Chapter 4 - "Hynas"

15 1 0
                                    

L's POV

Binilisan namin ang pagbaba sa hangdanan at nadatnan ang pangyayari.

Nakita namin si Ezreal na may dugo sa kanyang kanang kamay at nagiginig ito.

Lumapit kami kay Ezreal para awatin sya.

"Ezreal! Tama na yan! " Wika ko habang hinihila sya papalayo.

Teka nga ba sino nga ba tong nakabangga ni Ezreal.

"Teka lang bata"Mukhang matapang yang kaibigan mo ah! Pasigaw na sinabi ng mysteryosong lalaki.

"Pasensya na" wika ko.

Lalayo na sana kami habang pasan ko si Ezreal nang biglang.

Blag! Tumumba kaming dalawa sa daan paglingon ko sa likod nakatayo yung isang lalaki na parang leader nung isang grupo.

"Ops! Mukhang dumulas yung sapatos ko sa likod ng kasama mo ah! "Sambit nya sakin habang nakangisi.

"Tarantado ka!! " Nagulat ako nang sumugod si Oscar sa lalaki.

Paglapit ni Oscar bigla syang hinarang ng mga kasapi ng grupo na toh at pinag sisipa sipa.

"Oscar!! " Galit ang lumalabas sa kamay ko na parang gusto kong gumanti.

Tumayo ako at sumugod ng magisa habang sumusugod din yung mga kalaban namin.

Isa isa ko silang pinag sasapak at sinisipa na para bang hindi nila ako tinatamaan.

Bago ako makarating sa kinatatayuan ng leader nila ay biglang bumaba ng hagdan sila Andrea at si Prof.

Prof's POV

"L!!!! "  Galit na isinigaw ko.

"Tigil!! " Tila walang naririnig si L sa mga sinabi ko.

Lumapit ako at nang sasapakin na ni L yung leader ay humarang ako at di nya naituloy.

"Stop!! This nonsense! " Galit kong sinabi sakanya.

Grabe muntik nya na akong masapak sa ilong buti nalang natigilan sya at napayuko sa galit.

Nagulat ako nang makitang napatumba ni L lahat ng ka grupo ni Alex.

"Detension kayong dalawa! " Pasigaw kong sinabi sakanila.

Hindi ko idadamay ang lahat nang nandun hanggat di ko nalalaman kung sino ang nag simula ng gulo.

"Ezreal Sumama ka samin"But first let's go to the clinic.

Inakay ko si Ezreal na hindi na makalakad at duguan yung kanyang kamay.

Someone' POV

"Grabe yung away kanina! "

"Sino ba yung mga grupo nayun! "

"Biro mo napatumba ni L yung mga kasamahan maliban sa leader ng sya lang mag isa! "

Biglang sumabat yung mysteryosong babae na kanina pa pla nanonood sa away.

"Yung grupo" Wika nito.

"Sila lang naman yung namumuno sa University na toh. " Nakangisi habang binabanggit itoh.

Nagulat yung dalawang babae na naguusap nang marinig ang sinabi ng mysteryosong babae.

"Nagulat kayo? " Nakangisi padin habang nakatingin sa dalawang babae.

"Teka sino kaba?! " Pasigaw na sambit ng isang babae.

"Ako?! " Pasigaw nitong sagot.

"Ako lang naman ang nagiisang maganda sa grupo na yun! "

Mas lalong nagulat yung dalawa nang marinig ang mga katagang iyon.

"Grupo nang ano ba!? " Pasigaw na sambit ng dalawang babae.

"Secret" Bulong ng mesteryosong babae bago sya umalis.

"Nakakakilabot sya! "Tugon ng isang babae.

Pupunta sana sila ng cr nang may nakalimutang kunin yung isang babae.

"Bess wait lang!! "Nagmamadali nyang sinabi. 

"Bakit?! " sagot nang kaibigan nya.

"May nakalimutan ako sa locker ko! " Tugon naman nito.

"Ano yun!?! "Naiiritang sambit ng kaibigan nya.

"Yung napkin ko!?! " Sigaw nito.

"Dalian mo naiihi na ako! " sagot naman ng kaibigan nya.

Dali daling pumunta sa locker room ang babae at binuksan ang kanyang locker para kuhanin yung Napkin, laking gulat nya nang may pulang papel na nakaipit sa locker nya.

"Ano toh?! " Nagtatakang tanong sa sarili.

Binuksan nya ang papel at nagulat sa kanyang nabasa.

"HYNAS"..


HIGH SCHOOL CRUSH ONWhere stories live. Discover now