Mahal Kita pare
Si Kristen at jose ay bata palang ay magkaibigan na. Lagi silang magkakasama sa lahat ng bagay. Hindi sila halos mapaghiwalay dahil sa tibay nang kanilang samahan. Magkapit-bahay sila at sampung lakad lamang ang pagitan ng kanilang mga bahay. Magkaibigan na ang mga nanay nila kaya ganuon na lamang ka close sila Kristen at jose. Kung ano man ang nais nang isa ay gusto narin nang isa. Si Kristen ang laging nangunguna sa kalokohan, at si jose naman ay sumusunod na lamang dahil ayaw nitong iwanan ang kanyang kaibigan.
"Jose! Halika ka ! Umakyat tayo ng puno ng mangga kila aling juna. Masasarap ang mangga nila at malalaki pa." Pagyaya ni Kristen sa kaibigan niyang si jose.
"Kristen, diba pinagbabawal na tayong manguha pa nang mga bunga ng mangga kina aling juna dahil nagnanakaw tayo?" Wika ni jose kay Kristen
"Hindi yan ! Akong bahala sayo. Hindi tayo mahuhuli." Pagpupumilit ni Kristen sa kaibigan.
Sa hindi na mapipigilan ni jose si Kristen ay sumama na rin ito. Ayaw sana ni jose dahil pangalawang beses na silang nahuli ay wala na siyang magagawa pa dahil ayaw niyang pabayaan ang kanyang kaibigan.
Sa kalagitnaan na nang pangunguha nila ng bunga ng mga mangga ay may boses silang narinig mula sa baba.
"Hoy! mga bata kayo !, umakyat na naman kayo ! Nagnanakaw na naman kayo ng bunga ng mangga ko? Bumaba kayo jan ! Malilintikan kayo sa akin !" sigaw ni aling juna nang makita niya ang dalawang magkaibigan na nangunguha ng kanyang mangga
Nang marinig iyon ng dalawa ay dali-dali itong bumaba at Kumaripas agad ng takbo. Nang makalayo na sila sa bahay ni Aling juna ay sabay silang nagtawanan sa nangyari.
"Ha! ha! Napakabilis mo talaga tumakbo Jus!" hingal na sabi ni jose sa kaibigan.
"Ha! ha! Ganyan talaga para hindi tayo paluin ng tsenelas niya." Bulalas ni Kristen
"Ha! Ha! Maaring ikaw ang mabilis tumakbo sa ating dalawa pero ako naman ang mas gwapo" sabay tawa pa ni jose
"Anong ikaw ?, ako kaya, wala ka pa nga sa kalahati sa kagwapuhan ko!" Pagyayabang ni Kristene sa kaibigan. Tumawa lamang sila at naglakad na pauwi sa kani-kanilang bahay.
Tapos na ng elementarya ang magkaibigan at papasok na sila ng high school. Excited ang dalawa dahil may bago na naman silang makilala. Bagong kaibigan,paaralan,at mga guro. Ngunit sa damdamin ni jose ay may kaba itong naramdaman dahil baka may makikilala si Kristene na mas higit pa sa kanya at ipagpapalit siya nito. Pero malaki ang tiwala niya sa kaibigan niyang si Kristen na hindi siya agad mapapalitan dahil mula pagkabata ay silang dalawa na ang magkasangga.
Nagpatuloy lamang ang Panahon ay Magkasama parin ang magkaibigan sa lahat ng bagay. Masaya si jose dahil kahit marami nang kaibigan si Kristen na babae ay siya parin ang binibigyan ng importansya.Masipag sa pag-aaral si jose samantalang si Kristen naman ay kabaliktaran ni Dave. Tamad mag-aral si Kristene at kung may Takdang Aralin man sila ay si jose lagi ang pinapagawa niya. Walang magawa ang kaibigan niya kundi gawan din ito ng Assignment. Mas takot si jose na bumagsak si Kristen kaya lahat ng ipapagawa ng kanilang guro ay siya na ang magkukusang gumawa.
"Kristen,ito na ang assignment mo. Ginawan na kita kasi alam ko na hindi ka gagawa." Bungad niya sa kaibigan niyang si Kristene nang makita niya iyon sa labas ng pinto ng kanilang room. Hindi sila magkasabay pumasok dahil inutusan pa si jose na bumili ng suka ng mama niya kanina. Kaya Pinauna niya na lang si Kristen para hindi ito mahuli sa klase.
"Wow! ,salamat par!" Wika ni Kristen sa kaibigan.
"Anong par?" Tanong nito kay Kristen.
"Pare !, haha ! Mula ngayon yan na ang tawagan natin ha jose?, par!" Tumango na lamang si jose bilang pag sang-ayon sa nais ng kaibigan niyang si Kristene
Dahil sa sobrang malapit si Kristen at jose sa isa't isa ay napapansin na rin sila ng ibang kamag aral nila.
"Wow naman Kristen!, ang swerte mo naman kay jose. Alagang-alaga !" Panunukso ng kamag-aral nila ni jose at Kristen.
Lumapit si Kristen kay jose at inakbayan ito at nagsalita.
"Haha! Alam ko na maswerte talaga ako kay jose, kasi hindi niya ako pinapabayaan. Kaya nga mahal ko yan eh." Wika ni Kristen na siyang dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ni jose. Pinagpawisan si
Jose matapos iyon marinig sa kaibigan niya. Hindi mapaliwanag ni jose kung bakit ganuon ang naging damdamin niya nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan niya na si Kristen
"Aminin n'yo nga sa akin,kayo na ba?" Malakas na pagkasabi ni Rhona.
Maya-maya ay napatawa nalang ng malakas si Kristen sa narinig niya mula sa kamag-aral niyang si Rhona.
"Ha! ha! ha!, alam mo rhona, sa lahat ng joke na narinig ko, iyon ang panalo."Natatawang sagot Kristen kay Rhona.
"Hindi!, seryoso, kayo na ba talaga kasi ang sweet ninyo kaya." Dagdag pa ni Rhona.Sasagot na sana si jose nang biglang nagsalita si Kristen.
"Hindi kami unggoy ! Magkaibigan lang kami ni jose, hindi kami talo no ! Diba pare ?" Tanong ni Kristen kay jose na natulala sa kanyang narinig mula sa kaibigan niya.
"Ah- ha?, oo!, tama si Kristen. Hindi kami talo ! ,kaya pwede ba Rhona wag ka nang gumawa pa ng isyu!" Nang sabihin na iyon ni jose ay umalis na si Rhona.
Sa kalooban ni jose ay para siyang sinaksak ng punyal sa narinig niya mula kay Kristen. Alam niya na hindi tama ang naramdaman niya na mahalin niya ang kaibigan niya,na mahalin niya ang pare niya. Alam niya sa sarili niya na mali,pero wala na siyang magagawa pa kundi pilitin niyang kalimutan ang damdamin niya sa kaibigan niya.
Matapos ang Kumprontasyong iyon ay pinigilan na ni jose ang damdamin niya para kay Kristene. Dahil alam niya na siya lamang ang masasaktan kapag pinagpatuloy pa niya iyon.
Pero kahit anong pigil ni jose ay Hindi nito magawa. Mas lalo na ngayon na may natitipohan na si Kristen na isa sa kamag-aral nila. Sinabi ni Kristene na may crush siya at gusto nito na maging sila. Sobrang nasaktan si jose nang marinig iyon pero wala na siyang magagawa doon dahil kaibigan lang siya ni Kristene. Nakikita ni jose kung paano naging masaya si Kristen kapag nakausap na niya ang crush niya. Habang masayang-masaya ang nararamdaman ni Kristen ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ni jose.Parang tinutusok-tusok ng mga karayom ang puso nito habang nakikita niya ang kaibigan niya na masayang nakikipag-usap sa crush niya.
"Pare, sana maging kami ng crush ko, he! He!" Sabi ni Kristen habang kinikilig. Ngumiti siya sa kaibigan niya ay nagsalita.
"Mahal mo na ba siya Pare?," tanong ni jose habang ngumiti ng pilit dahil ayaw niya na mapansin ang kalongkotan na naramdaman niya sa kanyang kalooban.
"Oo,mahal ko na yata." Sa narinig ni Dave ay parang sumabog ang kanyang puso sa sobrang sakit. Sa hindi niya makayanan ay ngumiti lang ito ay umalis. Sinabi niya na may gagawin pa siya para makaiwas lang sa sakit na kanyang nararamdaman. Habang paalis na siya ay may naramdaman siyang may kung anong pumatak na tubig sa kanyang pisngi. Hindi niya namalayan na umiiyak pala siya habang naglalakad. Inisip niya sa mga sandaling iyon na sana panaginip lamang ang lahat.
"Kristen ,pare!, ako na lang sana ang mahalin mo. Sana ako na lang." Wika niya sa kanyang isip habang naglalakad siya palayo sa lugar na gusto niyang layuan.
Nang sumapit na ang sabado ay nagyaya ang mga kamag-aral nila na mag punta sa dagat. Nagpa-plano sila na mag night swimming para kahit papaano ay mababawasan ang strees nila sa pag-aaral.
Mag a-alas otso na ng gabi na nagsimula na silang kumain at pagkatapos ay nag iinuman na sila. May dala silang alak para mas maeenjoy pa nila ang gabi.
Katabi ni jose si Kristene, at katabi naman ni Kristen ang Crush niya. Nag-uusap ng matatamis na salita si Kristene at yung Crush niya kaya napa walk out nalang jose dahil ayaw niyang masaktan sa gabing ito.
Nagpunta si jose sa dalampasigan at namumulot ng bato at itinitapon sa dagat.Nagpunta siya sa Doon sa gilid ng dagat para doon niya ibuhos ang kanyang sama ng loob.
Maya-maya ay sinundan siya ni Kristen at kinausap.
"Pare, okay ka lang ? , para kasing may problema ka." Mahinahon na sabi ni Kristen sa kaibigan. Sumingit sa utak ni jose na magtapat na sa kanyang naramdaman dahil hindi na niya kaya ang sakit.
"Kristen,pare!, alam ko na hindi tayo talo. Alam ko na hindi pwede p-pero mahal kita. Pinigilan ko, kasi alam ko na hindi tama,pero jus, hindi ko kaya !. Hindi ko nagawa pang pigilan pa. Mas lumala pa, minahal na kita." Nagulat si Kristen sa kanyang narinig. Natulala siya sa inamin ng kanyang kaibigan.
"Jose..."
"Im sorry Kristen, pero minahal na kita. Pero alam ko naman na hindi pwede maging tayo." Umiiyak si jose habang nagtapat sa kanyang naramdaman. Paalis na sana si jose nang marinig niya na nagsalita si Kristen.
"Jose, may sasabihin ako." Napatigil si jose at humarap kay Kristen
"Mga bata pa lang tayo nanjan kana sa tabi ko. Lagi mo akong binabantayan. Sa lahat ng nagawa kong kalokohan ay hindi mo ako iniwan. At dahil doon nagpapasalamat ako. Jose alam mo ba sa lahat ng iyon na ginawa mo ay napamahal na ako sayo . Oo jose mahal kita, mahal din kita !" Nagulat si jose ng marinig iyon mula kay Kristen.
"Kristen mahal mo rin ako ?" Pagtatakang tanong ni Dave sa kaibigan.
"Oo jose. Kahit ang torpe mo. Ikaw ang dahilan kung bakit sa pagkikita natin nagpapaganda ako. Kasi gusto kong humanga ka sa taglay kong kagandahan. Para mahulog ka sa akin. Para mahalin mo rin ako. Kasi ayoko na ako lang ang nagmamahal. Salamat Dave kasi umamin ka." Natawa si Dave sa pag-amin ni Kristen sa kanya.
"So may plano ka palang i beauty trap ako ? He! He ! Congrats dahil nahuli mo ako." Lumapit si jose kay Kristen hinawakan ang pisngi nito.
"Kristen, masaya ako dahil mahal mo rin ako. Salamat dahil ikaw ang Babaeng kaibigan ko na alam ko na hindi ako pababayaan. Salamat kahit mas gwapo pa yung crush mo sakin ako parin ang mahal mo. Mahal na mahal kita." Ngumiti si Kristene at tumingin sa mga mata ni jose at nagsalita.
"Ikaw lang talaga ang mahal ko, yung crush ko na si ivan ? Trip lang namin yon para pagselosan ka. Alam kasi ni Ryan na gusto mo ako kaya nagplano siya na pagselosan ka. At oo, alam ko na dati na mahal mo na ako. Halata ka kaya, tsaka hello, ako kaibigan mo mula pagkabata kaya kilala na kita." Mga pag-amin ni Justine sa kaibigan niyang si Dave na gulat na gulat sa narinig.
"So... Palabas n'yo lamang iyon ni ivan?" Nalilitong tanong nito kay Kristen.
"Yes jose. Sorry, he! He! I love you," humalik sa pisngi si Kristene Sabay takbo.
"Kristen Villanueva cruz ! Ikaw talaga kahit kailan ay magnanakaw !" Sigaw ni jose at napangiti. Hinabol niya si Kristen para mabawi ang halik na ninakaw ni Kristene kay jose.
Wakas .
~Dont judge the Book by its Cover