• Chapter 2: Coffee •

29 16 0
                                    


Dustine Ambrosio

"So, tell me how he looks like, Dust!"

Kumunot ang noo ko at tsaka tiningnan si Ayanna. Nakadapa siya sa kama habang nakapatong ang mukha niya sa mga kamay niya at nakatingin sa akin at nakangisi na para bang nae-excite na siyang malaman ang ikukwento ko.

"He looks like a human," I replied and shrugged. Naglakad ako papunta sa kusina at doon nadatnan si Beatrice na nagpiprito ng fried chicken. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ako. Ngumiti siya at umiling-iling.

"Dustine Katerina Ambrosio, sagutin mo ako ng maayos! Huwag kang pilosopo!" Rinig kong sigaw ni Aya mula sa living room ng penthouse ko. Lumingon ako sa likod at tsaka sumigaw.

"I don't care, Aya!"

Binalik ko ang tingin ko kay Bea na nilalagay na ang mga fried chicken sa isang malaking bowl. Nakita kong umiling-iling siya habang nakangisi. Dumiretso siya sa lababo at naghugas ng mga kamay habang nakatingin sa akin.

"Ano namang nangyari kay Ayanna this time?"

Nagkibit-balikat ako at tsaka kumuha ng baso at nagtungo sa fridge at nagsalin ng tubig sa baso. Uminom ako doon ng isang lagukan nang bigla ko na lang marinig ang boses ni Aya sa likod.

"You know what, Dustine... Nahahawa ka na sa pagiging pilosopo dito kay Bea." Nilapag ko ang baso sa kitchen counter at tsaka sabay namin siyang nilingon ni Bea.

"I'm not being pilosopo. I'm just answering the truth," I shrugged and helped Bea on preparing the plates. Nilapag ko iyon sa lamesa na nasa may gilid at gitnang bahagi ng kusina. Nasa may gitna naman ang kitchen counter.

"Ano bang nangyari?" Tipid na tanong ni Bea at nilapag ang isang bowl na may lamang chicken curry. Wow, this looks yummy. Mukhang si Bea ang nagluto since siya lang naman ang marunong magluto sa aming tatlo. Well, Aya can cook too but she fails sometimes.

"She asked me how my leading man looks like, and I answered her that he looks like a human. Totoo naman diba? Do you agree with me, Bea?" I explained and get some utensils.

"What the eff– nice one, Dustine!" Bea bursts laughing hard as she put down the plate with rice on the middle of the table. Sumulyap ako kay Aya at nakitang nakabusangot na ang mukha niya.

"Are you two laughing at me?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa aming dalawang tumatawa ng malakas habang siya ay nakapameywang na at nakataas ang isang kilay.

"You're such a dumb girl, Ayanna. Itatanong mo pa kung anong hitsura ng leading man ni Dustine, malamang mukhang tao iyon. Tss," iiling-iling na wika ni Bea at tsaka naupo sa isang upuan sa kanang gilid ng lamesa.

"I know right. Isip muna bago magtanong, Aya." Nakangising sambit ko sa kaniya at tsaka naupo na sa isang upuan na nasa kaliwa ni Bea. Umirap naman si Aya at tsaka padabog na umupo sa upuang tapat ko at kanang side naman ni Bea.

We started to eat our lunch. Tahimik lang kaming kumakain nang biglang magsalita si Aya.

"So Dustine, for the second time, I am asking you... Is he handsome or not? Is he hot or not?" Tanong niya na parang atat na atat sa sagot ko.

"Well, I admit, he is handsome. I don't know if he looks hot or not," sagot ko naman.

"Oh god, you're so lucky! May kissing scenes ba sa movie?" Kinikilig niyang tanong at tsaka tumili pa. Sinamaan naman siya ng tingin ni Bea.

"Don't scream in front of the food, Aya." Suway ni Bea na hindi naman pinansin ni Aya. Diretso ang tingin niya sa akin.

"Sooooo?"

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now