"Kuya Ron!" isang binata, hindi malayo sa kinse-anyos ang edad, ang sumigaw sa isa pang lalake na hindi ganoon kalayo sa kanya.
"Uy! James! Ikaw pala!" sagot ng lalake na sinabayan din ng isang high-five.
"Ba't ka nandito? Kasama mo?" sabi ni Ron.
"Wala. Kakatapos lang namin ng rehearsal para sa contest next week." tugon ng kausap.
Itong dalawang ito ang magkapatid sa pamilya ng Gelasi, na ngayon ay hindi na dapat tawagin na pamilya dahil sa pagkamatay ng dalawa nilang magulang. Yung panganay, si Ronron, ay dalawampung taon na at apat na taon ang agwat sa kapatid niyang si James. Itong si Ronron ay mahilig lumabas, umuwi ng gabi, sumali sa mga frat at isang basagulero. Pero si James naman, ay yung uri ng tao na masipag mag-aral, magaling magswimming at ang lagi niyang pinagmamayabang, magaling siya sumayaw. Dalawa lang silang nakatira sa bahay nila at sila na din ang nagtatrabaho para sa ikabubuhay nila, pero, hindi ito naging hadlang sa pagsasayaw ni James. Sumasali siya lagi sa mga paligsahan kahit saan man ang tagpuan nito. Sa lahat ng mga "idol" niya sa pagsayaw, Jabbawockeez ang angat sa lahat. Paborito niyang sayawin yung "Red Pill" tsaka ang "Robot Remains". Tuwing naririnig nya din ang "Apologize", hindi niya mapigilan yung mga buto niya na sumayaw.
Hanggang nung isang araw...
Alas-otso nang umaga. Gising na ang dalawang magkapatid dahil may pupuntahan sila.
"Bugoy! Alis na ko! May pupuntahan pa akong trabaho!" sabi ni Ronron sa kapatid niya.
"Huwag mo na ko tatawaging bugoy! O sige! Umalis ka na! Lo-lock ko nalang yung pinto mamaya ah. Aalis din ako e. Dalhin mo nalang susi mo!" sigaw nung isa.
Umalis na si Ronron. Naglagay na ng jacket si James pagkatapos magsuot ng maong at isang damit na pinrintan ng logo ng grupo nila. At siyempre, 'di niya makakalimutan ang maskara ng Jabbawockeez na gagamitin nila sa sayaw nila mamaya na siya mismo ang nag-choreograph. Umalis na siya, sinarado ang pinto, nilock at sinubukan ulit buksan para tingnan kung naka-lock talaga.
Nang makadating na si James sa sayawan, isang minuto na lang bago mag-umpisa ang paligsahan. Naghihiyawan na ang mga tao at sumisigaw na. At biglang may boses na lumabas sa speaker sa tabi ng grupo nila James.
"THIS IS THE 13TH RIGHT ON THE FLOOR CONTEST HERE IN PARANAQUE!"
Rinig pa sa Taiwan ang hiyawan ng mga tao sa sobrang lakas. At nagdasal naman agad si James, dahil ang nabunot nilang numero para sa pagkakasunod-sunod ng grupo ay kwatro. Onti-onting pinakilala ang mga hurado ng laban. At nung pagkalabas ng pangatlong hurado, alam mo na agad na bigtime ang taong ito. Parang kumikindat sayo yung damit sa sobrang tingkad ng kulay nito. Naka-suit ang hurado at puro gold ang mga nakasabit sa leeg at kamay.
At pagkatapos ipakilala ang mga hurado, ipinag-opening remarks ang isang guest speaker. Pagkatapos nito, ay inumpisahan agad ang paligsahan. Tinawag ang unang grupo at lumabas sila sa entablado. Nagpakitang gilas ang unang grupo sa pamamagitan ng pagtambling.
"Puro naman breakdance alam ng mga yan e! Buti pa tayo, magpa-poplock." paghimok ni James sa mga kagrupo.
Pagkatapos ng una ay ang pangalawa, tapos sinundan ng pangatlo, hanggang yung grupo na ni James ang tinawag.
"ANG SUSUNOD NAMAN NGAYON AY ANG SLIDE TO UNLOCK! BIGYAN NAMAN NATIN SILA NG KAMAY!" sigaw ng emcee.
Pumunta agad ang grupo ni James sa harap na may malakas na loob pagkatapos suotin ang maskarang puti.
Sa kalagitnaan ng sayaw nila, sa backstage, may mga magnanakaw na nagtutok ng baril sa ulo ng emcee.
"Ibigay mo samin ang microphone." bulong ng lalakeng nakasuot ng medyas sa ulo para hindi makita ang mukha.
Ibinigay agad ng emcee ang mikropono at umalis palabas ng backstage. Lumabas ang mga magnanakaw at sumigaw sa microphone. Napatigil ang "Slide to Unlock" sa pagsayaw nila pero patuloy padin ang tugtog.
"WALANG SISIGAW O AALIS KUNDI BABARILIN KO KAYONG LAHAT!"
Lumabas ang mga ibang magnanakaw sa entrance ng malaking kwarto para sa paligsahan at pinalibutan ang mga tao.
"IKAW!" tinutok niya ang baril niya sa huradong mayaman. "OO! IKAW! LUMAPIT KA DITO!"
Umeksena si James at nakisali sa gulo.
"Wala ka na bang hiya na natira sa puso mo?! Ha?! Kung gusto mo magkapera, MAGTRABAHO KA NG MAAYOS! Alam mo, kung kapatid kita, lalayasan kita! MABUTI PA KUYA KO MAY MAGANDANG TRABAHO! HINDI TULAD NG SAYO! WALANG GINAWA KUNDI MAGNAKAW AT MANLOKO NG TAO! TINGIN MO PERA YUNG SENTRO NG BUHAY?! HA?! WALA KA KASIN..."
Pinutukan ng lalake si James sa hita. Unang bala. Pati sa kabila. Pangalawa. Hindi makagalaw si James at wala na siyang lakas. Pinutukan pa siya ng bala sa tiyan. Pangatlo. At pinutukan pa ulit siya ng mahigit sampung beses. Namatay si James ng duguan. Puro butas ang katawan niya na nanggaling sa kamay ng may hawak ng baril.
"YAN ANG DAPAT SA MGA HINDI MARUNONG RUMESPETO." sigaw ng lalake.
Natumba si James ng pahiga. At sa panghuling beses, pinutukan ng lalake si James sa mukha. Nabasag ang maskara niya. Hati sa dalawa. Dumulas sa dugo ang kanang parte sa kanan ng mukha at yung kaliwang parte sa kaliwa ng mukha. Nakita ng magnanakaw ang mukha ni James. Puno ng dugo. Napatigil ang magnanakaw. Nabitawan ang baril na hawak ng kanang kamay. Dumulas sa mga daliri niya at tumama sa lupa ang baril. Tumahimik ang mga tao at ang huling narinig nila ay ang pagbagsak ng baril.
Lumuhod ang magnanakaw at gumapang papunta kay James. Kinausap niya ito.
"James? Ikaw ba yan? James?!" tumulo ang luha ng lalake pababa sa mukha at papunta sa baba. Tumulo paonti-onti ang mga butil ng tubig galing sa mata.
Umiyak ang lalake at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Napahiga nalang siya sa dibdib ni James at sumigaw ng malakas. Sumigaw ng malakas para marinig ng puso ni James kung gaano kalaki ang pagsisisi niya sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Pinutok ko Yung Baril ko~
RandomPare: Tol, amoy pandesal ka. ~ Tol: Ows? Anong pandesal? ~ Pare: MONAY PUTOK! -- Isang istorya tungkol sa pinutok na baril.