Titibo-Tibo Moira Dela Torre

5 0 0
                                    

[Verse 1]
Elementary pa lang napapansin na nila mga gawi kong parang hindi pambabae.eh!kasi imbis na Chinese Garter laruan ko ay Teks at Jolens tapos ka jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin.
Nung tayo'y nag HighSchool ay napabarkada sa mga By Curious na babae na ang hanap din ay babae!sa halip na Make-up kit bit-bit ko ay Gitara tapos pormahan ko lagi noon ay T-shirt At Faded na Lonta.
[Pre-Chorus]
Pero noong makilala kita nagbago bigla ang aking timpla natuto akong magparebond at mag-ahit nang kilay atlis once a month hindi ko alam kung ano meron ka na sa akin ay nagpalambot na lang bigla sinong mag-aakalang lalaki pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala!
[Chorus]
Kahit ako'y Titibo-tibo puso ko ay titibok-tibok parin sayo isang halik mo lamang at ako ay tinatablan at ang aking pagkababae ay nabubuhayan na parang bang bulaklak na namumulaklak dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat ng araw-araw mong pag-ibig sa aking buhay nagpapasarap.
[Verse 2]
Nung tayo'y nag College ay saka ko lamang binigay ang matamis na Oo!sampung buwan mong trinabaho sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe.
Kaya nga noong nakikilala kita alam ko na agad na mayroong himala natuto akong magtakong at napadalas ang pagsuot ng bistidang pula pero di mo naman inasam na ako ay magbagong tuluyan para patunayang Walang Matigas Na Tinapay Sa Mainit Na Kape Ng Iyong Pagmamahal.
[Chorus]
Kahit ako'y titibo-tibo puso ko ay titibok-tibok parin sayo isang halik mo lamang at ako ay tinatablan at ang aking pagkababae ay nabubuhayan na para bang bulaklak na namumukadkad dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat nang araw-araw mong pag-ibig saking buhay nagpapasarap.

Song LyricsWhere stories live. Discover now