabi nya habang naka puppy eyes
huminga ako ng mabigat bagi magsalita.
"Bibili lang ng damit" sabi ko."Yes!! ako bahala sayo.
To make the long story short ganito ang ginawa namin sa mall.
" Zanaya! Meet Yzel Ramos sya yung pumipili ng damit ko at sya ang mag aalaga sayo!!" nagulat ako sa sinabi nya.
hindi na ako naka angal dahil hinatak na ako nung yzel sa ibat ibang damitan na pwedeng masukatan.
at ng sapatos, hindi sapatos.
high heels at flatspagkatapos pumunta kami ng isang parlor at inayusan ang buhok ko na may haba na hanggang sa bewang at halos walang suklay. oo walang suklay kahit mahaba, kasi nag iipit lang ako at binigyan ng temporary rebond. for 1week. pwede akong mag ipit sabi nung bading na nag ayos ng buhok ko. binigyan din ako ng manicure at pedicure. At mga kaechosan na ilalagay sa balat. dahik di nmaan ako nag lolotion.
At inalis ang glasses ko at pumunta ng eye care para sa contact lens na may grado. Pero pwedeng alisin yun pagkatapos ng party at mag salamin ulit.
matapos nang lahat na yun bumili ng ibang gamit at pinuntahan na ako ni krisheen.
"Yzel!!" Lumapit si krisheen samin at nginutian ako at su yzel
"Pwedeng makausap si yzel ng sandali lang?" tumango ako at medyo tunalikod. bakit kaya, siguro hindi ako maganda.
bumulong si krisheen pero rinig ko ano kaya yun.
"Yzel asan na yung bestfriend ko?" Haa?! bestfriend? ako ba?!
"M-maam krisheen-" -yzel
"Atsaka suni ba yang kasama mo? Ang ganda nya sino sya?"
sinong kasama ni yzel? teka ako ba?"Maam-" -yzel
"Whats her name? er!! Asan mhna bestfriend ko, gusto ko pag nakita ko yun kamukha nung kasama mo ah!" whaaat?!! di ba ako kilala ng bestfriend ko?
Lumapit na ako kay krisheen
"Krisheen, ako to." sabi ko habang nakaturo sa mukha jo.
natawa si krisheen.
"Ahahaga loko lang alam kong ikaw yan duh!" ah tama ako alam nyang ako parin ito dahik wala namang oag babago."Bestfriend kita, kaya kilala kita. baka mga schoolmates natin hindi. malay mo, atsaka mas gumanda ka pa." hinakap ko sya at umuwi na kami.
yun yun.
"Sure ka ok na ako?" sabi ko kay krisheen oag uwi namin.
"Oo, matutulog nako, bukas na yun!"
hay nako.pumunta ako sa salamin at tinignan ang sarili.
"A-ako ba to?" tanong ko sa sarili ko.
Bagsak na buhok, makinis na kutis, naka make up, walang salamin.parang hindi ako to.
sana makita kita percy bukas.first time konv makita ang sarilikong ganito...
Nakakapanibago.
A/N:
TNU labyu guys!!!
Hope you guys like this chapter!
YOU ARE READING
My New Version of Me
RomanceMy New Version of Me by Cineey_Honey hope you guys like it.