A Taste of Summer

133 16 3
                                    

This is work of fiction. Names, characters, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-

Rain Timothy Javier

It's Sunday morning... Nothing to do kaya naman napilitan akong makisama sa mga kapatid ko na mag-basketball.

Tatlo kaming magkakapatid, puro lalaki. Bunso ako.

Walang maisipang gawin ang mga ugok 'kong kapatid kaya kahit tag-init ay naisipang mag-basketball. Pare-parehas lang naman kaming tatlo na mahilig sa basketball. Maliban sa pangarap naming tatlo yun, pangarap din para saamin ng papa namin yun na matagal nang punanaw.

When we're still young, he teached us on how to play basketball. Hinding-hindi ko makakalimutan ang payo niya saamin noon na "Sa basketball bola lang dapat ang pagpapasahan pero kapag babae, ibang usapan na yon." Hindi namin alam kung bakit niya iyon nasabi saamin, pero alam ko may dahilan ang lahat.

Huminto si Sky sa pagtakbo at inilagay ang dalawang kamay sa kaniyang balakang na animo'y napagod na. "Break muna. Hinihingal ako. " sabi niya at nagpahinga sa upuan dito sa gilid ng covered court.

Kumukos-kos at nage-echo ang aming mga sapatos sa bawat paglakad. Walang katao-tao. Sobrang init. Naliligo na kami sa sariling pawis. May sakit si Sky sa puso at bawal mapagod ng sobra.

Naupo ako sa mga upuan sa gilid ng covered court at uminom ng tubig nang tumingin saakin si Cloud, ang panganay saamin.

"Ano Rain? Sasama ka ba bukas sa Batangas?" Tanong niya saakin at naibuhos ko nalang bigla ang iniinom 'kong tubig.

Alam naman kasi nilang hindi ako mahilig mag-gala pero pilit sila ng pilit na sumama ako sa outing nila sa Bantangas. May mga kasamang kaibigan ang dalawa kaya panigurado na out of place lang ako.

Pero kung nasa bahay lang ako, wala naman akong gagawin. At saka sayang, libre na din. Sige!

Tumango lang ako bilang tipid na sagot, "Mga brad, kasama pala yung girfriend ko ah?" Singit naman ni Sky saamin. Walang sumagot saamin ni Cloud kaya nagsalita pa ulit siya. "Uhm. Cloud, kamusta yung nililigawan mo?" Tanong ni Sky kay Cloud.

"Ayun, nililigawan ko pa rin," walang ganang sagot ni Cloud.

Napatingin nalang saakin si Sky, alam ko na itatanong nito kaya naman tumayo ako para maglakad nang bigla akong may nabunggo. May multo?!

A Taste Of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon