Begin (One Shot)

9 3 13
                                    

Jungkook's Pov

Hi! I'm Jeon Jungkook! 13 Year's Old! Second Year Highschool.

Andito kami ni Nina sa park malapit sa school. Masyado kaming napaaga kaya tumambay muna kami dito upang magpalipas ng oras.

"Alam mo, Pangarap kong maging Artist. Pangarap kong mapasali sa isang grupo. Tapos dadaan muna kami sa proseso ng paghihirap bago sumikat." Nakangiting sabi ko kay Nina.

Si Nina ang bestfriend ko. Siya lang ang kaibigan ko dahil ayaw sakin ng mga kaklase ko. Tanging siya lang ang trumato sakin ng maayos sa school namin.

"Tutulungan kitang matupad ang pangarap mo! At pag natupad yun, ako ang magiging number 1 Fan mo! Ako din ang pinaka magiging masaya para sayo pag nangyari yon." Nakangiting sabi sakin ni Nina.

1 week ago

School

"Aish kapagoood! Gusto ko na umuwi!" Reklamo ni Nina.

Naglalakad kami ngayon papunta sa last subject namin.

Pagkarating sa room, umupo na kami ni Nina sa upuan namin. Magkatabi kaming dalawa.

"Ni---" dadaldalin ko pa sana si Nina nang dumating ang Sir namin.

"Jungkook." Tawag sakin ni Sir.

"Be prepared. Ikaw ang pinili ni Dean na magpakitang gilas bukas sa bisita natin. You can sing. You can dance. Pinili ka dahil talented ka. Wag mo sanang sayangin ang oppurtunity na 'to " Sir.

Magpakitang gilas? Saan? Bakit ako?

Napatingin ako kay Nina.... Na ngiting ngiti.

'Bat nakangiti tong babaeng to? Baliw ayy.'

d(^___^)b ---Nina

"Pero Sir bakit siya pa? Madami namang mas talented pa sa kanya eh." Sabi ng isa kong kaklaseng babae.

"Oo nga naman Sir."

"Oo nga po Sir."

"Lagi namang siya Sir."

"Sus! Sir bat hindi nalang ako? Mas gwapo naman ako jan. Hehehe" sabi pa ng isang kaklase ko saka nag pogi sign.

d(-___-)b --- Nina

Yung kaninang ngiting ngiting Nina napalitan ng walang emosyon.

'Patay nanaman tayo neto. Bibira nanaman to panigurado. Tsk tsk tsk.'

"Tss." biglang singhal ni Nina. Natahimik naman yung mga kaklase ko at napatingin sakanya. "E bat ba andami niyong sinasabi? Inggit kayo? E kung banatan ko kayo isa isa? Tignan ko lang kung may masabi pa kayo." Mayabang na sabi pa niya.. Tsk Hardcore talaga tong babaeng to..

Ewan ko ba mabait naman siya pero natatakot mga kaklase namin sakanya.. Dahil siguro mukha siyang masungit?

Tumingin siya sakin. Saka ako nginitian at kinindatan.
Nginitian ko din siya.

"Kaya gusto kita eh." Mahina pang bulong ko, yung sigurado akong hindi niya maririnig.

Binigyan niya pa ako ng nagtatanong na tingin pero nginitian ko nalang siya saka bumaling kay Sir. Mangungulit pa sana siya pero nag salita na si Sir.

"Ehem. So ano na Jungkook? Payag ka naman siguro diba?" Tanong ni Sir sakin.

Tinignan ko si Nina. Tinanguan niya lang ako habang ngiting ngiti siya.

BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon