J E O N G Y E O N ' S P O V
*TUG TUG TUG!* [tunog nang pinto]
"Sige sige, bukas nalang ah? Sige, bye." nagmamadaling sabi ko atsaka binaba na ang linya at bumaba.
Nagulat ako nang may makita akong mga pulis sa tapat nang pintuan ko.
Hah? wala naman akong ginawang masama ah? Bat may mga pulis dito?
"Miss..." sambit nang pulis atsaka tumingin sa hawak niyang papel atsaka tumingin ulit sakin. "Yoo Jeong Yeon." Pagdadagdag niya atsaka muling tumingin sakin.
Di ko alam pero parang kinabahan ako bigla sa titig niya at biglang bumilis ang tibok nang puso ko.
"Im sorry but..." pagbibitin niya. Nainis naman ako kaya naman bigla ko siyang sinagot.
"But what? Anong meron? Anong nangyari?" Takang tanong ko atsaka bumuntong hininga muna siya bago sabihin ang mga salitang di ko alam na guguho sa mundo ko..
"Im sorry to say this but your parents are dead." Diretsuhang sabi nang mga pulis. "Sumabog ang resturant na pinagkakainan nila at huli na nang mailabas namin sila." Paliwanag parin nang pulis.
Naramdaman kong tumulo ang isang luha galing sa isang mata ko atsaka tumuli muli ang isa galing sa isang mata ko hanggang sa tuluyan nang nagtuluan. Nakatingin lang sila sakin habang nakaganon ako.
Umiling ako.
"Hindi, hindi yon pwede! hindi yun pwede!! Sabihin niyo saking lokohan lang toh, sabihin niyo saking bi-" *buntong hininga* "biro lang toh! SABIHIN NIYO SAKIN!" pagmamaktol ko atsaka pinagtututulak sila.
"Miss calm down.." pagpapakalma sakin nang isang pulis na kasama niya at mas tinulak ko lang siya.
"Hindi! Sabihin niyo saking biro lang toh! Na joke lang lahat nang sinasabi niyo!! Na buhay pa ang mga ma--" natigil ang pagsasalita ko nang sumigaw yung pulis na nagsabi sakin nang impormasyon.
"Miss kumalma ka! Wala na ang mga magulang mo! Di mo ba ako narinig kanina?! Sumabog ang resturant na pinagkakainan nila!" Natigilan naman ako sa sinabi niyang yun at napaluhod at muli nang humagulgol.
Hindi toh pwede..
"Miss--"
"Gusto ko silang makita." Sabi ko at sinikap kong padiretsuhin ang pagsasalita ko. At tumingin ako sakanila.
"Miss bawal--"
"Gusto ko silang makita!!" mas malakas na sabi ko dahilan para matigilan siya.
"Sumama ka samin miss." Sabi nang isang pulis na kasama niya.
Napatango nalang ako. Narinig ko namang bumuntong hininga yung isang pulis at wala nang nagawa kundi sumunod.
Di ko alam kung gano katagal ang biyahe pero nakarating na rin kami sa hospital.
Pinunta nila ako sa isang kwarto na may dalawang kama. Nakatakip nang puting kumot ang dalawang nakahiga don.
nangilid ang luha ko atsaka ko sila nilapitan.
Inalis ko ang kumot na nakatakip sa mukha nila at mas lalo pa akong napahagulgol.
Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko that time, basta ang alam ko sobrang sakit.
Di niyo man lang natupad yung promise niyo, iniwan niyo na agad ako..