Simula

2 0 0
                                    

Simula

"Good morning!My name is Alexa Marasigan.I'm 17 years old. Mahilig akong magbasa, kumanta at manood ng k-drama.Nakatira ako sa....."

Patuloy lang ako sa pagsasalita dito sa harap pero halos walang nakikinig sa akin.Abala ang karamihan sa pakikipagkwentuhan sa katabi.Yung teacher naman ay wala ring pakealam.Nang tapos na ako sa pag-iintroduce ng sarili ko na halos wala ring nakinig ay bumalik na ko sa upuan ko,sa pinakalikod.

Tiningnan ng teacher ang relo niya at tumayo na."Class dismissed. " Aniya at umalis na.

Mas umingay ang klase.Napabuntong-hininga nalang ako at sinuot ang bag ko.

Recess na.

Nakita ko si Lia na papalapit sakin.

"Tara na,Lex,siguradong siksikan na naman sa canteen ngayon jusko!" Maarte niyang sabi.

Natawa nalang ako sa kanya.

"Tara na nga!"

Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi ko maiwasang manibago.First day of school nga naman kase.Grade 11 na ako.Dito ko na ring napiling mag senior high para hindi na ko mahirapang mag-adjust.

"Bilis!" Hinila ako ni Lia nang makapasok kami sa canteen.

"Dahan-dahan naman Lia!Mababali yung braso ko sayo eh!"

Jusko namang babaeng to!

"Bagal mo kase." Aniya habang hila-hila ako papunta sa nagtitinda ng burgers.

Habang bumibili kami ay may biglang lumapit na isang guwapong lalaki sa amin.

Ay pakshet!

Pero.....nakatingin siya kay.....Lia?

Kinalabit ko na si Lia na busy sa pagbili."Lia." Nilingon niya ako.

"Oh baki--" Namula bigla ang pisngi niya nang makita ang gwapong lalaking kanina pa nakatingin sa kanya."Baby ko!" Niyakap niya bigla ang lalaki.

Oh.Okay.

"I miss you." Sabi ng lalaki sa kanya habang magkayakap sila.

Biglang humiwalay sa yakap si Lia at pinalo ang braso ng lalaki na mukhang boyfriend niya ata.

"Namiss din kita.Kainis ka!"

Humalakhak ang lalaki at kinurot ang pisngi niya.

Okay.Wow.Great.What a sweet scene.

Kinagat ko nalang ang burger ko at nagkunwaring hindi ko sila naririnig.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng konting inggit.Konti lang naman.

Maya-maya pa ay tinawag ako ni Lia.Buti naman at naalala niya pang nandito ako,ano.

"Lex,si Carlo nga pala,boyfriend ko." Nakangiting sabi ni Lia habang magkahawak-kamay sila."Siya naman si Alexa,bestfriend ko."

Ngumiti lang ako at tumango kay Carlo.Ganun din siya

"Pano ba to.Ah Lex?Kay Carlo muna ako sasama ah?" Naka-puppy siya.

Tumawa nalang ako kahit deep inside gusto kong umirap."May magagawa pa ba ako.Sige na,sumama ka na sa kanya."

Kaya ang ending,mag-isa akong kumakain ngayon sa soccer field.Umalis ako dun sa canteen,wala na kasing bakanteng mauupuan.20 minutes pa naman ang breaktime.

Marami ring estudyante dito.Kumbaga,itong soccer field ang palaging tinatambayan maliban nalang kung may laro.

Napatingin ako sa couple na napadaan.Nakakapit ang babae sa braso nung boyfriend niya habang parehong ngiting-ngiti.

Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa maglaho sila sa paningin ko.Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

Okay!Oo na!Naiingit ako!Sobra!

Matapos ang klase ay mag-isa akong umuwi.Syempre,kay Carlo sumama si Lia.Ayoko namang magtampo.Kung ako rin naman ang may ganoong kagwapong boyfriend ay buong araw akong sasama sa kanya!

Habang nasa jeep ako ay hindi ko maiwasang mairita sa mag-syotang katabi ko.Kasi naman!Kitang siksikan na tapos maghaharutan pa?!

Aba,mapapamura ka nalang nang malutong.

Tapos yung buhok ng maharot na babae eh nakakain ko na!Punyeta!

Kaya nang makababa ako sa jeep ay magkasalubong ang mga kilay ko.Nababanas talaga ako.

Pagkapasok ko sa bahay ay diretso ako sa kwarto.Hinagis ko ang bag sa sahig at tumalon sa kama nang nakadapa.

Naf-frustrate ako ng bonggang-bongga!

"Ate,kakain na!"

Pagkababa ko ay nakahain na ang mga pagkain sa mesa.Nandun na rin si mama at ang kapatid kong lalaki na si Chris.Wala si Papa.Nasa Saudi siya at nagtatrabaho bilang construction worker.

"Oh,Ate?Ba't parang pasan mo ang mundo sa itsura mo?" Tawa ni Chris.

Inirapan ko nalang siya.Mas matanda ako sa kanya ng isang taon.Sa private school siya nag-aaral pero wala kaming binabayarang tuition fee dahil under siya ng scholarship program.Blessing sa amin ang pagiging mautak niya.

Matapos kumain ay lumabas ako para doon magbasa ng wattpad.Naabutan ko si Chris na nakaupo sa duyan na siyang favorite reading spot ko.

Aba.

Lumapit ako sa kanya.Aba,busy ang loko sa cellphone niya.Sumilip ako at namilog ang mata ko sa nakita ko.

"A-Ate anuba!" Tinago niya ang cellphone.Namumula siya habang hindi makatingin sa akin.

Humagalpak ako ng tawa kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ikaw Chris ah!" Natatawa kong sabi at tinabihan siya."Sino si Kathy?Nililigawan mo no?"

"Tss."

"Sus.Lakas manligaw eh ako pa nga naglalaba ng brief mo eh!"

Natatawa ako sa asar na asar niyang mukha!HAHAHAHA!

"Tsk.Tigilan mo nga ako,ate!Inggit ka lang kasi hindi ka pa nagkaka-boyfriend!" Aniya at pumasok sa loob.

Nawala ang ngisi sa labi ko.Sumimangot ang mukha ko at napatingin sa langit.

Edi ako na ang NBSB!Kaasar.Psh.

Kahit na ganito ako,zero ang lovelife eh naniniwala naman akong balang araw ay makikita ko din ang lalaking para sa akin.Alam kong bawat tao ay may nakatakdang kapareha.Hindi man ngayon pero ramdam kong makikilala ko rin siya sa tamang panahon.

Napangiti ako habang nakatitig sa mga bituin.

Nakatingin ka rin ba sa mga stars ngayon?Anong ginagawa mo ngayon?Kumain ka na ba?Tulog ka na ba?Masaya ka ba?Iniisip mo rin kaya ako?Kahit minsan,napapaisip ka rin ba kung kailan mo ako makikilala?Ano kayang itsura mo?Gaano ka kaya katangkad?Marunong ka bang kumanta?Sana,oo para duet tayo.Eh sa sayaw?Gaano kaya kaganda ang ngiti mo?Paano ka kaya tumawa?Saang lugar kaya tayo unang magkikita?O baka naman kilala na pala kita?Kapag tinabi ka sa akin,babagay kaya ako sayo?

Ilan lang yan sa napakadaming tanong sa utak ko.Minsan imbes na magmukmok ako dahil single parin ako hanggang ngayon ay inaabala ko nalang ang sarili ko sa pag-iisip tungkol sa kanya.Nakakatawa.Ni hindi ko kilala o alam ang pangalan niya pero lagi siyang nasa isip ko. Ganun nga siguro ako ka-excited na makilala siya.

Kaya kung sino ka man,sana dumating ka na.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alexa's WishWhere stories live. Discover now