Chapter 2

30 2 0
                                    

Rain's POV

Sana nasalo ko siya kanina para hindi siya nasaktan. Epal kase to si Rence eh ako na dapat yung aalalay sa kanya eh. I suddenly felt guilt inside.
"Besh sorry ha. Sorry for making you feel that way." Malungkot na sambit ni Abi habang nakayuko.
"Besh wala kang kasalanan kung ano mang nararamdaman ko ngayon. Ako ang may gusto na maramdaman ko to. Please don't say sorry ok?" And I held her face and gently raised her head. She's now facing me. I gave her a sweet smile which made her smile back at me.
"Thank you besh sa pagiging concerned mo sakin ha." She said. And unexpectedly...
She hugged me. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon.
Naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan.

At sumakay na kami sa roller coaster. Nasa pinakaharap kami ni Abi. Sabi niya kase ay gusto niya na dito kami pumwesto. Nasa likod namin sila Marie at Rence. Naghaharutan parin ang dalawa. Nasa pangatlong row si Joshua at Haley. Sunod ay sila Marcio at Jill at syempre sunod nila sila Kyru at Francheska.
Before the ride started, i looked at her. She looks really beautiful in that outfit. Unexpectedly, she looked at me and smiled. I pinched her cheeks and said...
"You're really cute besh." Which made her giggle. O how i love seeing her giggle like that. It makes her cuter.
Maya-maya ay nagsimula na ang ride. Habang umaandar ang roller coaster, hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. Sobrang cute niya talaga. I didn't notice that while I was looking at her, I was smiling. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Her smile made her more adorable.
-after 5 minutes-
"Anubayan ambilis matapos nung ride nakakabitin." Biglang sabi ni Abi pagkababa namin.
"Si Rain nga kanina pa tingin ng tingin sayo sa ride eh." Kantyaw ni Marcio.
"To talaga oh. Tinignan ko lang siya kanina. Makasabi to ng tingin ng tingin eh." I innocently said.
"Deny pa Rain. Nakita rin kita kanina." Dagdag pa ni Rence.
"Uyy tigilan nyo na nga si Rain." Natatawang sabi ni Abi.
"Uyyy si Abi kinikilig. YYIIEEEE." Bigla nilang sabi.
Bigla kaming nagkatinginan ni Abi and smiled.
Maya-maya ay nag aya nang kumain si Marcio. Lagi nalang yung gutom.

Nakarating kami sa loob ng Cabalen. Sabi nila ay dun nalang daw para maraming choices kaya dun nalang kame pumunta. Pumwesto kami sa isang table sa pang-10.
Magkatabi si Joshua at Haley as usual. Tumabi si Marie sa tabi ni Haley. Pumwesto naman si Abi sa tabi niya. Tatabi na sana ko sa tabi ni Abi nang bigla akong unahan ni Rence. Nakakainis. Dapat ako yung nasa tabi ni Abi eh😳
Napansin ko na isa nalang ang bakanteng upuan. Sa tabi ni Francheska. Bahagya na kong umupo doon. Napansin ko na nauna na palang kumuha sila Abi, Marie, Haley, Jill at Francheska. Nang bumalik na sila, kami namang boys ang kumuha.

Habang kumakain kami...
"Uyy Rence akin na nga yang kutsara ko." Narinig kong sambit ni Abi. Pasimple ko silang tiningnan.
"Tikman mo kase to." At may nilagay si Rence sa kutsara. Nagulat ako nang bigla niyang subuan si Abi. I felt pain. Ayokong nakikita si Abi na sweet kasama nang iba lalo na si Rence.
"Ay in fairness masarap nga." Sagot ni Abi pagkaubos ng nasa bunganga niya.
"Sabi ko sayo eh." At humagikgik silang dalawa.
Nagiinit na talaga ang ulo ko sa kanila. Kanina inagawan niya ko sa pagalalay kay Abi tapos inunahan niya pa ko tumabi sa kanya. Tapos ngayon sinubuan niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Para kong naiinis na ewan. Ang sakit-sakit. Para kong sinasaksak sa tuwing nakikita ko na ngumingiti si Abi nang dahil sa kanya. Nang hindi ko na talaga mapigilan...
"Guys cr lang ako sandali." At umalis na ako agad. Hindi ko na talaga kayang makita silang dalawa ang ganon ka sweet.
"Wait lang sundan ko lang si Rain." Narinig kong sambit ni Joshua.
"Uyy Rain hintayin mo ko" narinig kong sigaw ni Joshua sa likuran ko.
-sa C.R-
"Tol ang sakit. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko kayang makita si Abi na sweet sa ibang lalaki lalo na kay Rence." I said,avoiding my voice to crack.
"Ganyan talaga tol. Close talaga sila eh. Teka nga...
Nagseselos ka ba?" He asked and smirked.
"Hindi noh." And I looked away from him.
"Sabihin mo lang sakin kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako." And he smiled.
"Thank you tol ha." And I smiled back at him and we did a fist bump.
And we came back to our table.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon