Message Sending Failed- 05

85 1 0
                                    

JAPED POV

Hay, sa wakas andito na ren sa bahay.. Makapag papahinga na ren. :))

Kami nga pala ay tatlong magkakapated. Pangalawa ako :) Haha.

Si ate Cristina Joy Padilla at ang bunso nameng si Fredrick Padilla.

Pagpasok ko sa loob, si mama nanunuod ng TV. At nang dumating ako, parang wala lang :( Parang walang dumating.. Ayaw kase sakin ni mama e. Kase nga sobrang tigas ng ulo ko at makulit pa. Kelan kaya ako gugustuhin ni mama ? :( Hindi ko na alam kung anu ba talaga ang dapat kong gawen para magustuhan ako ni mama at di ako kainisan eh :( Lagi ko namang sinusunod ang mga utos nila di ko na sya sinasagot di gaya nung dati. Lahat na ginawa ko pero, wala talaga eh. Siguro talagang ayaw na talaga sakin ni mama. :(

Malungkot na lang ako lage pag andito sa bahay.. Kaya nagala na lang ako. Kung san san ako pumupunta. Sa mga katropa ko anu kaya sa basketball court para makapag libang libang naman.

Pero syempre bago yon, gawa muna ng assignments. Nag bago na kase ako eh. Dati hindi ako gumagawa ng assignmens pero simula nung nainlove ako kay Jessy, ewan ko ba! Bigla na lang nagbago yung ugali ko.. >.<"

Pero maganda naman yung kinalabasan ng kasipagan ko e, tumaas ang mga grades ko nung 1st year. At ngayon, lalo pa kong mag sisipag..

Hindi para saken kundi para sa dalawang pinaka importanteng babae sa buhay ko. :)

Punta na muna ako sa kwarto ko at sinara ang pinto para gumawa ng assign.

Tapos na ang assignments. Oras na para gumala naman,

pero parang wala ako sa mood. Mas gusto kong mag emote ngayon.. Hay. Gay na ata ako ngayon. HAHAHA :3

Humiga muna ko sa kama para mag relax sandali..

Bigla ko na lang naalala si Claire !!! >.<" Aish! Yung babaeng 'yon! Nkkainis! Akala mo kung sinong maganda.

Pero kung sa bagay, maganda naman yon, morena, tama lang yung height at payat. Katoliko siya at may pagka maldita pa.

Pero wlang-wala sya kay Jessy! Si Jessy, Born-again yan, chubby, maputi, tama lang din ang height, mabait at higit sa lahat CUTE at MAGANDA pa! Ohh, san ka pa ? HAHAHA :) Napaka taba kase ng pisngi nung baboy na yun! HAHAHA :)

Pero kahit ganun yon, mahal na mahal ko yon! Kaya nga ako nainlove dun e dahil sa personality nya! Basta kahit anong mangyare, kay JESSY lang ako! Kay Jessy lang.. :D

Teka, teka. May naalala ako . Parang di nyo pa alam kung anu itsura ko ah ? Wait, wait. Let me introduce myself :)

Ako'y matangkad, maputi, katamtaman lang ang laki ang katawan at syempre di halatang gwapings! HAHAHA! :33

Haaaay nakooo. Ntatawa ako sa mga iniisip 'ko e. :PP Hahaha! :D

Pero, di ko maiwasang sumagi sa isip ko si mama. :( Hay..

Dumapa ako sa kama.

"Hay. Lord, panu po kaya ako magugustuhan ni mama ? :( Mahal kaya nya ko? Ayaw nya po talaga sakin e. Help me Lord, please. :("

Nang biglang,

Parang sumara yung pinto !! Ayy! Di ko nga pala nai lock yon! :|| Halaaaa! Sino kaya yon ?! Si mama kaya yon ? Nrinig kaya nya yung mga sinabi ko ? Haist :( Makababa na nga para malaman ko..

Bumaba na ko at nakita ko si mama na nasa kusina at nagluluto..

Pumunta rin ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. 2 steps lang ang pagitan namen ni mama.

"Imposibleng si mama 'yon. Nagluluto sya eh. :| Sinu kaya yon? Si ate? Hinde, hinde. Imposibleng si ate 'yon. Nasa trabaho yun eh. Si Fred? Hindi ren, nasa school pa yun eh. Ehhh, sinu kaya yon ? Hmmm? Nako bahala na nga, kung sinu man yon basta hindi naman siguro si mama yun noh."

Kakatalikod ko pa lang ng biglang narnig ko si mama na para bang natawa pero mahina lang..

"Hihihi." -Mama

Hmmm. Di ko na lang pinansin baka may naalala lang.

Papalabas na ko sa bahay nang bigla kong naalala yung phone ko.. Oo nga pala, andon sa kwarto yung phone ko! Bumalik ako sa kwarto para kunin ung cellphone. At agad agad kong tinext si Jessy! Nang,

[Message sending failed]

Ayy, nako po! Wala nga pala akong LOAD! Aisssh! >.<"

__________________________________________________________________________

Yan na lang po munaaaa! :D GOD BLESS !! ^_______^

Forever You and I :&quot;&gt; &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon