Common stories between two bestfriends ....
Si girl bestfriend will fall to her guy bestfriend ....... Si guy bestfriend ma fa-fall kay girl bestfriend
But in reality, onti lang naman talaga ang nag e-end sa ....
Bestfriends to Lovers diba???
Not all bestfriends end to happy ending.....
One must sacrifice
One must forget.....
and One must let go.....
Ako si Jeffrey and I fall in love with my bestfriend
Ako si Nica and I fell in love with my bestfriend
Nagkakilala kami ng dahil sa kanyang kaibigan na dati kong kapitbahay
Napaka liit nga naman talaga ng mundo, hindi ko akalain na doon mag-uumpisa ang lahat
Kasa-kasama ko siya sa tawanan, sa kulitan....
Masaya ako pag kasama siya, lalo na pag inaalagaan niya ako
Ex siya ng tropa ko, naunahan kasi ako, pero nung una talaga wala akong gusto sa kanya
Nung una na gwapuhan lang ako sa kanya, sadyang nabiyayaan kasi siya ng itsura... Katamtaman ang kanyang kulay, Matangkad, Slim, at may peklat sa bandang kaliwa ng kanyang mukha
Hindi ko akalain na habang tumatagal ay mahuhulog ang loob ko sa kanya, Mabait kasi ito lalo na sa akin, Sweet, Caring....
Nasaktan ako ng malaman kong may gusto siya sa kaibigan ko na si Majo, umiiyak ako nun, at naging bitter....
Nakakatuwa nga siya, kasi pag pumupunta siya dito, imbes na BF niya ang una niyang hanapin ako agad ang hinahanap niya.... Ang saya ko nun.....
Nung malaman ko yun, naging bitter talaga ako, sinisiraan ko nun si Majo, ang sama ko noh? Pero anong magagawa ko, nakakainis naman talaga kasi. May ka relasyon nun si Majo pero nilalandi niya si Jhef, bakit porket alam niyang may gusto ito sa kanya!!! ><
May nakilala akong isang babae, kaibigan niya yun, si Majo, sinama niya nung nag punta siya dito. Maganda, chubby, masiyahin ahhhh basta Love at First Sight ata ang naramdaman ko sa kanya kaso nahahalata kong nasasaktan si bhez kaya naging S.O lang kami ni Majo
Lumipas ang buwan, at umabot ng taon ang aming pagsasama ni Jhef. Wala na sa eksena nun si Majo, dahil ng maka graduate kami sa H.S ay dinadala na niya pala ang anak nila ni Jayson, ang kanyang boyfriend .....
Buwan ang lumipas at di na muling nag punta dito si bhez :( namimiss ko siya .... kaya naman nung nag bday ako ay pilit ko siyang kinukulit para pumunta sa kaarawan ko :) para mag kita kaming muli
September 17, bday nun ni bhez at nakatanggap ako ng mensahe sa kanya, pinapapunta niya ako sa bday niya kaya naman after ng exam ko ay pumunta agad ako sa kanila
0_____o ang laki ng pinag bago ni bhez nung mga oras na iyon, nakasuot siya ng uniform, at nag ma-make up na din siya, mahaba na din ang kanyang buhok, di ko akalain na lalabas ang taglay niyang ganda
Madami na nag iinuman ng pumunta ako dun, puro puri ang aking natanggap mula sa mga taong noon ay di ako napapansin
Sabi na nga ba at madaming pupuri sa kanya ...>< at ayoko nun!!!!
Nagulat ako na habang nag uusap kami sa ibaba ng aprtment nila ay bigla niya akong hahalikan sa labi o____o
Hindi ako lasing, naka inom man ngunit alam ko ang aking ginagawa .... Hindi ko na napigilan ang matagal ko ng dinadama, kahit na alam kong masisira ang pag sasama namin, pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob kaya naman hinalikan ko siya
He kissed me 5 times!!! >< OM at hindi man lang ako pumiglas, my legs become weaker >< alam kong mali iyon dahil pareho kaming may ka relasyon
I kiss her soft lips, and at that moment I became addicted to taste her lips more and more .... I kiss her first on the 1st floor of the apartment ... Nasa harap ko siya nun at nag uusap kami kung ano ba ang kanyang iinumin seryoso siyang nag tatanong pero heto ako at di maka focus >< ano ba naman itong nadadama ko..... Ang pangalawa ay bago siya mag CR at pangatlo ay matapos niya mag CR .... Ang pang-apat ay nung matapos naming mag inuman sa labas at paakyat na kami sa kwarto ng apartment ng matamaan ang labi niya ng inaakyat na upuan...
Tanda ko pa ang sinabi niya nun ng matamaan ng dulo ng upuan ang labi ko "Aray" sigaw ko "Ano nangyari sa'yo?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko "Natamaan ng upuan yung labi ko" hinihimas ko ng aking kamay ang labi ko ... masakit kasi talaga eh >< ng biglang sabihin niya "Ki-kiss ko nalang para mawala ang sakit" hinampas ko siya at sinabihan ng siraulo, alam kong biro iyon kaya naman didiretsyo na sana ako paakyat, naka pasok na din kasi ang kanyang barkadang may dala ng upuan ng bigla niyang hawakan ulit ang kamay ko at hinatak papalapit sa kanya at hinalikan akong muli
Ang huli ang nag silbing GOOD BYE KISS
Kinabukasan ay iniwan niya na ako, dahil daw sa GF niya, mahal na mahal niya daw kasi iyo >< paano ako?? ;( umiyak ako ng umiyak, huling pagkikita na daw namin iyon ;( ang sakit sakit
Sinadya kong saktan ang damdamin ni Nica, alam ko kasing walang mararating kung magiging kami... ang sama ko ang mahal ko ay sinaktan ko... ayoko na din kasi siyang mahirapan... alam kong may ka relasyon siya.... kaya nagpanggap akong mayroon din ako.... Ngunit ang alam ng buong pamilya ko ay siya ang ka relasyon ko
Hindi ako minahal ni Jhef ;( ako lang ...... ako lang ang nagmahal ..... ang sakit
Mahal niya ako at alam ko yun, dahil nadadama ko, habang ako heto at di mapakita kung gaano siya kamahal
Kailan ko kaya siya ulit makikita???