Maris' POV
Pumasok na ko sa room namin at hinanap ang silya ko.Pero imbis na silya ang mahagip ng mata ko, mata ng isang chinito ang bumungad sakin.
"Mariskieeeee!"Sigaw ng kaibigan kong si Manolo na mahilig magdagdag ng 'skie' sa pangalan ko habang nakaopen arms pa.
"Hoy Manolo andyan mga ate ko gusto mo ba masampolan?"Sabi ko at biglang binaba nya mga kamay nya hahaha.Ang akala kasi nila Ate Alex eh manliligaw ko si Manolo.Juice colored di ko sya type no.At mas lalong hindi nya ko type.Bestfriends kami ano bang mahirap intindihin dun?Minsan kasi ang sweet ni Manolo sakin tapos tinatapat pa nya na andyan sila Ate Alex kaya iba iniisip eh.
"Hala.Bakit?"Takot na tanong ni Manolo.
"Eh hinatid lang ako."
"Bakit hinatid ka pa?"
"Kasi wala silang tiwala sayo"Biro ko
"Hu hindi siguro"Badtrip nyang sagot
Ah alam ko na.Break nanaman sila ng isa sa mga instant girlfriend nya"
"Grabe ka talaga Manolskie.Magbagong buhay ka na nga!"Sabi ko habang papunta sa silya na katabi ng kay Manolo
"Maris,kung sana kasi pinayagan mo na kong manligaw sayo edi sana stick to one na ko!Eh ikaw eh!"Biro nya pero parang tagos sa heart ko.Nooo!Erase backspace delete.
"Lubayan mo nga ako Manolo.Marinig ka ng mga tao dito baka isipin totoo"Sabi ko sabay irap
"Hoy Maris sinusungitan mo na ko ngayon ah"Sabi ni Manolo habang umuupo na kami
"Kasi baka mamaya maulit nanaman yung nangyari dati"
FLASHBACK
LAST SCHOOL YEAR
"Mariskie!Sabay tayo maglunch mamaya ha?"Sigaw ni Manolo bago ako pumasok sa room namin.Hindi kasi kami magkaklase ni Manolo.
Tumango lang ako at pumasok sa room nang makita kong tiningnan ako ng masama ni Jane.
Si Jane ang girlfriend ni Manolo.Maarte,maflirt(pinagandang word para sa malandi).Ewan ko ba a bestfriend ko at pinatulan si Jane.
Lagot nanaman ako neto.Mapapasubo nanaman ako sa pakikipag-away kay Jane.Hindi ko nalang pinansin at uupo na ko.
3 hours later...
*Bell rings*
Lunch naaaa!
Paglabas ko nagulat ako at nandun si Manolo.Oo nga pala.Sabay nga pala kami.
"Nolo,may girlfriend ka,bakit hindi sya ang sabayan mong kumain?"Curious kong tanong
"Ako sasabay sa mga maaarteng kaibigan ni Jane?!Hell no."
"Saka mas may gana akong kumain pag ikaw kasabay ko"Huh?Di ko gets.
Pumasok kami sa canteen at umorder.Pumunta kami sa gitnang lamesa at umupo.
Maya-maya,nawindang ako ng may bumuhos sakin ng isang basong tubig na may yelo pa.
Si Jane pala.Pesteng girlfriend ng bestfriend ko.
Gustong-gusto ko na kalbuhin si Jane pero nagpigil ako dahil kahit papano girlfriend sya ni Manolo.
"What the hell did you just do Jane?Nananahimik si Maris!"
"Manolo,mas gusto mo pang sumabay kumain sa babaeng yan kesa sakin na girlfriend mo?!"Pasigaw nyang tanong.