Bakit?

26 1 0
                                    

Hanggang ngayo'y palaisipan,
ano ba talaga ang rason ng 'yong paglisan?
Bakit ako'y iyong binitiwan,
sa kalagitnaan ng ating mainit na pagmamahalan?

Madalas pumasok sa aking isipan,
mahal ikaw ba'y may bago nang napupusuan?
Kung sakali, pakiusap,
hayaan mo namang ako'y malinawan
Kung mayroon pa bang dapat ipag laban
Sa naudlot nating pagmamahalan

Pakiusap mahal ako'y pakisabihan
Pakisagot lahat ng aking katanungan
Mahal hindi pa ba sapat? Ang aking pagmamahal, ano pa bang dapat patunayan?

Teka sandali,
pasensiya na mahal, ngunit kahit anong rason mo yata'y di kayang tanggapin
Itatanim ko nalamang saaking puso ang katanungang 'bakit mahal?'
Hanggang sa muli mong pag dating

Kung mayroon lamang kasiguraduhan ang iyong pagbabalik
Hanggang kamatayan, walang hihintayin kundi ang iyo lamang mga halik
Walang inaasahang anumang kapalit
Hihiling na lamang sa Amang nasa langit

Mahal kung ang hangin ay magbago ng ihip
Pangalan ko'y muling isigaw ng yong puso't isip
Kahit gaano man kasakit
Tatanggapin kang pilit
Umabot man sa puntong pilitin kong kalimutan ang mga tanong na 'mahal bakit?'

WORDS are cheap, ACTION proves why words is nothing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit?Where stories live. Discover now