E N C O U N T E R

1.1K 7 0
                                    

S H A R I N A

Kitang kita ko ang matataas na gusali mula sa sinasakyan kong bus.

Habang pinag deday-dreaman ko ang buhay dito sa maynila.Kinalabit ako ng katabi ko.

Pagkaharap ko sinabayan nito ng pagtutok nya ng kutsilyo sa aking leeg hinatak patayo.

"Holdap to!Lahat ng pera nyo ibigay nyo samen."Kasabay ng pagsabi nya nun ay ang pagtayo ng mga kapwa nya holdaper at nagsimula na umikot sa mga pasahero.

"Kuya maawa na po kayo saken..." Mangiyak- ngiyak kong bulong sa kanya.

"Sorry miss pero kami naman ang mamamatay kung wala kaming maibabayad sa kinauutangan namen"Sagot nya.Atsaka may nagbigay sa kanya ng senyas na tapos na.

"Ihinto nyo sa tabi!"Sigaw nya sa driver.

At pagkababa naman namen ay may van na itim ang nakaabang.Isinakay nila ako dun.

"Pare bat sinama mo pa yan?!" Tanong nung isang manong sa nagtutok saken ng kutsilyo.

"Tanga ka ba?!Dagdag bayad din yan balita ko mahilig din sa babae yung pinagkakautangan ni boss" Ako?Ipambabayad sa utang?

"Kuya pakawalan nyo na po ako." Pagmamakaawa ko.

"Tumahimik ka nalang hija at di ka namen sasaktan." Sa tingin ko napilitan lang tong mga ito magnakaw dahil sa boss kuno nila.

"Kuya parang awa nyo na po...Ako na lang po ang inaasahan ng pamilya ko"Umiiyak na sambit ko.

"Sorry hija pero kami din ang inaasahan ng pamilya namen" Mas lalo akong naiiyak dahil sa alam ko na napilitan lamang sila.

"Nandito na tayo!Ibaba nyo na yan at padating na daw ang kinauutang ni boss!" Sigaw nung driver at lumabas na kami.Nasa isang building kami na luma na.

"Miss pakisuot na lang to!Dun ka magbihis"Nag-abot sya ng plastic at itinuro ang banyo.

Naiiyak talaga ako na ang babait lang ng Nang-kidnap saken.Alam nyo kung baket?Ikaw ba naman hindi itali at mukhang alam nila na hindi talaga ako tatakas.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at baket ganito ang damit ko?!

Sobrang ikli na above the knee at kita na ang gitnaan ng aking dibdib.Itim ito at pinagsuot pa ako ng stilleto na Kulay itim rin.

Pagkalabas ko nakita kong umiiyak halos lahat sila.

Baket?

"Pare naalala ko sa kanya si cheska..."Sabi nung lalaking nagtutok saken ng kutsilyo.

"Tahan na pre!Gagaling din sya."Pagpapatahan ng isa pang lalake.

"Hija tara na dito maupo ka na dito.Wag kang matakot di ka naman namen sasaktan" Tinuro nya pa ang upuan.

"Kuya ano pong gagawin nyo?!" Gulat na sabi ko dahil tatakpan nya ang mga mata ko.

"Tiwala ka lang." At pinabayaan ko na sila sa gagawin nila.

"Ayusin nyo na lahat ng kailangan nandyan na sya!" Sigaw ng pinakaboss yata nila yun.

"Magandang ga-"

"Nasan na ang bayad nyo?!" Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa sigaw ng walang emosyon na boses ng lalake.

"Nandun po.." Takot na takot na sambit ng boss nila.

Rinig ko ang malalim na paghinga namen dito sa loob.Lahat kame ay takot ang nadarama.

Naririnig ko rin ang yapak ng napakabigat na sapatos na palapit saken.

"Ito ba yun?" Mahinahon na tanong nya.

"Opo." Agad na sagot nila.

Nakadama ako ng haplos sa aking pisngi dahil nakatakip at nakagapos ako sa upuan ay di ko alam ang aking gagawin.

Bumababa ang haplos nya sa bandang leeg ko at pababa sa aking braso at sa aking hita.

Di ako makagalaw at nanginginig ako sa aking kinauupuan.

"Get her!" Sabi nya at agad kong nadama na tinatanggal nila akong sa pagkakagapos.

"Close our deal and this somethings is all yours" Sambit ng lalaki sa boss nila manong.

At naramdaman ko na ipinasok ako sa isang kotse.Still nakatakip pa din ang mata ko.

Pero bago pa yun ay may bumulong saken.

"Patawad at salamat" sambit ng boses ng lalaking nagtutok saken ng kutsilyo.

Sasagot pa sana ako ng narinig kong bumukas ang pinto at padabog na sinarado ito.

Ilang minuto pa ay may nakatitig sa mukha ko.At marahas na tinanggal ang takip sa mata ko.

OMOOO!ANGEL FROM HEAVEN!ADONIS IS THAT YOU?

First reaction ko?NGANGA

"I'm so handsome so can you please close your mouth?" Sabi nya.

Agad naman akong Gumalaw at tumingin sa labas.

Pero wait!yung cellphone ko kailangan kong tawagan si ate dhenise.Kaso lang na kay manong holdaper pala.

"Ah kuya pwede po bang pahiram ng cellphone makikitawag lang po..."

"Ayoko" Walang emosyon na sabi nya.

"Pero kailangan ko lang o di kaya pakihatid na lang po ako sa bahay ni ate dhenise.Ito po yung address." Sabi ko sabay abot ng papel na nakasulat ang address ni ate.

"I don't need that shit!" Sabay lukot sa papel.

"Kuya saan mo po ako dadalhin?" Umiiyak na sabi ko.

"Dont call me kuya!At dadalhin kita sa langit" Naglipbite pa sya.

Langit?As in heaven?Gago ba to?!Di ako tanga at inosente para di yun malaman kahit probinsyana ako.

Agad ko syang sinampal.

"Ouch!Ano bang problema mo?!"sigaw nya saken.

"Hoy!Mister!kahit probinsyana ako alam Ko ang sinasabi mo!"

"What?Ahh!yung langit ba?"Nagwink pa sya then killer smile.

May inispray sya sa aircon ng kotse nya then nakaramdam ako ng hilo.Then black out...

***
Next chapter let's start!

@ⓧⓘⓧⓧⓔⓧⓧ✨

Being With You [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon