Prologue
"......kill them!" Sigaw ni Ram. No!Hindi ako papayag!
"Stop!" Sigaw ko. Mabilis kong hinarang ang aking katawan sa daraanan ni Trip. Pinatigas ko ang ekspresiyon ng aking mukha. I need to save the people around me, I have to.
"What are you doing Tori?" Kunot ang noong tanong sa akin ni Ram. Ang lider ng grupong kinabibilangan ko. Ang Valiant.
"Stopping you." Matigas na sagot ko. Hindi ko inakalang darating kami sa puntong ito. Ang pumatay kami ng mga inosenteng tao. Sumumpa akong maglilingkod sa bayan namin. Pero wala sa sinumpaan ko ang ganito.
"Bakit?" Nakaigting ang mga pangang tanong sa akin ni Ram.
"Dahil hindi ito ang sinumpaan ko! Ram hindi ito ang gusto natin! Kailangan--." Natigil ako sa pagsasalita. Nanlalaking mga matang tumitig ako kay Ram. Unti-unting tumulo ang aking mga luha. He did it.
He can kill innocents.
"Ram, this is not you. Hindi ikaw ang Ram na mahal ko. Please stop these nonsense!" Sigaw ko sa kaniya pero isang nakakatakot na ngisi ang ibinigay niya sa akin.
"You have to kill me first."
Parang nandilim ang paningin ko nang muli akong makarinig ng pagdaing.
"Papatayin ko kayong lahat!" Galit na sigaw ko. Mabilis akong gumalaw. Lahat ng mga Valiant na malapit sa akin ay unti-unting nauubos. Hanggang sa si Ram na lamang ang natira. Susugod na sana ako palapit sa kaniya. Pero isang nakakangilong sakit ang gumuhit sa aking likuran.
"You can't stop me." Nakangising sabi ni Ram bago ako panawan ng ulirat.
-------------------------
Darkness, dumbness, stillness. Where am I?
Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang katahimikan. I tried to move my hands, pero nakatali ang mga iyon. Maging ang aking mga paa ay nakagapos.
"I can't breathe." Pilit kong inilabas ang mga salitang iyon sa aking bibig. I think I'm going to die in this room.
"You can't? Or you just don't want to breathe?" A voice suddenly appeared. "Or maybe something's stopping you."
"I need to get out. I need to escape." Unti-unting tumulo ang aking mga luha.
They need me. Those innocents people, they need help!
"Kung gusto mo silang matulungan, kailangan mong makawala sa gapos na ang sarili mo mismo ang may kagagawan." dagdag pa ng boses na nagmumula sa kadilimang pumapalibot sa akin.
"What do you mean?" Pagalit kong tanong. Nalilito ako sa sinasabi niya. Bakit ko igagapos ang sarili ko? Bakit ko pahihirapan ang sarili kung sa labas ay daan-daang tao ang nangangailangan ng tulong?!
I tried my best para makawala sa tali sa aking mga kamay. Nakahinga ako ng maluwag nang matanggal ko ang mga tali sa aking mga kamay at paa.
"Hurry up, Tori. Ayaw mo naman sigurong malunod sa kailaliman ng dilim." Sabi ng tinig bago malakas na humalakhak.
"It's locked!" Sigaw ko nang hindi ko mabuksan ang bintana at pinto. Lumayo ako para makakuha nang buwelo. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang bumukas iyon.
Kaagad akong lumabas.
"Hi." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ram na halos naliligo na sa kaniyang dugo.
What happened?
Mabilis akong tumakbo palabas ng building. Nagimbal ako sa aking nakita sa labas. They are all dead.
I'm late.
Hindi ko na sila maitatakas.
"You killed them?" Malamig na tanong ko.
"No." He answered.
Hindi?! Pero bakit wala na silang buhay?
"Tori, wake up." I heard a whisper.
Bigla akong nahilo. Parang may humihila sa akin pababa hanggang sa mawalan ako ng malay.
----------------------
"Babe are you okay?!" Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay ni Ram sa aking balikat. We're still wearing our Valiant's uniforms. Inilibot ko ang aking paningin. They're still here, alive.
"Babe, you're having phantasms again."