*2nd Day*
Pong's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room ng bigla akong hawakan sa balikat nung... Liu? Luu? Lue? Ahh basta si Andrei. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa at mabilis na tinanggal ang kamay nya sa aking balikat.
"Kamusta na yung sugat mo? Okay na ba?" Tanong nya.
"A-ah? Oo okay na hindi na masakit" Sagot ko naman.
"Tara na sabay na tayo pumuntang room *smiles*" Anyaya nya. Hindi naman ako kumibo.
"Uyyy magkaibigan na kayo pre?" Sabi nang isa sa mga bumubully sakin ng makita nila kaming magkasama ni Andrei.
"Padaan papasok na kami." Sabi naman ni Andrei at dinunggol ang balikat nang isa sa bumubully sakin. Ngunit nung nakatalikod na kami sa kanila ay binatukan ako nito.
"Problema mo ba pre?" Sabi ni Andrei na mukhang nagpipigil.
"Ikaw ang may problema pre. Bat mo ba kasama yang weirdo na yan ano weirdo ka na rin? Ha? Weirdo!!" Pang iinis nila kay Andrei.
Akala ko ay papatulan ni Andrei ang mga iyon ngunit hinila nya nalang ako papuntang room namin.
Nang makarating na kami sa room ay naupo sya sa kanyang silya ng umuusok ang ilong sa sobrang galit. At naupo na rin ako.
Dumating ang recess na ganoon pa rin sya. Walang imik at nanlilisik ang mga mata kayat nilapitan ko sya."A-ahmmm... Para sayo" At iniaabot ang chuckee chocolate drink.
Ilang segundo ay hindi nya parin ito kinukuha. Nagulat nalang ako ng bigla nya itong tabigin at tumayo ng padabog.
"Ikawww ha?! IKAAAAWWWW!!!! kasalanan mo to!! Nagsisisi ako na piliin kitang kaibiganin!!" Sabay labas nya ng pinto.
Natulala naman ako sa kanyang sinabi. Hindi naman ako ang lumalapit sa kanya. Pinulot ko na lamang ang binigay ko sa kanya na hindi nya tinanggap.
______________________________________
*kriingggg kringggg*
Pong's POV
Kasalukuyan akong nakaupo mag isa nang mahagip ng aking peripheral sight si Andrei. Kaya naglakad lakad nalang ako sa loob ng campus. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaibigan dito.
Kaya boring ako pero sanay na. Hanggang sa mag uwian na ako lamang ang umuuwing mag isa. Gusto kong may makasabay sa aking pag uwi na kaibigan. Dahil nakikita kong masayang nagtatawanan ang iba pauwi kasama ng kanilang mga kaibigan.Ngunit hindi to ipinagkaloob sa akin. Habang naglalakad ako pauwi
ay may narinig akong ingay mula sa eskinita."Ano magbabayad ka na ba ng utang mo haaa????!!!!!!!!!!"
At nakita kong may binubugbog sila na lalaki at. Aaaat... Si Andrei yon!!!
Nang makawala si Andrei sa hawak sa kanyang mga kamay ay pinagsusuntok nya rin ang mga ito at biglang dumating ang isang guro sa aming paaralan.
"Boys!!! Stop!!!! Go to principal's office now!!!" Pasigaw nitong sabi.
Nakauwi na ako ng bahay at iniisip ko pa rin ang aking mga nasaksihan kanina.
______________________________________
Pong's POV
Papasok na sana ako ng room ng bigla akong tinawag ng isang guro. At ang gurong iyon ay ang nakahuli sa away kahapon. Kinabahan naman ako.
"Lumapit ka sakin"
Lumapit naman ako dito.
"Nakita kita kahapon na sinasaksihan mo ang mga pangyayari kahapon go to principal's office now kakausapin ka namin." Sabi nya kayat mas lalo pa akong kinabahan.
Pagpasok ko sa principal's office ay pinaupo ako ng aming principal ay nagulat ako dahil nandoon din sila Andrei at ang mga kaaway nya kahapon.
"Pong, sino sa kanila ang nagsimula ng away?" Tanong ng aming principal at sobra sobra sobra sobrang kabado na ako!!!
Mga isang minuto ay wala pa rin akong sagot. Hinampas ng principal ang lamesa nya na ikinagulat ko at mas ikinakaba.
"Ano pong?! Sino?! Pangako namin sayo hindi ka mapapahamak kapag sinabi mo ang totoo"
"A-ah ang nasaksihan ko lang po ay sinusuntok nila si Andrei at sabi po ng isa sa sumusuntok sa kanya ay kung magbabayad na daw po ba si Andrei ng utang at mali naman po ang inasal ng mga sumuntok sa kanya. Bakit hindi nalang kausapin sa masinsinang usapan" Pagpapaliwanag ko.
"Oo nga naman bakit hindi ninyo na lamang siya kausapin ng masinsinan. Pero diba ang daddy mo ang may ari ng unibersidad na ito? Bakit ka nagkautang Andrei? Jusko naman tong batang to!"
Hindi nakasagot si Andrei.
"Oh sige andrei makakaalis kna. At kayong lima! Magtutuos pa tayo mamaya! Sige alis na!"
______________________________________
Pagkalabas namin ng principal's office ay biglang may yumakap sakin patalikod. Nagulat ako at tinignan kung sino iyon. At nakita kong si Andrei iyon.
"Salamat at... Pasensya na sa inasal ko sayo"
Umiwas lang ako ng tingin. At napatingin ako sa kanyang mga braso. Puro pasa ito.
Nang malapit ng matapos ang klase ay naglapag ako sa lamesa ni Andrei ng papel.
“Mamayang uwian doon ka muna dumiretso sa bahay namin malapit lang naman”. Ang nakasulat sa papel.
At nag uwian na.
"Pong bakit?" Tanong nya ngunit hindi ko sya kinibo. Ayokong kausapin sya. Masyado akobg sensitibong tao. Madali akong masaktan at hindi na maaalis iyon sa aking isipin. Dibale nalang kung mag ka amnesia ako lol.
Naglakad na ako papuntang bahay namin at sinusundan nya lang ako.
"Hmm... Ang ganda ng panahon hays" sabi nya. Hindi ko pa rin sya pinapansin.
Nang makarating na kami sa bahay ay inaya ko syang pumasok sa loob at tiningnan naman nya ang pagkakadesenyo at pagkakaayos ng aming bahay.
Pumasok ako sa kwarto ko at tinignan sya dahil hindi pa sya pumapasok.
"Bakit? Pati ako papasok?" Tanong nya. Tinignan kolang sya ng seryoso. At pumasok na rin sya.
Umupo sya sa kama ko at tinitignan din ang disenyo ng aking kwarto.
Kumuha ako ng mga gamot para sa kanyang mga sugat.
Lumuhod ako sa kanya upang mapantayan ang mukha nya na aking gagamutin at unang dampi ng bulak na may gamot ay napa aray sya sa sakit. Ang kanyang sugat sa pisngi ay masyadong malaki at masakit iyon panigurado kapag nilagyan ng gamot. Kayat hinihipan ko iyon habang nilalagyan ng gamot. Nakikita ko naman sya sa aking gilid ng mata na nakatingin sa akin. Ipinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa.
Ngunit nagulat ako ng bigla nya akong hilahin at ipahiga sa aking kama. Ngayon ay nakapatong sya sa akin at ako naman ay nanlalaki ang mata sa gulat.
Lui Andrei's POV
Hindi ko naintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit. Ngunit tumibok ng mabilis ang aking puso habang ginagamot ako ni Pong. Kayat inihiga ko sya sa kanyang kama at ngayon ay nakapaibabaw ako sa kanya. Kita ko ang kanyang pagkagulat. At nagsimula na syang pumiglas at umiiwas iwas ng tingin sa akin. Mas nilaliman ko pa ang titig sa kanya. At napapatingin sya sa aking mga mata ngunit umiiwas talaga sya ng tingin.
"A-ahh anong ginagawa mo?" Tanong nya.
Hindi ako sumagot at nanitili pa rin akong nakatingin sa knyang mga mata,papuntang ilong at ang kanyang labi na mapula.