Naayos ko na ang mga gagamitin ko sa school.
"Nay. Aalis na po ako!" Sigaw ko kay nanay para marinig niya na nasa may bakod.
Tinigil muna niya ang kanyang paglalaba at pumunta na sa kwarto. "Hay! Bago ko makalimutan yung baon mo pala" balisa niyang sabi.
Kita ko naman marami pang mga bula ang nasa kanyang kamay pero di niya ito iniintindi.
Lumapit naman siya kaagad at ibibigay sa akin. Pero kaagad kong hinarangan ito gamit ang kamay ko "Nay. Wag na. Iligpit niyo na yan. Para nalang sa ulam natin niyan mamaya" sabi ko sa kanya.
"Anak. Tanggapin mo na. Marami ang nagpalaba sakin ngayon kaya okay lang. At saka paminsan minsan lang naman to eh" sabi niya at inilagay ito sa palad ko.
Kinuha ko naman ito at ilinagay naman ito sa kanyang palad. "Nay. Wag na. Hindi naman sakin mahalaga ang pera. Basta makapasok lang ako okay na yun" sabi ko naman sa kanya.
"Pero anak baka ka magutom!" Sabi ni Nanay.
Ang kulit niya talaga. Nagtalo pa talaga kami. At sa huli ako ang talo. Sinabi ko na sa kanya na hindi ko na kailangan yun dahil meron naman na akong allowance galing sa scholarship ko eh pero hindi parin. Ilalagay ko nalang to sa ipon ko. Hindi naman ako yung magastong tao.
Umalis na ako sa bahay dahil 6:25 na at baka malate pa ako kailangan kasing before 7:00 andoon na. Malayo layo rin yung school namin.
***
At sa wakas ay nakarating na ako.
Habang naglalakad ako sa may hallway, may narinig ako boses ng babae. Naggagaling ito sa likod ng isang silid. Sumilip ako. May tatlong babaeng pinagtutulungan ang isa. Yung dalawa ay hinahawakan ang magkabilaang braso at yung isa naman ay nanampal. Siya yung anak ng may-ari ng school na'to kay takot ang marami sa kanya.
"Ba't di ka lumaban? Lumaban ka. Ipakita mo ang kaya mong gawin" sabi ng lider nila. Yung babae naman ay nakayuko parin.
Shunga rin tong babaeng to eh. Paano yun makakalaban kung hinahawakan nila ang mga braso nito? The?
Napakamot nalang ako sa sentido ko sa aking naisip.
"Isusumbong ko kayo sa guidance!" Matapang na sabi nung babae.
Napatawa silang tatlo." You're kidding right?" Tumawa ulit.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"SLAP YOURSELVES!" bulong ko na nakalisik ang mata sa kanila.
Binitawan na nila yung babae at saka sinampal mga sarili nila.
"Serves you right" natatawa kong sabi. Yung babae naman ay nagtaka. Pero tumakbo na nalamang siya para makatakas.
"Hey! What's going on?"
"Array!"
"Shit. Anong nangyayari?"
Reklamo ng tatlo. Haha.
Oo nga pala yan ang kaya kong gawin. Di ko alam kung saan to galing dahil nalaman ko lang to kapag nagsasalita ako. Sikreto ko lang kaya shhhhh.