Chapter 4

5 0 0
                                    

_-------------------------

"Bat ngayon ka lang Karmina?"

"Ahh eh sorry po Itay may inayos lang po ako sa School .Mano po!"

Inabot ni Karmina ang kamay ng kanyang Ama't Ina.

"Siguraduhin mo lng na pag aaral yang inaatupag mo Karmina .Nakikita mo naman siguro ang pag hihirap ng ama mo makapag aral lang kayo ng Kuya mo! .Tandaan mo Hindi ito para sa amin para sa inyo to ng kapatid mo. Huwag ka ng gumaya sa mga kabataan dyan na walang mga Pangarap  sa mga magulang nila na nagkakandarapa na sa pagkayod mapag aral lang nila mga anak nila tapos hetong mga anak mga Walang pakialam , Lantuag dito,Lantuag dito .Kaya Sundin mo kami ng ama mo.Mahirap magpalamon ng sanggol at lalo ng mahirap makisama sa mga biyanan at manugang ng asawa mo lalo pa't kung wala kang maipagmamalaki."

"Clarita tama na nga yan! .Nadadala ka nanaman ng emosyon mo."

Saway ng ama ni Karmina.

"Tama naman yung sinasambit ko dito sa anak mo! .At ikaw malaman kaman ko lng  nanaman na may Boyfriend ka ulit malilintikan ka talaga saken, Karmina."

"Clarita! .Tumahik ka na nga napakawalang preno ng bibig mo. Hala sige Mina tumungo ka na sa Kusina at mag Gabihan Isa walang bahala mo na lamang ang mga sinabi saiyo ng iyong Inay. Alam kong pagod ka ."

Tumayo si Karmina sakanyang kinauupuan at tinignan ang kanyang Ama , minasdan din sya ng kanyang Ama at binigyan ng isang ngiti na syang makapagpapagaan sakanya.Tumungo si Karmina sa Kusina ng kanilang bahay. SAMANTALA.

"Kahit kailan ka talaga Hernando! .Kaya nasasanay yang anak mo ihh!"

"Pwede ba Clarita tumahimik kana!wala naman akong nakikitang ginawa ang anak naten ngayon kaya wala kang dapat ikadakdak."

"Pinapaalalahanan ko lng ang anak naten. 

-----

KINABUKASAN

" Kuya? Sila Nay at Tay?"

"Kakaalis lang .Tutungo daw sila sa bahay nila Tiya Aurora para dun sa Hati ng Lupa ni Papang Rolan. Halika na saluhan mo na kong Magaagahan ,may pasok ka diba?"

"Ohh sige Kuya! .Mauna na rin ako may mga gagawin pa kasi ako na mga paper works kailangan ay maipasa ko din yun."

"Sigurado kaba dyan bunso? .Baka galitan ako nito ni Itay! ."

I Love to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon