*Mavis point of view*
8 years ago
Hindi ako makatulog sa ingay nila. Sa ingay ng pamilya kong walang sawang magdakdakan. Yung totoo, wala na ngang tulog tapos hindi pa kayo nagpapatulog. Ayos ah! Kanina pa tayo nasa byahe tapos ayaw pang magpatulog. It has been 5 hours and we're still on the road driving. Travel is life kasi sa family ko. Sabi kasi nila hangga't buhay ka pa i-enjoy mo na ang buhay. Kaya yan travel kami ng travel. Ang kaso sobrang ingay talaga nila."Wala ba kayong balak magpatulog? Kasi kanina pa tayo mulat eh.", ang sabi ko ng pagalit.
"Wag ka ngang kill-joy dyan ate. Nagsasaya lang kami.", ang sabi ni Rein na masaya at nakangiti.
"But knowing that we haven't slept properly and actually we should sleep. Parang ilang oras lang ang tulog nyo. It leads to insomnia. Mahirap kaya magkaron non.", ang sabi ko sa kanya.
"Anak alam naman namin yon. Eh kung ikaw gusto mo matulog edi matulog ka.", sabi ni Mama na parang hindi ako naintindihan.
"Eh paano nga ako makakatulog eh ang ingay nyo.", ang sagot ko kay Mama.
"Oh magsitigil na kayo at malapit na tayo.", sabi ni Papa sa amin na umaaawat.
"Seriously? Gosh nakakaexcite.", ang sabi ni Rein.
We're heading to a forest. That forest is really not famous. Hindi sya masyadong pinupuntahan ng mga tao. Nadiscover lang ni papa tong forest nato dahil nirekuminda ito ng kasamahan nya sa trabaho. I'm not sure about going to this trip. Well knowing na that forest is not famous and not familiar to everyone, baka may mga creatures na nakatira don na harmful. Pero syempre suportahan ko na alng yung gusto nila.
"Okay guys. We're here.", aniya ni Papa.
Agad silang bumaba ng kotse at kinuha ang mga gamit. Grabe takam na takam sa mga ganitong bagay. Ganon talaga travelers eh.
Pagbaba ko ng kotse maputik at madulas. Dahan-dahan akong naglakad at tumulong sa pagaayos.
"Later on susuyurin na natin itong gubat nato. Pero paalala lang, wag kayong hihiwalay saamin lalo na kayong mga bata. Dahil ang sabi sakin ng kasamahan ko may mga nilalalang daw na nakatira dito. Hindi natin alam kung masasama ba o hindi ang mga iyon. Kaya masmabuti nang magingat. At malay nyo makakita rin tayo nga mga nilalalang na yon.", ang sabi ni Papa.
"Eh bakit tayo nagpunta dito kung delikado pala? Parang pinapahamak natin ang sarili natin eh.", ang tanong ni Rein.
May point si Rein eh. Actually we don't have to go here. There's tons of forests around the globe that are look like this one. Pakiramadam ko nga hindi maganda ang lugar na ito. Pakiramdam ko mapanganib dito.
"Tama sya. Bakit ba kailang dito pa? Gaya nga ng sinabi mo Pa, hindi natin alam kung masama o mabuti ang mga nilalalang na yon. Eh baka yun pa ikapahamak natin eh.", ang kontra ko naman.
"Well maganda na rin yung pumupunta sa mga hindi masyadong familiar at hindi puntahan ng mga tao. Tignan nyo naman tayo lang ang tao dito.", ang sabi ni Papa habang tumitingin sa paligid.
"Yun na nga eh. Walang katao dito. Eh pano kung may nangyaring masama satin? Edi walang tutulong sa atin dahil nga walang tao.", ang sagot ko naman.
"Tama na yan. Wala na tayong magagawa pa dahil nandito na tayo. I-enjoy na lang natin ito. At walang hihiwalay.", ang paalala ni Mama.
Tumigil kami sa paguusap at lumarga na. Hindi kami naghiwalay. Kung saan ang isa doon kaming lahat. Hindi pa rin ako kampante sa lugar na ito. Para bang may mali. Naglalakad - lakad kami at wala pang nararamdaman o nakikitang kakaiba. This is an adventure that I didn't expect but I must admit that this place is so beautiful. Habang palayo kami ng palayo pagnada ng paganda ang lugar. Ang hiwaga ng pakiramdam ko sa lugar na ito. Masarap ang simoy ng hangin at masarap ito sa pakiramdam. Para akong nasa paraiso. Siguro dahil ito sa mga nakatira dito na inaalagaan nila itong gubat na ito ng husto. I wonder what kind of creatures lives here. Maybe some animals. Hayaan mo nga makikita ko rin naman mamaya eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/145107585-288-k689614.jpg)
YOU ARE READING
Connected
FantasyMahirap ang ganito. Mahirap ang sitwasyon nato. I don't know how to face this. I don't how to handle this. Mahirap dahil kung mamamatay ako mamamatay din sya. Magkadugtong ang buhay namin. When I'm hurt; he's hurt. When I am in pain; he's in pain. ...