Nagtataka ako kung bakit hindi ako nireplyan ni Natsu kagabi kung nahatid niya na ba si Erza or wala bang humabol ulit dito. It makes me worry.
"Princess, the breakfast is ready!" Nagulat ako sa boses na yun kaya dali dali akong sumilip sa baba mula dito sa taas.
"Natsu!?" Sigaw ko dito. May hawak siyang frying pan at nilipat niya sa plato yung hotdog na niluto niya sus may pa apron-apron pa kala mo kung sinong expert na chef eh hotdog lang naman niluto dipa perfect.
"Goodmorning." Nakangiti siya ngayon pati mga mata niya sumasama. Ewan ko sa sandaling pagngiti niyang yun ay napanganga na 'ko pero ilang sandali pa ay bumaba na ako para lapitan siya.
"What came up to your mind? Ay wala ka pala nun opss." Dahil sa sinabi ko ay napabusangot at napasama ang tingin niya sakin kaya nagpeace sign ako.
"Ganda ng pa good morning mo sakin ah." He sarcastically said.
Ginawa ko na ang loob ko. Umupo na 'ko at nilantakan na ang hinain niya at ganun din siya. Napatingin ako sakaniya habang kumakain kami.
"Teka nga. Bakit hindi kapa naka uniform?" Kunot noong tanong ko dito.
"Sabay na tayo maligo." Nabulunan ako sa sinabi niya.
"Michyeoseo!? (Are you crazy!?)" Natawa lang siya.
"Joke lang syempre. Magpapaexcuse lang muna ako ngayon dahil may aasikasuhin lang akong importanteng bagay. Sorry kung ngayon ko lang sinabi biglaan lang eh." Napaangat ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.
"And what is that important thing you're talking about?" Makahulugang tanong ko dito.
"Secret." Aniya lang.
"K. Fine." Sagot ko nalang.
"Don't worry ihahatid kita at makisabay kana lang muna kina Levy sa pag-uwi." Napatango nalang ako at binilisan ang pagkain ko.
After a few more minutes ay nakaligo na 'ko at nasa sasakyan na kami ngayon ni Natsu.
Sinindian ko ang music at bumungad ang kantang say you won't let go.
"Parang importante nga yang gagawin mo hah. Kasi gumising ka ng maaga himala." Napailing siya sa sinabi ko.
"Para sa future natin 'tong ginagawa ko." Ako naman ngayon ang napailing sa sinabi niya.
"Hindi na nga kita kakausapin. Mag drive kana lang." Sumandal nalang ako at ipinikit ang mata ko. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa school at nagpaalam na sa isa't-isa.
"Nakapagtataka ah. Ano kayang importanteng gagawin niyan?" Tanong ni Levy.
"Hays ewan ko din bahala siya sa buhay niya." Sabi ko nalang.
"Luh ka te. Di ka man lang maghihinala or something na kakabahan man lang?" Di makapaniwalang tanong nito.
"Sus. Para sa ganun lang. Malaki tiwala ko dun bat ako kakabahan? Bat ako matatakot?" Pagmamalaki kopa rito.
"Osige sabi ko nga tara na pumasok na tayo."
///
"Nabanggit ko kahapon na may mga exchange student na darating dito. Right?" Nagsi-ingayan ang mga kaklase ko nang simulang i-topic iyon ni maam. "It's confirmed na they were from Saber Academy." At lalo pang umingay dahil dun.
"Maam wala pa po bang exact date kung kailan sila lilipat?" Nasasabik na tanong ni Lisa.
"There isn't, but I heard kanina na this month na talaga ang lipat nila."
Waaaahh! I can't waaiittt!
"So Mr. Dragneel is the only one absent? I got his excuse letter nagpaalam pa siya sakin kanina na may importante lang siyang gagawen. Responsible naman pala siya pagdating sa ganito." Sabi ni maam habang nagchecheck ng attendance kaya napatingin sakin ang iilan kong mga kaklase. Er?
BINABASA MO ANG
Hold Me Tight (Nalu Tagalog Fanfic)
Teen FictionWala ng intro intro basta maganda ang storya kaya basahin niyo na!