Chapter 5

4 0 0
                                    

Honey POV

Kagigising ko lang. Dito muna kami natulog sa restaurant ni papa. Pero sabi niya naman kagabi ehh meron na daw kaming tutuluyan. Nae-excite tuloy ako.

Ang sabi niya Bestfriend niya daw yun simula pagkabata kaya ayun, nung malaman na nagkalindol sa bahay 'lang' namin ay tumawag na agad sila para patuluyin sa bahay nila. Sana mabait sila.

^_^

Pagkatapos kong magmuni-muni sa kama. Tumayo na rin ako para maligo.

Talagang isang kwarto lang ang meron dito sa restaurant ni papa. Dito lang sa taas meron. Tapos sa baba buong kainan na. Sinimulan 'to ni papa simula nung mamatay si mama hanggang sa makapagpatayo kami ng bahay. Hindi naman masikip pero tama na para saming dalawa ni papa. Isang queen size bed ang kama. At meron bintana sa gilid n'on. Yung CR naman makikita sa likod ng pinto kapag nakabukas. Oh siya tama na mahirap magpaliwanag.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako ng uniform at tsaka bumaba para kumain. Binilisan ko na din ang pagkain dahil baka ma-late na naman ako.

"Oh Honey! Ililipat ko na ang mga gamit natin. Itetext ko na lang sa iyo ang address para dumeretso ka na doon." masayang sambit ni papa. Halata sa mga mata niya ang pananabik na makita ang bestfriend niya kaya masaya ako para sa kaniya. Kahit anong mangyari sa amin hindi kami magkakahiwalay.

"Ahh okiee po!" sabi ko tsaka tumakbo palabas ng kainan.

****

Kababa ko palang ng taxi mukha na agad ng dalawa kong bestfriend ang bumungad sakin. Pero hindi katulad ng dati malungkot sila ngayon. Siguro naaawa sila sakin pero okay na naman ako as long as na may matitirhan kami okay lang ako.

Sinalubong ko sila ng ngiti. Pero hindi iyon umobra sa kanila kaya naman niyugyog ko na silang dalawa.

"Huy! Ano ba kayo?! Daig niyo pa ang namatayan ah? Okay lang ako!" tinodo ko na ang ngiti ko para maniwala sila.

"A-ahh Honey...Pasensya na kahapon ahh? Feeling ko kung hindi kami pumunta sa inyo hindi magkakaron ng lindol.." malungkot na sabi ni Nina.

Napangiti naman ako. Tsh. Okay lang naman talaga.

"Ano ba kayo?! Ngumiti naman kayo! Ang ganda ganda ng araw para sirain niyo! Hahaha!" at sa wakas! Ngumiti na sila!

"Aish! Syempre worried lang naman kami sa iyo noh?! Pero since ikaw na ang ngumiti,ngingiti na din kami! Hahaha!" tumatawang sabi ni julie.

"Haha! Pero walang charot! Okay lang ako!"

Pagkatapos ng dramahan namin lumakad na kami papasok ng gate. Pero hindi ko inaasahan na habang naglalakad kami maraming nagbubulungan ang nakatingin samin. Well hindi samin kundi 'sakin'.

Siguro dahil sa nangyari kahapon. Binalita daw kasi talaga iyon sa TV kaya baka ganito ang mga mata nila ngayon. Tsh. Kala mo naman sila yung naperwisyo eh sa bahay nga lang namin lumindol.

"Ano bang tinitingin-tingin nila diyan?" tanong ni julie.

"Hoy bakit kayo nakatingin?! Ha?!" sigaw niya sa mga babaeng dumadaan.

Siya ba yun?

Oo nga, mukhang siya nga yun.

Wag kayong maingay. Shh.

Wow. Talagang nanaway pa siya sa kabila ng maiingay nilang bibig ah. Aish. Bahala nga sila diyan.

Papaakyat na sana kami ng may marinig kaming echo ng mic.

Teka...

Hala! Si Jigo yun! Pinakinggan muna namin kung anong sinasabi niya.

"Oh! Tulong para kay Honey Oh! Nasira ang bahay nila kahapon at dahil iyon sa malakas na lindol! Kaya magbigay kayo ng tulong para sa pampaayos nila ng bahay!"

O_O

Aishhh!!!

Ano ba siya?! Hindi ba niya alam na nakakahiya yung pinaggagawa niya?! Aish!

Sa halip na pansinin sila nagtago na lang kami habang pataas. Ngunit grabe nga naman ang pandinig, paningin at pang-amoy netong ugok na'to.

"Uy! Si Honey Oh! Honey! Honey!" tawag niya sakin pero hindi ako lumingon.

Pero wala na. Binuhat niya ako gamit ang bagpack ko. Aish! Nakakahiya talaga!

"Nakikita niyo ba ha?! Sa kabila ng delubyong nangyari sa bahay nila nandito parin siya ngayon! Kaya bigyan niyo siya ng tulong at palakpak!" eto namang mga estudyanteng 'to mga uto-uto. Huhu hinihingi ko ba ang tulong niyo? Ha Jigo?!

Kapag ako nakababa dito Jigo. Magkakasakit ka. Hintayin mo lang.

"Ano ba Jigo?! Ibaba mo nga ako!" bulong ko pero ayaw niya talaga akong ibaba.

"Oh! Ikaw na lalaki na naglalakad diyan sa likod! Tumulong ka naman kay Honey!"

O_O

Si Jelo! Huhu. Napatakip kaagad ako ng mukha ko ng lumingon siya dito.

"Ahh. Pera ba ang kailangan niyo?" tanong niya sa satkatiskong paraan.

"Oo! Kaya magbigay ka na ng donation!" wala ka talagang hiya Jigo Bong!

"Sige. Eto oh. Eto pa. Oh ayan ha? 'Nagbigay' nako." talagang diniin niya pa ha?

"Bakit ba nagbibigay ka pa eh halata namang napipilitan ka lang!" sigaw ko sa kanya. Nakakaasar siya ehh.

"Bakit diba sabi niyang lalaki mo magbigay ako?" literal akog napanganga sa sinabi niya. Ha! Ano daw? LALAKI KO?! Kahit in love ako sa kanya hindi ko yun palalampasin!

"HOY! Magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo! Anong sabi mo? LALAKI KO?!" nanggagalaiting sigaw ko.

Nakakaasar siya! Kailan pa ko nagkalalaki eh siya lang naman ang laman ng puso ko. (Pout)

"Oo lalaki mo."

"Anong karapatan mong sabihin na lalaki KO yan?!" tanong ko sa kanya.

"Oo Pogi ka! Matalino, Sexy, Magaling sa lahat ng bagay! Bakit Perfect ka ba?!" dagdag ko pa. Kala niya ha.

Saka ko narealize yung sinabi ko. Oo nga perfect nga siya. Huhu. Nakakahiya.

"O-oh e-eh ano naman kung p-perfect ka?!" nauutal na tanong ko. Nakakahiya talaga.

"Tss." natatawang sabi niya.

"Kaya kitang pantayan! S-sa susunod! Sa susunod na semester makakapasok ako sa top!" may pag-aalinlangan na sabi ko.

"Talaga? Sige."

"E-eh a-ano namang kapalit kapag nanalo ako?!" tanong ko.

"Ipapasan kita sa paikot sa buong school."

Nagbulungan ang mga schoolmate namin. At syempre napangiti ako. Kinikilig ako!

"S-sige!" sabi ko habang nakangiti.

^_^

Hindi ko namalayan na hinihila na pala ako nila Nina at Julie pataas sa room namin.

Aasa na naman ako. ^_^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Started with A KissWhere stories live. Discover now