This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious matter. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
---
TRIGGERED WARNING:This story contains language and scenes which may cause trigger reactions. Some chapters are graphic in nature and might be disturbing to some readers. Please read at your own risk. This story is open for your opinions, somehow. Let there be no hate but understanding and compassion.
You are being warned.
***
Pagpatak ng alas nuwebe ng gabi, dapat nakatago na ang lahat.
Walang dapat matira sa labas.
Walang maglalakad sa mga pasilyo ng inyong mga bahay.
Walang tatayo at maglalakad upang pumunta sa banyo para mag-cr.
Patayin mo ang ilaw, bago ikaw ang mapatay.
Dapat ka ng magtago bago ikaw ang hanapin at gapangin.
Iisa na nga lang ang buhay mo, nanganganib pa.Basta isa lang ang batas: Wag kang lalabas pagpatak ng takip-silim, dahil kung hindi.. mauuna ka sa langit o impyerno.
***
Naririnig ko ang kanyang mga yabag. Bawat hakbang niya ay nagbibigay-kilabot sa aking kalamnan, nagpapatuyo sa aking lalamunan at nagpapatulo nang mga malalamig na pawis sa aking noo.Malapit na siya.
Malapit na.
Pilit kong isiniksik ang aking sarili sa isang cabinet. Kinakalma ang aking sarili na naninigas na dito sa loob.
Ang puso ko na walang-awat sa pagtambol. Hudyat na ako talaga'y natatakot na ngayon sa aking sitwasyon.
Dala ang rosaryo sa aking kamay, hinahaplos-haplos ko ito at binibigkas ang mga dasal na sana'y iligtas ako sa peligrong ito ngayon.
Parang maiiyak na ako.
"Hahahahaha", naririnig ko ang mga demonyong tawa niya.
Natatakot ako.
Tulong!
Tulungan ninyo ako!
Biglang pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas. Para itong ilog na hindi ko mapigilan ang pag-agos.
Nararamdaman ko ang panginginig ng aking bibig. Tinakpan ko ito gamit ang aking dalawang kamay upang mapigilan ang aking paghikbi.
Sana.. Sana 'di niya ako makita.
Pero impossible.
Alam niya ngayon kung saan ako nagtatago." Huwag ka na magtago dyan, Ate Ceila.. Alam kong alam mo kung saan ka ngayon", sabi niya sa kanyang malumanay na boses.
Yang boses niya..parang anghel kung pakinggan, pero mala-demonyo naman ang may-ari.
Nanuyo lalo ang aking lalamunan. Jusko! Ito na ba ang katapusan ko?
May anak pa akong pagpapa-aralin!
Walang awat ang pagtulo ng aking mga luha.
Iligtas niyo ako sa demonyong batang ito!"Ate Ceila, ako ba ang pupunta diyan o ikaw ang pupunta dito? Di pa tayo tapos maglaro eh, hahahaha", siguro hindi na siya makakalapit sa akin dahil may hawak akong proteksyon.
Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking t-shirt na kulay asul at tatlong beses na bumuntong-hininga. Kanina pa nananakit ang aking mga likod, beywang, tuhod sa loob ng cabinet.