Ito yung kwento nating dalawa
Nagumpisa sa di maganda
Aksidente man ang pagkakilala
Nagkasundo at naging tropaSinadya mo ba yun? Ako naman si tonta
Simpleng text na oist, kung saan-saan na napupunta
Sa ating dalawa, ako yung siraulo
Syempre alam mo na, Ikaw yung gagoInaabot na tayo minsan alas kwatro
Ikaw kasi madamot. Atensyon ko, gusto mo laging solo
Madaling araw at manok natilaukan na
Ayaw pa ‘ko tantanan, nakaka-putang inaMantakin mo inabot tayo ng dekada
Ininda ko, mga kwento mo na laging pabida
Kinikilig ako, hangang matris at sinapupunan pa
Akala ko totoo, akala ko tunay, akala ko kakaibaAng saya ko nun, di ko na alintana ang pagod
Mabasa lang message mo’y parang hinahagod
Lahat ng lumbay ko at mga alinlangan
Kay sarap sanang balikan ating nakaraanAng iyong halik lagi sa aking isip.
Pangalan mo laging bukambibig
Ikaw na dating panaginip
Ngayon kahit pangalan mo ayokong marinigNangako ka pang ikukulong ako sa ‘yong mga bisig
Hindi ko na maalala kahit anung pilit
Kelan ba nagsimulang lumamig ang ating pag ibig?
Kelan natapos ang init, yung tamis naging mapait.Sabi mo ikaw ang bida at ako ang iyong prinsesa
Ang ending pala ay iba, ako'y naging extra
Ang kwento nating dalawa ay naging isang mapait na alaala
At pawang sakit na lamang ang natiraSa kwentong ikaw at ako sa umpisa
Sa huling kabanata, ako na lang mag-isa.