"Trix!" tinanggal ko ang isang piraso ng earphones na nakasabit sa aking kaliwang tenga sabay lingon sa kung sino ang tumawag sa akin.
Nakita ko ang aking dalawang matalik na kaibigan na tumatakbo patungo sa akin.
"Ano ba 'yan Trix! Kanina ka pa namin tinatawag ah. Bingi ka ba?" pagalit na tanong sa akin ni Rhea habang hinihingal.
"Rhea, tanga ka ba? Kita mo namang naka-earphones siya oh." sabi ni Bridget habang inirapan si Rhea.
Nagkibit balikat na lang ako sa dawala kong kaibigan. Ewan ko ba kung bakit ko sila naging kaibigan eh ang aga-aga ang iingay nila. Ayaw ko pa naman sa maiingay.
"Oh well, change topic. Narinig niyo 'yung balita? Pupunta daw dito sa ating school ang oh-so-hot-drop-dead-gorgeous na si Tyron Calyx Martinez?" kinikilig na sabi ni Rhea habang pinapaypay ang sarili na para bang mainit dito sa hallway naming de-aircon.
"OMG! OMG! You mean THE Tyron Calyx Martinez?" tanong pabalik ni Bridget kay Rhea sabay kuwit sa hangin para bigyan ito ng diin.
"Yes! Yes!" mabilis na tango ni Rhea. Hindi kaya maalog utak niya?
Nagkatinginan silang dalawa at nagkayakapan sabay tili.
Tinitignan ko lang sila sabay iling.
Hay nako basta lalaki talaga, magkakaintindihan talaga 'tong dawalang 'to. Diba nila alam na tinitignan na sila ng mga tao dito? Para silang mga baliw. Nakakahiya sila.
Narinig kong tumunog na ang school bell.
"Magtitilian na lang ba kayo diyan o pupunta na tayo sa classroom natin?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ito naman, ang init-init ng ulo." natatawang sabi ni Rhea.
Habang naglalakad kami patungo sa class room, nagsalita si Bridget.
"Tara na nga guys!" sabay hawak sa aming mga braso.
Nang nakapasok na kami sa class room, umupo agad kami sa aming upuan. Nasa likuran ang mga upuan naming at magkatabi kami. Nasa tapat ng bintana si Rhea, nasa gitna si Bridget at ako naman ang nasa tabi ni Bridget.
Nagkwentuhan kami muna at habang nagkwentuhan, pumasok na ang aming prof at sinimulan na ang klase. Nilabas ko ang notebook ko at nagsimulang magsulat sa mga importanteng nabanggit ng aming prof.
Habang nagtuturo ang aming prof, narinig naming ang padabog na pagbukas ng pinto. Agad kaming napatingin kung sino ito.
Pumasok ang isang babaeng nakasuot na puro itim. Itim na leather jacket, itim na tight jeans at itim na heels. Para siyang rock star. Maputi, pula ang labi, umaalon ang kanyang buhok at may kulay na asul sa kanyang mga mata.
Grabe, ang ganda niya.
Tumingin ang prof sa kanya, "Ms. Katana Roswell, why are you late?"
Tumaas ang isang gilid ng kanyang labi, "It's none of your business. It's better to be late than never."
Umirap nalang ang prof sa kanya at nagpatuloy nalang sa pagtuturo na parang walang nangyari. Inikot ang kanyang paningin sa class room para maghanap ng kanyang pwesto. Tumingin siya sa akin at tinaas ang kanyang kilay. Parang nagtataray. Lumakad siya patungo sa akin at umupo sa upuan sa aking tabi.
Nagulat ko at wala akong masabi sa nangyari.
Hindi ako makapaniwala. Si Katana Roswell, ang Queen Bee ng school na ito, nakaupo sa tabi ko?
"What?" tanong niya nang napansin niyang nakatitig pa rin ako sa kanya. "Stop staring at me. I know I'm pretty and all, but please, it's rude."
Inirapan ko na lang siya. Kala niya siya lang marunong. Marunong din ako no.