ISAIH 2

21 0 0
                                    

After the encounter with that girl, hindi ko na uli siya nakita sa campus. Siguro hindi talaga siya sa school namin nag aaral o baka fresh graduate at naghahanap ng mapapasukang university.

Whatever she is doing in our campus that day is not my concern anyway. Ang kinaiinis ko lang ay parang ako ang natalo sa una at huli naming pag uusap. Wala kong rebutt men!

"Hey, sup men!"

Bati ni Larence sakin sabay upo sa tabi ko. Nakapatong pa rin ang baba ko sa mga braso kong nasa lamesa. Hindi ko siya pinansin at tinuon lamang ang atensyon ko sa mga estudyanteng palakad lakad sa covered court

"...with or without your approval or believe He is still God"

Paulit ulit na salita sa isip ko. Dinaig pa ang kanta ng XB na hayaan mo sila sa sobrang nakaka LSS. This is the first time na may walang kwentang statement sa utak ko ang paulit ulit.

Isabay mo pa ang na na-imagine ko ang mga labi niya na binibigkas ito.

But don't get me wrong ahh. Hindi ko siya type, na-cute-an siguro, oo. Kristiyano kasi siya and I don't like Christians

Sobra ata kong nilalamon ng mga thoughts ko kaya hindi ko na namalayan na dumating na si Andrew at Mae kasama si Lucas na ngayon lang uling sumama samin.

Na-born again kasi kaya ayun hindi na sumasama sa tuwing pumupunta kaming bar o kahit sa mga kalokohan. Bagong buhay na daw kasi siya.

Psh. Wala siyang maloloko samin

"O, kumusta Pastor?"

Pang aasar ko sa kanya. Well, tignan natin kung hanggang saan ang pagiging banal banalan niya

"Ito, okay naman. Ikaw, kumusta?"

Pinaglapat namin ang mga kamao namin saka siya umupo sa tabi ko

"I'm still the Emman you know. Ikaw lang naman nagbago ehh"

Sabi ko sa kanya na may halong kaplastikang ngiti. Kung titignan ko siya ngayon, ibang iba nga siya sa dating Lucas na nakilala ko. Mukhang ang linis linis niya sa dark blue na polong suot niya. Maaliwas rin ang mukha niya ngayon di tulad ng dati na halata ang pag adik niya. Lol.

"Well, it's good to have changes. You should also try it."

I gave him a face na natatawa at umiling na lang as an answer na 'no'

Pambihira para na siyang isa sa mga nag iikot dito sa campus

"You know what, it's good to have changes but it's better to make changes"

At talagang mapilit na rin siya ngayon? No one can change what I believe not even the god that they believe exist

"So what do you imply?"

Naiirita kong tanong sa kanya.

"I heard na may nakasagutan kang babae dito sa campus last week."

Umabot na rin pala sa kanya ang balita. Well, imposibleng hindi dahil nag trending sa page ng campus namin ang pangyayaring yun. At nagkaroon ako ng maraming bashers!

Atheist daw ako, pumatol sa bata o kaya ang sama ng ugali ko. At kung anu ano pang mga comments sakin. O sige na, sila na ang mabait. Kainis!

"Yup. Sesermunan mo ba ko about dyan pastor?"

Pang aasar ko sa kanya. Wala namang ibang ginawa to kundi pagsabihan o magbigay ng advice. Siya na nga matuwid

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko bago muling magsalita

"Nope. Actually natatawa ko sa pagkikita niyo ni Hannah. May ugali kasi kayong magkaparehas ng batang yun?"

Hannah? Is that her name?
So magkakilala sila ng babaeng yun? How come?

"So, you know her?"

Nakataas ang mga kilay kong nagtanong sa kanya. Welk, kung magkakilala sila siguro dahil iisa sila ng church na pinupuntahan.

"You know her?!"

Pakikisali ni Andrew sa usapan namin. Basta talaga tungkol sa babae ang lakas ng pandinig nito ehh

"Andrew is always Andrew. F*ckboy!"

Komento ni Larence dito.

"Shh. No bad words!"

Pananaway ni Mae. Kung hindi ko kilala ang pagiging impokrita nito ni Mae baka napamura rin ako. Hahaha. Isa ring bait baitan ehh

"Oo, kachurchmate ko siya. She is Hannah Keeneth Reyes. 4th year, Education student"

So, siya pala yun. Pero bakit hindi ko siya makita dito sa campus, magkaparehas lang naman kami ng building?

"Yuuun. Close ba kayo? Ayain mo siya Lucas sa night out natin mamaya"

Excited na sabi ni Andrew. Minsan talaga hindi to nag iisip si Andrew ehh. Kristiyano nga yun di ba? Nagchurch, banal banalan! So sinong g*go ang papayag na ayain ang kachurchmate niya sa isang bar.

Tss. Walang brain

As expected hindi pumayag si Lucas na ayain sa bar mamaya si Hannah or even siya na sumama samin. And I saw the disappointment sa mukha ni Andrew

But I have this idea...

"Lucas.."

Tawag mo sa kanya bago tuluyang umalis. Nagpaalam na kasi siya dahil may cell group daw sila. Just like his old alibi

"May number ka ba niya?"

I ask him kasabay nito ang paglabas ng cp ko

"Wooooahh! Ano yan men the moves?!"

Pangaasar ni Andrew na nasa likuran ko. Inirapan ko lang siya at tinignan uli si Lucas. Naghihintay ng isasagot niya

"At bakit mo naman tinatanong?"

Naiiritang sabat rin ni Mae na naka cross arms pa. Tss. She's always acting girlfriend simula nung may mangyari samin kahit nilinaw ko namang wala lang yun.

Yup, may nangyari samin. Kaya naiirita ko pag nagpapabebe siya. Acting like she is still virgin. Psh.

Hindi ko siya pinansin at hinihintay ko lang ang magiging response ni Lucas

"Hmm. Pwede ko bang malaman kung bakit?"

Nag aalinlangang tanong niya. Oo nga pala, kilalang kilala niya ko

"You know, gusto ko lang magsorry. Hindi ko kasi siya makita dito sa campus ehh"

Mukhang nag iisip pa rin siya kung ibibigay niya o hindi kaya humirit pa ko

".. Don't worry mag sorry lang talaga ko and after that wala na."

I give him a sincere look na alam kong paniniwalaan niya

"Okay. I-message ko sayo ang number niya"

With that tumalikod na siya at muling naglakad palayo. At maya maya rin natanggap ko ang message niya.

I smile when an idea pop in my head.

Hannah Keeneth Reyes. Get ready.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Sickness And In HealthWhere stories live. Discover now