Alexa's POV,
June 2012,
Isang buwan na ang nakakaraan mula ng magsimula ang klase,i'm on my last year in highschool. Tahimik at payapa ang araw-araw na pagpasok ko since my first year. Masaya, di ako nakaranas na mabully,some of them admires me pa nga instead of bullying me. Friendly naman kasi ako, very approachable. Never ako nakipag-away, pero minsan hindi talaga mawawalan ng mangilan-ngilang haters lalo na kung may humahanga sayo. Hindi naman ako kagandahan, pero sapat na rin yon para may ilang humanga sa'kin, hindi rin ako katalinuhan, maraming matatalino sa school na diko kayang tapatan, pero syempre ginagawa ko naman ang best ko sa school, hindi ako nagpapabaya. Hilig ko din ang pagkanta,well i must say that singing is one of my best asset. *wink* . yun lang ang talent ko hehe,
Maraming lumalapit sakin para makipagkaibigan,at syempre tinatanggap ko, sino ba naman ako para tumanggi diba? Pero sa lahat ng mga nakikipagkaibigan sakin isa lang ang lagi kong kasama, siya si Aika.
Aika Brilliantes, she is my childhood friend. Her mom and my mom we're bestfriends too. Kaya naging ganun din kami ni Aika. Si Aika ay yung tipo ng kaibigan na hindi boring kasama, napakadaldal niya maingay,matakaw,makulit,OA,masayahin. She's actually my clown 😁
Okay naman ang lahat, hindi naging mahirap ang nakalipas na tatlong taon ko sa highschool,until this year comes....
Nang magsimula ang klase ay marami pa ding bagong studyante,nagkaro'n kami ng mga bagong kaklase. Okay naman sila,madaling pakisamahan,except the other one.
Everything was perfect, until he came....
Flashback two weeks ago.
Naglalakad kami ni Aika sa hallway papuntang canteen ng biglang may umakbay sakin.. Tinulak ko agad ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko pero ibinalik lang niya agad ito ng mas mahigpit pa ang pagkakahawak sa balikat ko. Napatigil kami sa paglalakad,maging si Aika ay nagulat rin kasi nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa kung sino mang lalaking nakaakbay sakin ngayon....
" Ano ba??! Bitiwan mo nga ako! Asik ko pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa balikat ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngumiti lamang ito ng pagkakaganda-ganda,tss,siraulo to ah!
Sa pagkakatitig ko sa kanya ay nakilala ko siya. Siya ang isa sa mga bagong transfer dito sa Monterell High School. Howell Matthew Velandres, matangkad siya, matalino ,maputi ,basta gwapo siya. Nung first week niya sa school ay tahimik lang siya,pero nitong mga sumunod na araw ay lumalabas ang pagkamaingay niya,may mga barkada na agad siya dito. At marami na agad ang tagahanga niya rito. Isa na don si Aika, si Aika na kulang na lang ay maglaway sa kakatitig kay Matthew,tch' kaya naman pala nanlalaki ang mga mata kanina.
"Ano bang problema mo ha? Close ba tayo?! Iritang tanong ko. Tumitig naman siya sakin.
" Pwede bang makisakay ka na lang please? Kahit hanggang canteen lang...tsaka pwede bang sayo nako sumabay maglunch?
" Hanep!! Minanyak mo na nga ako sasabay kapa sa'kin maglunch! Abuso ka ah! Sigaw ko sa kanya,pero lalo akong nainis ng mag-iwas siya ng paningin at saka tumingin sa ibang direksyon,itutulak ko na sana siya pero nagulat ng bigla siyang humarap ulit sa akin at .........

BINABASA MO ANG
Still You (On Going)
Teen FictionTrue love isn't easy but it must be fought for, Because once you find it, it can never be replaced. ❤❤❤ #a/n: enjoy reading !!