Chapter 1: The 8th Member.

212 8 2
                                    

A/N: My first story ever woooaah! Finally i published the chapter one! Woah english mga katronime hahaha. Yun nalang tawag ko sa mga readers. (Kala mo naman may magbabasa neto eh huhu) Bago niyo basahin 'to papaalala ko lang na medyo magulo pa sa simula hah.

———

Natsu's POV

"At night I think of you~"

*Blaaag*

"Ano ba!? Kitang nagkakanta yung pogi dito eh. Tsk!" Reklamo ko kay lucy na siyang bumato sakin ng kutsara.

"Oh Ano? ano!? Itikom mo yang bunganga mo o susupalpalan ko ng tinidor yan!?" Pananakot niya habang dinuduro sakin ang tinidor niya. Kasalukuyan niya palang kumakain ngayon.

"Wag ka kasi makinig. Mahirap ba yun!?" Sigaw ko rin sakanya.

"Wag mokong masigaw-sigawan dyan! Lumayas ka dito. Layas!" Napakamot nalang ako sa ulo.

Eh sa mabait at masunurin akong tao pinagbigyan kona siya lumabas ako dun. Bahala na nga siya sa buhay niya.

"Oh ano nanamang mukha yan? Mukha kang aso. Lul." Salubong sakin ni Erza na nakapagpadagdag pa ng inis sakin.

"Wag mokong ma-ulul-ulul diyang babae ka." Isa pang bwiset 'to eh. Kung hindi lang babae 'tong pinsan kong 'to eh baka pinatulan kona siya. Ayokong tawagin na ate 'to dahil masyado akong pogi para dun.

"Blah blah blah." Sabi niya nalang saka ako inirapan.

"Tch. Tomboy." Pang aasar ko sakanya.

Hindi niya na ako pinansin pa at pumasok na siya sa tambayan namin.

Kaming magbabarkada ay pinagawa ito para kapag napalayas kami edi mayroon kaming matitirhan haha! 'De biro lang pero parang ganun na nga hehe, kasi kapag wala kaming magawa dito kami nagtatambay saka pag may meeting okaya naman okasyon. Ang asting ng mga dabarkads ko diba? Haha! Pero mas cool ako.

Wait, Let me introduce them.

Woah english yun ah!?

Eto na nga ipapakilala kona sila habang naglalakad-lakad ako sa malaking lupang pag mamay-ari namin. Hehe!

Erza Scarlet (2nd Member), Ang boyish at pinakamatanda sa barkada. Di 'ko nga alam kung babae paba 'to o ano eh. Pinsan ko siya, At yun ang pinagtatakahan ko kung bakit ang pogi-pogi ko. Pero para sakin, para sakin lang ha? Siya yung pinaka astig dahil kaya niyang ipatumba ang mga lalaki kahit lima pa sila, kaya kung aawayin mo yan naku naku, wag na. Baka deretso ka sa hospital. Naalala ko tuloy yung naka-away niyang lalaki last year hanggang ngayon nasa hospital pa. Kawawa naman yun.

Levy Mcgarden (6th Member), Ang book worm (pinaka matalino) sa barkada. School's president, mabait, peymus saming lahat, small but terrible. hmm Pano nga ba kami nagkakilala? Ah! Dahil nga pala kay Lucy yun Oo haha. Magkaibigan silang dalawa. Atsaka.. sshh lang kayo hah. May crush sakanya si Gajeel hehe may lihim na pagtingin si Redfox. Speaking of Gajeel siya na yung next kong ipapakilala sainyo.

Gajeel Redfox (3rd Member), Wag niyo na palang kilalanin ang ugok na 'to! Pero syempre ipapakilala ko siya dahil sa poging mabait ako. Siya yung bestfriend ko since grade six, Kaming dalawa lang ang lalaki sa barkda pero 'di ako sigurado baka bakla yan eh! Paminsan-minsan naman kasama namin si Loke pero di namin siya ganun ka close. alam niyo ba? Syempre hindi. Bad influence kasi yang si Gajeel eh. Inosente akong tao promise hayst. Naalala ko tuloy yung binubully niya nung una ko siyang makita. Inimpluwensiyahan niya lang talaga ako. Promise!

Juvia Lockser (7th Member), Ang pangalawang matalino samin. Siya rin ang pinakamayaman samin dahil may sarili siyang mundo haha gets niyo? Jk. Napaka cold niya kasing tao yung tipong hindi siya gaanong nagsasalita? Kaya yelo ang tawag ko dyan eh. Tapos nakakainis siya pag nambabara na, napaka savage kasi niya grr. Siya yung hindi ko gaanong kaclose sa barkada, wala pa akong masyadong alam sakaniya dahil di siya makausap ng matino saka bago palang siya haha one year palang siya samin at siya yung hindi active.

 Hold Me Tight (Nalu Tagalog Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon