It's never too late to start something new, to do all those things that you've been longing to do." - Dallas Clayton
Late Night Thoughts
Hindi ko mapigilang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga ng mabuksan ko ang pinto ng bahay ko.
Isang madilim at tahimik na bahay na naman ang sumalubong sa akin. Ganito naman ang laging sumasalubong sa akin tuwing gabi, but I feel like tonight is different. Para bang ang bigat bigat sa dibdib ko ng katahimikan.
Again I let out a sigh.
I switch the light on and closed my door at dumiretso sa kwarto ko... another silence welcome me. Parang lalong bumigat ang pakiramdam ko ngunit binalewala ko lang.
Pinatong ko ang shoulder bag ko sa working table ko at lumapit sa aking closet. Huminga ako ng malamin bago kumuha ng pamalit. Maglilinis muna ako nang katawan bago magpahinga.
After taking a bath, I blow dry my hair. And while looking at myself in the mirror, hindi ko na naman mapigilan ang bumuntong hininga. Pakiramdam ko kasi talaga ang bigat bigat ng kalooban ko ngayon.
Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko tinamad na akong kumain ng hapunan. Matapos kong mapatuyo ang buhok ko ay nahiga na ako sa kama. I was looking at the ceiling thinking why do I suddenly feel so lonely, empty and sad all together right now.
Not any moment later, bigla nalang pumatak ang mga luha sa mata ko. Hindi ko maiwasang maalala yung masasayang Pamilya na kumakin kanina sa restaurant ko.
Nakaramdam kasi ako ng inggit habang pinag mamasdan ko sila kanina. Bigla kong naisip na sana meron na rin akong Pamilya ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot at maawa sa sarili ko.
I'm already 33 years old. Wala pa akong asawa, wala rin akong anak. Kahit nga boyfriend or ka-MU lang wala ako. Hindi naman ako panget, pero hindi rin naman sobrang ganda. Hindi rin ako payat or sobrang taba, kumbaga sa coke sakto lang naman ang itsura at katawan ko. Pero wala man lang nagkamaling, magka-gusto sa akin. I don't even know why.
Samantala nung kabataan ko marami ang nagkaka-gusto sa akin. Hindi ko nga lang sila ini-entertain dahil focus ako sa pag-aaral dahil parangarap ko talaga ang makatapos at makapagtayo ng sarili kong business.
The last time I had a boyfriend was 5 years ago.
What happened? He cheated on me samantala 1 year palang kami! He cheated on me saying na wala daw akong oras sa kanya dahil busy ako sa pagpapatakbo ng kakaumpisa ko palang na negosyo. Ang ulul nya no? Imbis sa suportahan ako, mas inuna pang lumandi!
Sa totoo lang ang lame ng excuse nya. Hindi nalang nya sinabing gago kasi sya kaya nang mangati sya ay nagpakamot sya sa Iba. O kaya naman, dapat sinabi nya nalang na hindi sya kuntento sa isa kaya naghanap ng isa pa!
I don't tolerate being cheated on, because I believe that every women deserve to be respected lalo na kung wala namang ginagawang mali o masama. Kaya ayun, nakipag break ako.
Malakas ang loob kong makipag break sa kanya dahil sa isip ko ay may mahahanap pa akong iba. Yung totoong magmanahal sa akin, susuportahan at maa-appriciate ako.
Ngunit ilang taon na ang lumipas, nakapag pundar na ako ng sarili kong, bahay at sasakyan. Naging successful na ang restaurant ko, nakaka-ipon na ako. Yes, I can say that I'm already successful on my own yet wala pa ring dumating. Single pa rin ako. Kaya naman ito ako ngayon, I feel so empty and alone.
Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko. Kung aanhin ko ang mga ito gayong mag-isa naman ako?
Ayaw kong mag-isa, dahil sino nalang ang nag-aagala sa akin? Pero nararamdaman kong doon na ang punta ko. Katulad ng chismisan ng mga kapitbahay ko. Nasa akin na nga daw lahat ng gusto ko, pero tatanda naman daw akong dalaga. Tatanda akong mag-isa.
Sympre ayaw ko ang ganoon, because that's just plain sad and lonely. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na ako sa punto ng buhay kong, nararamdaman ko nang ganun na nga ang mangyayari sa akin.
Hindi naman talaga ako ulilang lubos. I still have my sister, she's in Nueva Ecija, taga roon kasi ang napangasawa nya. Kaya naman bihira ko lang syang makasama. Halos twice a month o kaya naman pag may okasyon ko lang sila nakikita ng mga pamangkin ko.
Pero sympre, I want to have my own. Yung masasabi kong akin. Who doesn't want to have a family?
I'm desperate to have my own family. Yung tipong, kahit magka-anak na lang ako. Para at least may makakasama ako. Alam kong may nag-aalaga sa akin? Kaya naman minsan hindi ko maiwasang maisip, ano kaya kung magpunta ako ng bar at makipag one night stand? Kaya lang marami naman tanong na pumapasok sa isipan ko.
What if wala namang pumatol, sa akin kahit magpakita pa ako ng motibo since old maid na nga ako?
What if my HIV ang lalaking papatol sa akin, edi nagkasakit pa ako?
For the nth time napa buntong hininga ako. May pag-asa pa ba talaga ako? Sabi nila don't find love coz love will find you? Pero bakit ganun? Sobrang late naman na atang dumating ng akin?
Naging patient naman ako sa pag-hihintay. Pero ngayon nawawalan na talaga ako ng pag-asa na may darating pa.
Nakakatakot mang mag-isa, ngunit sa araw araw na ginawa ng Diyos, may ganitong araw na dumarating sa akin at nararamdaman kong hanggang dito nalang talaga ata ang buhay ko.
Siguro dapat na akong mag-alaga ng pusa o aso para at least may makaka-sama ako sa pagtanda ko. Siguro mapapawi nila kahit kaunti ng kalungkutan ko.
Pwede rin namang siguro, nag-ampon ako ng baby sa ampunan. Tama, siguro ganun nalang ang gagawin ko. Ngunit kailangan ko pa ring pag isipan ng mabuti. Marami kasing dapat ikonsidera.
Pero hindi ko talaga, maiwasang maawa sa sarili ko. Dahil sa kung ano-ano ang naiisip ko.
-----
*Edited 4/20/2018
BINABASA MO ANG
Not Too Late
General FictionAlways remember that its not to late to find love. Don't find Love coz love will find you. Start: 4/17/2018 End: