A pan, ga-ga walk

14 0 0
                                    

NAALALA ko noong ako ay nasa kindergarten naranasan kong mawala habang pauwi kami ng aking Lola mula sa paaralan pauwi sa bahay sa Paco, Manila. Ang Lola ko ang nagsundo sa akin at dahil sa aking pagmamadali sa paglalakad, hindi ko namalayan na wala na pala siya sa aking likuran.

SA pagkakataon na iyon ay umiyak ako dahil binalikan ko ang daan kung saan kami nanggaling. Nang hindi ko siya makita, ay nagsimula ng dumaloy ang luha sa aking mga mata dahil sa aking murang isipan ako ay naliligaw na.

HABANG ako ay naluluha at hindi alam kung saan ang daan pauwi, may isang lalaki na nakapansin sa akin na ako ay hindi mapakali sa aking kinakatayuan at lumalakas ang paghikbi.  Lumapit ang lalaki at sa aking kamalayan ay tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak ng mga oras na iyon. Makailang ulit siyang nagtanong ngunit ang natatandaan ko lamang ay nasabi ko na ako ay nawawala. Dinala niya ako sa may paradahan ng mga pampasaherong sasakyan sa may tapat nang simbahan ng Paco. (Ngayon ang lugar na iyon ay natatayuan na ng isang sikat na ‘foodchain’na dati ay isang karenderia.) Naisipan nang lalaki na dalhin ako sa lugar na iyon baka may makapansin sa akin o makakilala upang ako ay makauwi. Mukhang ang lalaking iyon ay papunta sa kanyang trabaho ngunit binigyan niya ako nang panahon upang samahan habang patuloy ako sa pag-iyak.

NANG walang tumugon sa ginawa ng lalaki, naisipan na niya akong tanungin kung alam ko ba ang daan pauwi at sasamahan niya ako. Sa pakiramdam ko noon ay nakatulong ang pagtatanong niya kaya nagkaroon ako ng lakas na loob na sabihin kung saan ang aming tirahan. Nauna ako ng ilang hakbang sa kanya at sinabi ko na ang binabagtas naming na kalye ang palagi namin na dinadaanan pauwi. Naroon siya sa likuran ko at sinusundan ang aking nilalakaran. Naging malakas ang loob ko dahil may taong umagapay sa akin upang makauwi.

HABANG nasa daan ay napansin ko sa unahan na may paparating at namukhaan ko kung sino ang taong paparating sa aming harapan, ang aking Nanay!

LABIS ang pagkatuwa ko ng Makita mo ang aking Nanay na nag-alala sa pagkawala ko. Nagpasalamat siya sa lalaking tumulong sa akin. Hindi ko masyadong namukhaan ang lalaki ngunit malaki din ang pasasalamat ko na hindi niya ako pinabayaan kahit hindi naman niya ako kilala.

PAG-UWI namin sa bahay ng aking Nanay, nakita ko ang galit sa mukha ng aking Lolo sapagkat hindi ako sumunod sa kanilang tagubilin. Sa kanyang galit ay inalis niya ang kanyang sinturon na balat na akmang gagamitin upang ipamalo sa akin. (Sadyang ganoon ang kanyang pagdidisiplina sa kanyang mga apo bagama’t ako ang kanyang ikalawang apo sa kanyang mga anak.) Sinikap kong umiwas sa kanyang nais gawin kaya tumakbo ako at humanap ng matataguan.

NAGKATAON na naisipan kong dumaan sa kabilang bahagi ng kariton na nakalagay sa tabi ng bahay. Pinilit kong dumaan sa makipot na daanan upang makaiwas sa aking Lolo. Sa sitwasyon na iyon ay nagkamali akong ginawa dahil hindi sinturon ng aking Lolo ang lumatay sa aking balat kundi ang nakausling yero sa kariton na naging dahilan upang magkaroon ng malaking sugat ang aking kaliwang binti. At hanggang sa ngayon ay nagsilbi itong marka sa aking balat.

ISANG karanasan ito na hindi ko malilimutan dahil mula ng mangyari iyon, naisip ko sa sarili ko na kailanman, sa aking paglaki, hinding-hindi ako magiging tanga at mawawala kahit saan ako magpunta. Mula noon, natuto akong maging may-alam sa lansangan.

SAPAGKAT ayaw ko nang muling MAWALA.

(Ito ay base sa karanasan at kaalaman ng may-akda. Sadyang hindi naka-edit ang mga nilalaman nito. Malayang magpahayag ng kanilan  saloobin ang mga mambabasa.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A pan, ga-ga walkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon